Chapter 5

1.7K 87 7
                                    

Chapter 5

Parents



Hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang naging huling usapan namin ni Darius. At hindi din mawala sa isip ko ang nangyari noong gabing una kaming magkita. I guess, ako lang talaga ang nakakaalam na nangyari iyon.

Nakakainis nga lang, kahit gusto ko na iyong makalimutan ay parang ayaw naman yata ng sarili ko. Ilang beses ko na iyong napapanaginipan na may nangyayari saaming dalawa, at pagkatapos ay hingal na hingal akong babalikwas ng bangon.

Such a stupid dream. Hindi ko nga alam kung umuungol ba ako dito sa kama sa tuwing napapanaginipan ko iyon. Sana lang ay hindi dahil baka marinig iyon ng mga pinsan ko, baka iba pa ang isipin nila saakin.

Bumaba ako ng kwarto at nadatnan ko doon sila Mama na mukhang aligaga yata, ganoon din sila Tita at ang dalawa kong pinsan. Mukhang may ginagawa yata silang importante ngayon.

Hindi yata nila ako napansin dahil kahit nasa harapan na nila ako, para lang akong multo dito. Kung hindi pa ako tumikhim, mukhang hindi pa sila titingin saakin.

"Darling, gising ka na pala?" ani Mama sabay lapit saakin para halikan ang pisngi ko.

Tinignan ko sila Allesia na ngayon ay busy pa din sakanilang ginagawa. Hindi ko maiwasang maging kuryoso, kaya naman hindi ko na napigilang mapakunot ang aking noo.

"Ano pong meron?" tanong ko sakanya sabay tingin ulit sa mga taong nasa paligid ko.

"May party kasi na gaganapin mamaya, uhmm, as long as gusto ka naming kasama… alam mo namang hindi p'wede." sabi ni Mama na mukhang malungkot.

Doon na napabaling ang dalawa kong pinsan at sabay sabay silang umiling 'tsaka bumuntong hininga. Ganoon din ang ginawa ko, wala sa sariling bumagsak ang balikat ko.

Eto nanaman, may party nanaman silang pupuntahan na hindi nanaman ako kasama. Hindi naman iyon ang unang araw na nangyari ito saakin. As in, lagi naman, kapag sa tuwing may party silang gaganapin, lagi nila akong hindi sinasama dahil sa kadahilanan.

Huminga ako ng malalim. Sabi ni Mama, kaya daw hindi ako p'wede doon ay dahil sobrang daming tao daw. Baka daw may mangyari saakin na kung ano ano. Hindi ko alam kung ano iyon pero basta ay sinusunod ko nalang sila para sigurado.

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga pinsan ko na ngayon ay nakasuot na ng gown, ready na ready na silang umalis. Samantalang ako, hindi talaga p'wedeng sumama kahit gusto ko pa iyon.

Hindi naman sa naiinggit ako sakanila pero parang ganoon na nga. Mabuti pa sila, malaya sila sa buhay nila. Samantalang ako, p'wede ngang lumabas pero laging may bantay pa, at sa tuwing importante lang dapat ako p'wedeng umalis.

Hindi kagaya ng party na ito, kung siguro ay wala mas'yadong tao, baka payagan pa ako ni Mama, or worst ay hindi din niya ako payagan dahil sobrang higpit niya talaga saakin. Baka kapag nag-pumilit pa ako, magalit pa siya saakin.

Somehow, I just miss joining beauty contest. Kailan ko kaya ulit iyon mararanasan? Sa totoo lang, nakakapang-hinayang ang malalaking kompanya na iniimbita nila ako para maging model nila. Gusto ko iyon, pero kay Mama ay bawal.

Hindi niya lang ako binawalan na lumabas, binawalan niya na din ang mga gusto kong gawin at mga gusto kong pangarapin, katulad nalang ng pag-sali sa mga beauty contest. Ilang taon na akong hindi nakakasali doon, kailan kaya ulit mauulit?

Pinagmasdan ko sila Mama na mukhang paalis na yata ngayon. Buong buo sila, kasama din sila Papa at Tito. Bali, ang kulang nalang talaga ay ako. Napangiti nalang ako ng mapait.

"Ryia, aalis na kami. Take care!" nakangiting sabi saakin ni Mama sabay halik ulit sa pisngi ko.

Tumango na lamang ako sakanya, at sila Allesia naman ay malungkot nalang akong nginitian. Alam kong gusto din nila akong pasamahin, alam din nila kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon