Chapter 14

1.4K 62 3
                                    

warning: r-18

Chapter 14

Apology



I was waiting for his reaction, but there was none. Siguro ay sobrang nagulat siya sa sinabi ko kaya wala nalang siyang sinabi, nanatili siyang nakatayo sa harapan ko nang nakalaglag ang panga.

Gusto kong matawa sakanya, ganoon ba ka-grabeng nakakagulat ang sinabi ko? I mean, sinabi ko lang sakanyang pinapayagan ko na siyang ligawan ako. Hindi ko pa naman siya sinasagot.

Siguro nga ay nagulat siya doon sa sinabi ko, paano ba naman kasi, bigla bigla ko nalang iyong sinabi sakanya. Wala manlang akong panimula, basta basta nalang.

Tulala niya akong hinatid sa suite namin, hindi siya umiimik hanggang sa nasa elevator na kami ay ganoon pa din siya.

Kinakabahan tuloy ako ng ganito sa reaksyon niya, ang dami kong naiisip na mga kung ano anong bagay. Tulad nalang na, paano kung hindi niya nagustuhan iyong sinagot ko sakanya? What if talagang pinag-lalaruan niya lang ako.

See? I'm really an professional overthinker. Isang bagay pa lang iyon, pero ganito na ang mga pumapasok sa isipan ko. Pero, wala namang imposible, 'di ba?

Hanggang sa na-ihatid na niya ako hanggang sa tapat ng suite namin, wala pa din siyang imik. Hindi ko na siya kinausap pa no'n at hindi na din ako nag-salita, hinihintay siyang mag-first move pero umasa ako sa wala.

Iniisip ko na baka grabe talaga ang epekto ng sinabi ko sakanya. Pero kahit ganoon, hindi ko naman iyon pinag-sisihan. Bahala siya sa kung anong gustong i-react niya, basta bahala siya.

Nginitian ko nalang siya ng tipid at ganoon din siya, hanggang sa binuksan ko na ang pinto ng suite namin. Kumaway nalang ako sakanya na mukhang hinihintay pa yata akong makapasok sa loob.

Again, wala kaming sinabi sa isa't isa, tahimik ko lang siyang kinawayan at nginitiab at ganoon din siya saakin.

Tuluyan ko na ngang sinarado ang pinto, at pagkatapos no'n ay sinilip ko ang peephole at nakita doon si Darius na papaalis palang sa tapat ng suite namin. So, talagang hinintay niya ako?

Humiga na ako sa kama, tulog na ngayon ang mga kasama ko. Siguro ay kapag gising pa ang mga ito, baka kanina pa ako sumigaw ng sumigaw sa sobrang kilig.

Habang pinag-mamasdan ang kisame, nakahawak ako sa diamond necklace na binigay niya saakin. It was so damn beautiful and elegant. May maliit na diamond lang sa gitna nito.

Kulang nalang ay gumulong gulong na ako sa kama sa sobrang kilig. Tinatakpan ko na nga ang bibig ko dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko, basta nalang akong sumigaw sa kilig.

As long as gusto ko itong picturan at i-post sa social medias ko, hindi ko din magawa. Of course ay for privacy ko na din iyon, baka marami lang mang-usisa saakin at kung ano anong itanong.

Kinabukasan, laking tuwa ko nang nakatanggap ako ng letters with flowers na galing nanaman kay Darius. Natutuwa ako dahil akala ko, hindi na niya ako papansinin pagkatapos no'n, pero nagkakamali pala ako.

Bumaba ako sa restaurant doon, kahit tinatawag na ako nila Allesia ay hindi ko sila pinansin. Sabi kasi ni Darius sa sulat ay magkita daw kami dito sa baba, sa restaurant, at sabay kaming kakain.

Doon ko nakita si Darius na nakaupo na sa pang-dalawang upuan, may menu na na nakalagay sa lamesa. Nang makita niya ako ay agad akong kumaway sakanya.

Inaasahan kong babati siya saakin pero nabigo nanaman ako. Nagtataka na talaga ako sakanya, bakit ba simula kagabi ay hindi na niya ako kinikibo? Pero pinadalhan niya ako ng sulat kanina.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon