Chapter 15

1.5K 53 4
                                    

Chapter 15

Dream



Kinabukasan, nagpa-plano sila Mama kung saan nga ba kami magne-new year. Ang sabi kasi nila Tita, sa bahay nalang daw namin ganapin, samantalang sila Mama naman ay gustong dito pa din sa Casa Novia.

Ilang araw na din kaming nandito at ilang araw nalang din ay bagong taon na. Bali, sa isang araw nalang ay bagong taon na.

Wala si Darius ngayon, nagpaalam kasi siya saakin at sinabing may babalikan daw muna siya sandali sa Manila. Pinayagan ko naman siya, kasi sino ba naman ako para pigilan siya?

Naalala ko iyong huli naming pagkikita kahapon, pagkatapos no'n ay namaalam na siya saakin. Ang saklap, 'di ba? Charot lang. Naiintindihan ko naman siya kasi may trabaho din siyang iniintindi.

Kaya naman habang wala siya sa piling ko, hindi naman nawawala ang komunikasyon namin sa isa't isa. We always text and call each other. Bawat araw at bawat gabi, kaya pakiramdam ko ay hindi siya malayo saakin.

Darius Salford: Saan kayo sa New Year?

Nang matanggap ang chat na iyon ay agad akong napangiti. Sa messenger lang kami nag-uusap at minsan ay video call kaming dalawa. Ayaw kasi naming mag-sayang ng load sa isa't isa, may messenger naman kasi.

Ryia Serenity: Sa bahay lang, kayo ba?

Darius Salford: Sa bahay lang din. So, hindi pala tayo magkasama? :(.

Uminit ang pisngi ko nang mabasa kung anong sinabi niya. Malungkot ba talaga siya? Ako din, malungkot din ako dahil hindi kami magkasama ngayong bagong taon. Pero ayos lang iyon dahil nagkasama naman kami nitong pasko.

Chinat ko lang siya at sinabi kong malungkot din ako. Pagkatapos no'n ay nag-video call din kami hanggang sa halos parehas na yata kaming nakatulog.

Pagka-gising ko ay nakita kong on going pa din iyong tawagan namin. Dahil nga video call, kitang kita ko ang nakapikit niyang mga mata at mahina pa siyang humihilik. Mukhang masarap ang tulog niya, ah?

Wala sa sariling napangiti ako. Ang ganda naman ng gising ko, kahit hindi ko kasama si Darius ay siya ang bubungad saakin ngayong umaga.

Hindi ko pinatay ang video call, nakatitig lang ako sakanya at hinihintay na idilat ang kanyang mga mata. Napatingin ako sa orasan, maaga akong nagising ngayon.

Ngayong araw na din kasi ito ay aalis na kami sa Casa Novia. Ewan ko kung bakit nalulungkot ako. Pero at least, kahit paano ay nasulit ko naman ang ilang sandaling nandito ako sa lugar na ito.

Dala dala ko ang phone hanggang sa nakapasok na ako sa banyo. Habang nagsi-sipilyo ako ay nanatili ang tawagan namin sa isa't isa. Mahimbing pa din ang tulog niya.

Hanggang sa nakita kong dinilat na niya ang kanyang mata. Saakin siya agad napatingin at pagkatapos ay kinusot ang mga mata, para bang iniisip niya na baka nananaginip lang siya.

Nginitian ko siya at agad na kinawayan, hawak hawak ko sa isang kamay ang toohbrush ko, hindi pa ako makapag-salita sa ngayon.

Nakita ko siyang bumangon sa kama. Sabi niya saakin kagabi ay nasa condo daw siya natutulog. Nang bumangon siya, wala na siyang pang-itaas at tanging gray sweatshorts lang ang suot niya.

"R-Ryia? Hindi mo pala pinatay ang tawag?" bakas ang gulat sa boses ni Darius.

Nag-wait sign lang ako sakanya at pagkatapos ay tinapos ko muna ang pagsi-sipilyo. Nang matapos ay pinunasan ko muna ang mukha ko ng face towel bago siya hinarap.

I chuckled. "Nope. I was waiting for you to wake up." sabi ko, bahagyang kinikilig na.

Nakita kong namula nanaman ang kanyang buong mukha. Senyales talaga ito na kinikilig siya. Maarte ko naman siyang nginitian.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon