Chapter 26
Believe
Pinagmasdan ko lang si Bernadette, kasama ang anak niyang umupo sa lamesa na kinauupuan namin at ng pamilya ni Darius.
Nakita ko namang napa-ismid ang nanay ni Darius habang pinag-mamasdan sila Bernadette.
Bali, naupo sila sa tabi ni Darius, samantalang ako ay nasa tapat lamang. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon.
I should leave, right? Pero heto ako, nakaupo pa din dito lamesa nila, kahit alam kong hindi naman ako belong.
Mukhang hindi alam ni Darius ang kanyang gagawin, kung tatayo ba siya or papatayuin niya sila Bernadette.
Nakamasid lamang ako dito. Mukhang hindi nga talaga alam ng parents ni Darius ang tungkol dito, no wonder kung bakit naging ganoon ang reaksyon nila.
"Darius, who's this girl and this kid?" naguguluhang tanong ng mommy ni Darius sakanya.
Tanging buntong hininga lamang ang sinagot niya, at nang magtama ang paningin namin ay kaagad akong umiwas.
Nagsasaya na ang mga tao, kasabay ng masayang music. Pero dito sa lamesa namin, ramdam na ramdam ko ang tensyon.
Tumingin ulit ako kay Bernadette at pagkatapos ay sa anak niya. Pogi naman ang anak niya, ang kaso lang, wala akong makitang kahit istilo ni Darius doon sa bata.
Hindi ko maiwasang magtaka. Oo nga pala, miski ako ay hindi pa sigurado kung anak ba talaga ni Darius iyon.
At sa tingin ko, ayoko ng malaman pa ang totoo. Kasi, parang kahit anong marinig kong kasagutan ay masasaktan at masasaktan pa din ako.
Tumikhim si Bernadette. "Hello po. My name is Bernadette, and this is Cloud, our son." nakangiting sabi ni Bernadette sa parents ni Darius.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng pait saaking sikmura, kaya naman ang ginawa ko ay napainom nalang ng wine.
Lahat ng nandito sa lamesa ay halos sakanya nakatutok ang mga mata, kasama na ako doon s'yempre.
"Excuse me? Who are you? And, anong pake namin sa'yo at sa anak mo?" mataray na sabi ng mommy ni Darius.
Nanlaki ang mata ko roon. Ngayon ko lang makita ang mataray side niya. Usually kasi ay sobrang bait ng pakikitungo niya saakin.
Huminga ng malalim si Bernadette at pagkatapos ay may binulong ito sa anak niyang si Cloud, agad namang tumango ang kanyang anak.
Bumaba mula sa lap niya si Cloud, at pagkatapos ay lumapit ito sa parents ni Darius. Parehas silang nagulat nang mag-mano sakanila ang bata.
"Hi po. Ako po si Cloud, I'm the son of Darius Salford." tuwid na tuwid na sabi ni Cloud.
Ang dalawang matanda naman ay parehas nasamid sa iniinom nilang tubig. Kaagad naman silang inalalayan ni Darius.
Ilang beses na umubo ang mommy ni Darius at pagkatapos ay nanlalaking tumingin ito mismo sakanyang anak.
"What the fuck is this kid saying, huh?" bakas na ang galit sa boses ng kanyang mommy.
Nakahinga ako ng maluwag, mabuti nalang talaga ay may kanya kanyang mundo ang mga tao rito.
Tinignan ko naman si Cloud, mukhang paiyak na ito dahil mukhang hindi siya nagustuhan ng kanyang lola. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sakanya.
"Mom, magpapaliwanag ako. But believe me or not—" agad naputol ang sasabihin ni Darius.
Agad namang lumapit si Bernadette sa tapat ng magulang ni Darius. Nakita ko namang biglang napainom ng wine si Demeter.
"Oh come on, Darius. Lumabas na ang DNA results, and it says na ikaw ang ama." sabi ni Bernadette sabay ngisi ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
To Catch a Dream (CNS#2)
Roman d'amourCasa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things he disliked most of all was the artistic women. But, what if you bump with a woman you do not know...