Chapter 2

2.2K 96 4
                                    

Chapter 2

Innocent



"You're messing with an wrong man, Miss." he said, dahilan para halos sumabog na ako sa galit.

Natigilan ako doon sa sinabi niya. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Ang kapal lang ng mukha niya para sabihin iyon saakin. Sino ba naman siya? Isa lang naman siyang hindi hamak na pulis.

Nang nawala siya sa harapan ko ay parang nawalan ng kulay ang buong mukha ko. That's it. Naiwan akong parang tangang nandito sa may cafe at halos pagtinginan na nga ako ng mga tao.

Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang bumalik doon sa loob, knowing na nandoon ang gagong lalaking iyon. Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin siyang makita doon sa loob.

Nangigigil akong pumasok sa loob ng cafe. Hindi na ako tumingin sa direksyon kung nasaan ang lalaking iyon. Bahala na siya sa buhay niya. Bumalik ulit ako sa table nang hindi nalalaman nila Allesia ang nangyari.

"Ayos ka lang? Parang ang tagal mo yatang makabalik?" sabi ni Allesia na ngayon lang nag-angat ng tingin saakin.

Huminga ako ng malalim at umiling. "Umuwi na tayo. Hindi ko na kaya dito." aya ko sakanila.

Agad namang kumunot ang noo ni Venice. "Uy, teka lang, bakit aalis tayo agad? May problema ba?" kuryosong tanong niya.

Paano ko ba ka sasabihin sakanila iyon? Ang hirap naman kasi. Malamang na magtataka sila kung sino ang lalaking iyon, malamang na kapag may sinabi ako, aalamin din nila ang buong katotohanan at wala na akong magagawa doon.

Kinuha ko nalang ang coffee na nasa table at muling bumalik ang tingin kung saan nandoon ang pwesto ng lalaking kinausap ko kanina. Gusto ko lang naman malaman ang pangalan niya. Tangina, parang ang hirap niyang kausapin na ngayon.

Patago ko siyang sinamaan ng tingin at kalaunan ay inirapan. Mas'werte siya at nakatalikod siya saakin, baka kapag nakaharap siya at baka kanina ko pa siya pinatay sa uri ng titig ko.

"Sinong sinasamaan mo ng tingin?" tanong ni Allesia at pagkatapos ay sinundan ang tinitignan ko.

Umiling lang ako sakanila at kalaunan ay iniwas ang tingin doon para hindi na magtaka pa itong mga kasama ko.

Nang nakita kong parang paalis na ang lalaking iyon ay tumayo na din ako para sana sundan siya. I know, mukha na akong desperada sakanya pero wala na talaga akong pakealam.

Nang tumayo ako ay agad namang napatingin saakin ang mga kasama ko.

"Saan ka pupunta?" tanong nilang dalawa.

I just shrugged. "Basta, sa labas muna ako, papahangin. Babalik naman ako." paalam ko sakanila at wala na silang nagawa kung hindi ang tumango.

Nang tumango na sila ay dali dali naman akong lumabas ng cafe, uunahan ko na silang makalabas para habang nandoon na sa labas, sasalubungin ko ang gagong iyon. On the other side, kasunod ko ang mga pesteng bantay ko.

Sumilip ako mula sa labas at nakitang palabas na siya, kasama ang isa niyang kaibigan. Hindi na ako mapakali dito. Gusto ko siyang kausapin ng matino, hindi iyong katulad ng kanina.

Nang palabas na sila, nasa may tapat na ako ng pinto at nakahanda na para salubungin sila. Nang nakalabas na sila mismo, parehas silang natigilan ng kasama niya nang makita ako.

"Oh… you're that girl?" tanong ng kasama niya saakin.

Tumango ako habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking kakausalin ko.

"Can I talk to him?" tanong ko sakanya.

Tumingin naman ang lalaki doon sa katapat ko. Mukhang nagtataka na ito kung sino ako. Ang isang lalaki naman ay walang sinabi dahil hindi niya naman din ako kakilala.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon