Chapter 1

2.8K 108 17
                                    

Chapter 1

Familiar



Nagising ako na parang may nararamdaman akong nagvi-vibrate saaking tabi. Kinapa ko iyon at laking gulat ko nang makitang tumutunog pala ang phone ko!

Ang mas nakakagulat pa ay si Allesia ang tumatawag saakin. Tinignan ko kung anong oras na at nakitang alas otso na pala ng gabi. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong natulog.

With that thought, kinapa ko ang buong katawan ko at ganoon nalang ang gulat ko nang makitang wala akong damit kahit isa! Wala sa sariling napasigaw ako at napahawak sa sentido ko.

May nangyari ba kagabi? Bakit wala akong suot na kahit anong saplot? Napatingin ako sa sahig at doon ko nakita ang damit ko na nakakalat, isama pa ang panty ko doon na… punit, parang nginatngat iyon ng kung anong hayop.

Really? Pinakiramdaman ko ang aking sarili sa pag-aakalang nananaginip lang ako. Masakit ang pag-itan ng mga hita ko, hindi ako halos makagalaw sa kinauupuan ko. Halos mapaiyak ako sa sobrang sakit.

Ibig sahihin ay hindi ako nananaginip noong nangyari iyon!? Totoong binigay ko ang bataan ko kung kanino lang? Paano nangyari iyon? Bakit ko nalang binigay basta basta ang bataan ko?

Sinagot ko ang phone kahit na kinakabahan at nahihirapan ako. Paano ba naman ako makakagalaw nito, halos hindi ko nga magalaw ang mga paa ko. Paano ako makakalabas at makakapag-bihis?

"H-Hello?" nauutal kong sagot sakanya.

Narinig ko ang maraming boses sa kabilang linya na alam kong sila Venice iyon. Sobrang nakakahiya sakanila. Baka iniintay nila ako, or baka naman nakauwi na sila sa bahay.

"Ryia! Nasaan ka ba? Isang oras na kitang tinatawagan, ngayon mo lang sinagot. Kami ang mayayari nito kila Tita." kinakabahan ngunit pasigaw na sabi saakin ni Allesia.

Miski ako ay kinakabahan. Hindi ko na alam kung paano ko ba sila haharapin. Nakakahiya. Wala naman akong balak sabihin sakanila ang mga nangyari saakin dahil para saakin na lamang iyon.

"Uhm…" hindi talaga ako makasagot sakanya.

"Nasaan ka? Nasa loob ka ba? Hindi ka pa naman umuuwi sa bahay, ah?" rinig kong sabi saakin ni Venice.

Huminga ako ng malalim. Nag-iisip ng paraan para makalusot sakanila, pero paano?

"Ano kasi… nasa loob ako, na-lock. Pero ayos na ako, palabas na ako." sabi ko nalang at dali daling binaba na ang tawag.

Nang natapos na ang tawag ay dali dali akong umalis sa kama. Nang makatayo sa sahig, pakiramdam ko ay parang hindi pa ako makalakad. Muli nanamang kumirot ang nasa pag-itan ng mga hita ko.

Ganito ba talaga kapag first time mo? Sobrang sakit ba talaga?

Naalala ko nanaman ang gagong iyon. Kahit pangalan manlang niya ay hindi ko nalaman. Siya ang kumuha ng virginity ko, alam kong ginusto ko din naman iyon kaya pakiramdam ko ay wala akong karapatang sumbatan siya.

Pero hindi, e. Kailangan ko lang malaman ang pangalan no'n kahit paano. Sa laki ba naman ng lugar na ito, baka mamaya ay hindi na ulit mag-krus ang landas namin. At isa pa ay baka bakasyon lang siya dito, at sa susunod na araw ay wala na siya dito sa syudad.

Nalungkot ako doon. Ang masakit saakin, pagkatapos ng nangyari saamin ay iniwan niya nalang akong basta basta na para bang sanay na sanay na siyang gawin iyon. Muli akong bumuga ng marahas na hininga. Boys nowadays.

Pinulot ko ang bra at dress ko. Bahala na ang panty ko, alangan namang isuot ko iyan gayong sirang sira na iyon. Mas minabuti kong huwag nalang mag-suot ng panty. Ayos lang din naman dahil masikip naman ang dress ko, at isa pa ay pauwi na din kami.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon