Chapter 9
Confused
We remained silent for a while. Nakatitig lang ako sakanya, habang siya ay nakatingin sa paanan niya kung saan maraming nalalaglag na snows. Pakiramdam ko ay ginagawa niya lang 'yon para makaligtas sa tingin ko sakanya.
Kanina pa ako may iniisip tungkol sakanya kaya hindi ko maalis ang titig ko. I was thinking that I was really right. Hindi ko pa kilala ang totoong Darius Salford. Kung sino nga ba siya, kung ano talaga ang ugali niya.
Sa wakas ay nagtama na din ang paningin namin. Ako naman ang umiwas. Anak naman talaga ng puta, hind ko kayang makipag-tagisan ng titig sakanya. Baka mamaya ay matunaw ako.
"So, ano nga palang ginagawa mo dito? Wala kang work?" tanong ko sakanya kalaunan.
Mukhang nagulat pa siya nang mag-salita ako, pero kalaunan ay inayos niya ang tayo niya. Tumikhim muna ito bago niya ako sinagot.
Tumango siya. "Yup, no work. Nag-bakasyon lang kami ni Harold." sagot naman niya.
Tumango tango naman ako at wala ng masabi, kahit na sa totoo lang ay gusto ko pang pahabain ang usapan naming dalawa. Paano ko nga ba pahahabain pa ang conversation namin.
Natanaw ko sila Allesia sa hindi kalayuan at lahat sila ay nakatingin saakin. Napalunok ako, bigla akong nakaramdam ng hiya para sa mga kaibigan ko.
Iniwas ko nalang ang tingin kanila Allesia. Alam ko namang chismosa ang mga kaibigan ko. Nagtataka na siguro sila kung bakit ang tagal na naming nag-uusap ni Darius dito.
Naalala kong hindi ko pa pala napapakilala si Darius sa mga kaibigan ko ng personal. I mean, wala naman sigurong masama doon dahil mga kaibigan ko lang naman siya. Papakilala ko lang dahil alam kong baka sobrang curious na nila Venice.
"Uhm, kung okay lang sa'yo, pakilala lang kita sa mga kaibigan ko." sabi ko sakanya sabay kagat sa ibabang labi, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.
Kumunot naman ang noo niya saakin. "What? Papakilala mo ako?" parang amuzed pa niyang tanong saakin.
Halos mapahawak naman ako sa noo ko. "I mean, naalala ko lang na hindi pa kita napapakilala sa mga kaibigan ko. Tutal ay nandito naman na tayo." kinakabahang sabi ko sakanya.
Para akong nabuhayan ng loob, lalo na nang tumango siya. Kaya naman ay hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon, hinila ko na siya agad doon sa mga kaibigan kong nasa bench.
Nakaupo sila Allesia at Venice, samantalang ang dalawang lalaki naman ay nakatayo dahil pang-dalawahang bench lang ang nandoon.
Nagkakatuwaan sila pero nang makitang dumating ako. Bigla silang tumahimik lahat. Si Venice naman ay halos lumuwa na ang mga mata habang nakatingin sa kasama ko, ang kapatid niya naman ay normal lang ang reaksyon.
Tumikhim ako. Paano ko ba sisimulan?
"Hey, si Darius nga pala, kaibigan ko. Darius, mga kaibigan ko naman." pakilala ko sakanila sa isa't isa.
Nag-tanguan naman ang mga kaibigan ko. Sila Allesia naman ay nahuli ko pang nag-tutulakan. Napailing nalang ako. Subukan lang nilang landiin si Darius, baka makalimutan kong pinsan ko sila. Charot lang.
Si Venice naman ay dali daling lumapit kay Darius at agad na naglahad ng kamay. Tinignan ko kung anong magiging reaksyon niya. As usual, nakangiti nanaman siyang pang-playboy.
"Hi! I'm Venice Arizona Fuego, pinsan ako ni Ryia. Nakatira sa Manila. I'm 25 years old and a Doctor." sobrang habang pakilala ni Venice.
Napailing nalang ako sakanya at pagkatapos ay patago siyang inirapan. Kung hindi ko lang talaga siya pinsan, baka kanina ko pa siya sinabunutan. Ayan tuloy, mas madami ng alam si Darius kay Venice kaysa saakin.
BINABASA MO ANG
To Catch a Dream (CNS#2)
RomanceCasa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things he disliked most of all was the artistic women. But, what if you bump with a woman you do not know...