Simula

4.5K 144 70
                                    

[Warning: R-18]

Simula

Nakatingin lang ako sa balcony ng kwarto ko, marahang pinag-mamasdan ang mga magagandang paligid. Wala sa sariling napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang phone ko para kuhaan iyon ng litrato.


Pinost ko sa social media ko ang sunset na nakakuhaan ko ng litrato. Ganoon kasi ako, sa mga ganoong bagay ay hilig kong kuhaan ang mga magagandang paligid. Halos puro pictures na nga lang ng sunset ang nasa social medias ko.


How I wish na sana ay kagaya din ako ng mga ibang babae na malayang malayang kumikilos kung anong gusto nilang gawin. Hindi kagaya ko na kontrolado ng mga magulang ko ang bawat galaw ko.


Hindi ako mahilig na makisalamuha sa ibang tao, maliban na lamang kung close tayo. Hindi kasi ako sanay. Sa isang taon kong naging ganito ang buhay, parang nagbago na din ang pananaw ko.


Humiga ako sa kama at tumingin na lamang sa kisame, habang ang phone ko ay hawak hawak ko at inilagay ko lamang iyon sa dibdib ko. Isa pa sa maganda ay may dala dala akong laging phone, kaya naman hindi nawawala ang communication namin ng mga kaibigan ko.


"Ryia!" sa tinig pa lang niyon ay alam ko nang si Allesia iyon, kaya naman agad kong binuksan ang pinto.


Tama nga ako, si Allesia nga iyon, siya ang isa sa mga pinsan ko na kasama ko dito sa bahay, kaya naman kahit paano ay hindi ako nabo-bored dahil may mga kasama naman akong pinsan.


Minsan pa ay dinadalaw ako dito ng mga kaibigan namin. Alam kasi nila ang sitwasyon ko, kaya naman sa tuwing may magaganap na birthday ay mas minamabuti nalang nilang dito iyon ganapin sa bahay namin.


Tinignan ko si Allesia, she's wearing in her usual clothes. Naka-short lang siya at simpleng tshirt dahil iyon naman talaga ang mga pormahan niya.


Kumunot ang noo ko at pinapasok siya sa kwarto. "Bakit?" sabi ko habang pinagmamasdan siyang umupo sa kama ko.


Umupo na din ako sa tabi niya, sa tingin niyang iyon ay mukhang may importante siyang sasabihin. Tumitig ako sakanya habang hinihintay ang kanyang sasabihin.


She sighed. "Wala sila Tita and Tito…" tukoy niya sa magulang ko.


I nodded. Minsan nga ay wala dito sila Mama at Papa dahil s'yempre ay may trabaho silang ginagawa. Sa tuwing wala nga sila dito, naiisip ko na tumakas at lumabas ng bahay, pero alam kong baka pag-uwi ko ay wala na akong madatnan.


"Oh… Alam ko na iyang naiisip mo," akusa ko sakanya, knowing Allesia, kakaiba ang tingin niya saakin.


Tumawa siya ng mahina. "Eto na nga, birthday kasi ni Raziel ngayon. Sa bar iyon gaganapin. So, g ka ba? Sumama ka na, please? Isa pa ay minsan lang naman sumama sa mga ganoon. Wala pati sila Tita, so this is your time!" sabi ni Allesia habang nanginginig pa ang mga mata nito.


Napa-isip ako doon sa sinabi niya. Naalala ko tuloy noon, noong wala pa ako sa impyerno, bawat gala yata naming magkakaibigan ay lagi akong kasama, walang araw na hindi ako nakakasama. Pero ngayon ay iba na ang sitwasyon ko.


Huminga ako ng malalim, nagbago ang itsura ni Allesia nang gawin ko iyon. Mukhang alam na niya ang sasabihin ko dahil biglang lumungkot ang mukha nito.


Kaya ko bang labagin ang mga magulang ko? Paano kung totoo nga ang sinasabi nila na nanganganib daw ang buhay ko? Pero kahit isang beses, wala akong nakitang may nag-tangka sa buhay ko… pero, wala naman sigurong masamang mag-ingat?


To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon