Chapter 10

1.5K 65 18
                                    

Chapter 10

Stay



Dapat ay maging masaya ako pero hindi ganoon ang nararamdaman. I know that there's something wrong. Kilala ko si Mama, hindi siya papayag ng basta basta nalang.

Nakatitig lang ako sa kawalan sa kwarto ko. Hindi ko pa din maalis sa isip ko ang sinabi ni Mama. Masaya ako, oo, pero hindi ko maiwasang magtaka sa mga kinikilos ni Mama.

Mayroon nga bang kakaiba o ang isip ko lang ang nag-iisip ng ganoon? Kasi sa totoo lang ay sobra na akong naguguluhan. Dapat nga ay mag-enjoy ako dahil sa wakas, makakalaya na ako sa impyernong ito.

I don't want to ask Mama. Alam kong wala siyang sasabihin saakin dahil ganoon naman talaga siya. Iniisip ko nalang na baka naayos na ni Mama ang kaligtasan ko, baka wala na ang mga maaaring manakit saakin.

Wala naman kasi akong alam doon. Ilang taon kong sinusunod sila Mama pero kahit kailan ay hindi ko pa nalalaman kung bakit nga ba ako mapapahamak. Wala namang nagsabi saakin na kung sino.

Bumaba ako sa kusina at naabutan si Sereia na nag-huhugas ng mga pinggan. Masigla ko siyang nilapitan. Ilang araw ko din siyang hindi nakikita. Somehow, I missed her.

Pinilig ko ang ulo ko. Kailan pa ako naging close sa mga kasambahay? Ngayon lang, sakanya lang, kasi pakiramdam ko ay ang gaan gaan ng loob ko sakanya.

Napatingin siya saakin at halos mahulog nito ang hinuhugusan niyang pinggan. Hindi ko naman maiwasang mapatawa sakanya. Ang cute niya lang kasing magalit.

"Ma'am! May kailangan po ba kayo?" alertong tanong nito saakin at kalaunan ay pinunasan na ang kanyang kamay.

Natatawang umiling naman ako sakanya. "Wala naman, I just need someone to talk to." sabi ko.

Alam kong pwede namang sila Allesia ang kausapin ko, kaya lang ay parehas ng babad sa trabaho ang dalawa sa kwarto. Ilang linggo kasi silang dalawa na nawala sa trabaho, kaya naman ngayon ay tambak na ang gawain nila.

Bukod sa mga pinsan ko, si Sereia lang ang naisip kong p'wede kong kausapin. Ayoko naman kila Raizel, alangan namang papuntahin ko sila dito dahil lang gusto kong kwentuhan sila. At isa pa, baka hindi seryoso ang isagot saakin ng mga ito.

Si Sereia, simula noong nakausap ko siya isang beses ay naging magaan na ang loob ko sakanya. Mas matanda siya saakin, mas marami na ang kanyang naging karanasan saakin, kaya naman pakiramdam ko ay matured siyang mag-isip.

Nakita kong nanlako nanlaki ang mga mata niya. "A-Ako po? Sigurado po kayo? Baka mapagalitan po ako ni Ma'am." tukoy niya sa Mama ko.

I sighed, then I held her shoulders. "Hindi ka naman niya papagalitan, kasama mo naman ako." malambot kong sinabi sakanya.

Kitang kita ko ang pag-aalangan sa mukha niya. "Pero, Ma'am…" kumamot pa ito sakanyang batok.

I chuckled. "Come on, tapusin mo muna 'yang ginagawa mo, tapos 'tsaka tayo pupuntang garden." sabi ko sakanya at tumango naman siya.

Sumandal nalang ako sa counter at pinanood siyang tinatapos na ang pag-huhugas ng pinggan. Ewan ko ba kung bakit napapangiti ako. There's really something on Sereia na hindi ko maipaliwanag.

Kalaunan ay natapos na din siya sakanyang ginagawa. Nang humarap siya saakin ay dali dali kong kinuha ang kanyang palapulsuhan at hinila na ito patungong garden.

Dito ko napiling pumunta dahil alam kong wala mas'yadong makaka-istorbo saaming dalawa. At isa pa, sobrang tahimik ng paligid at maaliwalas pa.

Narinig ko siyang tumikhim kaya napatingin ako sakanya.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon