Wakas

2.6K 83 1
                                    

Wakas



Since I was in high school, I have been addicted to playing with girls. I also don't know why, I just see others doing that so I'm just copying them.

Maybe it's because of my friendship with the playboys, and I'm being imitated by them. It’s funny to think that they influenced me that way.

Pero medyo napahiwalay na ako sa mga kaibigan kong iyon nang makilala ko si Axilla noong college ako.

Inaamin kong maganda siya, mabait, halos lahat na yata ay nasa kanya na. Crush din siya sa buong school namin, pero wala ni katiting akong naramdaman sakanya kahit kaunti.

Nagtataka nga din ako sa sarili ko, pasok naman siya sa standards ko, pero bakit wala akong maramdaman sakanya?

Until we became friends. Yes, we're only friends. Parehas kasi kami ng kursong gustong kuhain, kaya naman siguro ay naging mas malapit na din kami sa isa't isa.

We trust each other. Nagsasabihin kami ng sikreto sa isa't isa, ultimo alam ko nga ang lahat ng mga bahong tinatago niya.

In short, we're comfortable at each other. To the point na halos pagkamalan na kami ng lahat ng tao na girlfriend ko si Axilla at ganoon din naman ang nangyayari sakanya.

Nakakatawa nga, e. Paano ba naman kasi, sa tuwing may lalapit na mga lalaki kay Axilla, lagi silang umaatras sa tuwing makikita ako.

Hindi ko naman sila pinagbabawalan na lapitan si Axilla dahil nga kaibigan ko lang siya, pero hindi iyon ang tingin ng ibang mga tao.

"Aminin mo nga, girlfriend mo siya, 'no?" tanong saakin ni Demeter.

Pinakilala ko kasi si Demeter kay Axilla, ang gago naman ay nabihag sa kagandahan ng kaibigan ko.

Binatukan ko naman siya. Eto nanaman siya sa pangungulit saakin. Mga ilang beses na siguro niya itong naitanong saakin ngayon.

"Hindi nga! Ang kulit mong gago ka." irita kong sagot sakanya.

Ang ayoko sa lahat ay iyong laging inuulit ang tanong saakin, para bang hindi sila makuha sa isang salita.

At ganoon ang kapatid kong si Demeter. Kahit ilang beses kong sabihin sakanyang walang kami ni Axilla, ayoko niya pa rin maniwala.

He smirked playfully. "Weh? Nagtataka lang kasi ako, simula no'ng naging kaibigan mo si Axilla ay hindi ka na nabalik sa hilig mo na pang-bababae." tanong nito sabay pinangkinitan ako ng tingin.

Umiling ako sakanya at binatukan siya. "Gago, ganoon pa din naman ako. Madalas ko na nga lang gawin 'yon." sabi ko sakanya sabay irap.

Wala naman na siyang sinabi pa at umalis nalang sa harapan ko. Habang nakatalikod siya ay inambahan ko pa siya ng suntok dahil sa inis ko sakanya.

Kakapasok ko lang ng school ngayon, kasabay ko pang pumasok si Axilla dahil nakasalubong ko siya sa gate.

At s'yempre, ito nanaman ang mga taong issue. Nakita lang kami na nagkasabay pumasok ng gate, kung ano ano na ang pinagsasabi saamin.

Active naman ako sa klase, kaso ngayong araw ay medyo inaantok talaga ako. Napuyat kasi ako gawa kagabi dahil sa kaka-review ko para sa exam namin.

Damn it, sobrang nakaka-stress talaga ang college life. Akmang hihikab na ulit sana ako nang matigilan ako dahil may nakita akong isang babaeng dumaan sa tapat ng room namin.

Medyo nanlaki pa ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay para akong nakakita ng isang magandang anghel.

Halos lumuwa na ang mga mata ko. She's so fucking beautiful, kaya lang ay tanging mukha lang ang nakita ko sakanya. At isa pa, saglit lang siyang dumaan sa room namin.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon