Chapter 21

1.3K 53 3
                                    

Chapter 21

Way



Nakasimangot lang ako nang sumakay na ako sa kotse ni Raizel. Again, wala siyang kaalam alam sa mga naganap saakin kani-kanina lang.

Hindi ako umiimik simula kanina pa nang sunduin niya ako. Hindi pa din ma-proseso ng utak ko ang lahat ng mga nangyari ngayon.

Batid kong pansin ni Raizel na parang wala ako sa aking sarili pero hindi nalang niya ako tinanong. Alam niyang kapag ganito ako, ibig sabihin ay medyo galit ako.

Siguro ay na-trauma na siya saakin dahil noon pa man, kapag talagang bad mood ako ay wala akong pinapalagpas na tao. Talagang kahit sino, nalalabasan ko ng apoy na parang dragon.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi saakin ni Darius kanina. Hindi ba dapat ugaliin muna nilang kamustahin ang biktama, bago sabihin na 'we need your statement'?

That's bullshit. Kung ganoon, ibig sabihin ay hindi niya pinapairal ang professionalism sakanyang trabaho. Mas lalo akong nagalit sakanya.

For damn shit, that's our first interaction after 4 years. Tapos, ang nakakatawa pa ay ganoon pa talaga ang magiging sitwasyon.

Hindi ko alam kung pupunta ba ako ngayon sa presinto gaya ng sinabi ni Darius, dahil saan pa ba nila ako kukuhaan ng statement?

Hindi ko din alam kung paano ko pa sasabihin kay Raizel ang lahat. Ayoko naman siyang biglain, lalo na't nagma-maneho pa man din siya.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang message saakin ni Penelope. 9pm na ngayon sakto, ibig sabihin ay oras na ng pahinga ko ngayon.

Pero sa tingin ko ay hindi naman ako makakapag-pahinga nito, knowing na hindi mawala sa isip ko ang sinabi saakin ni Darius kanina.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko, at pagkatapos ay nilingon ko si Raizel na nakatitig lang sa daan.

"Uhm, diretso mo sa presinto." biglang sabi ko dahilan para bigla niyang ma-preno ang sasakyan.

Muntik pa akong masubsob sa dashboard, mabuti nalang ay agad iyong natabunan ng kamay ko, kung hindi ay baka nasubsob na ako ng tuluyan dito.

Hingal na hingal si Raizel at nag-aalala akong tinignan. Sinamaan ko lang naman siya ng tingin. Sinasabi ko na nga ba na maling desisyon ang sabihin agad sakanya.

"What the fuck, Ryia? Anong sa presinto kita dadalhin? Don't tell me, nakagawa ka ng masama?" iritang tanong niya saakin.

Huminga ako ng malalim. "Nope, pupunta ako doon hindi dahil nakagawa ako ng masama, kun'di dahil kukuhaan ako ng statement roon." honest kong sagot sakanya.

Narinig ko siyang suminghap. "What? Statement for what?" naguguluhang tanong niya.

Napakamot naman ako sa batok ko. "I was sexual harrased earlier, doon sa beauty contest. Mabuti nalang at kaagad na may dumating na mga pulis." sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya at agad na pinalo ang manubela. Hindi ito nag-salita at kalaunan ay inusod niya ang sasakyan para maitabi sa daan, kanina pa kasi kami nakatigil.

"Are you fucking serious?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Dahan dahan akong tumango at nag-iwas ng tingin sakanya.

Pagkatapos no'n ay nanatili siyang tahimik, siguro ay hindi alam ang sasabihin ko sa mga sinabi ko sakanya. Ganoon din ako, nanatiling tahimik lang.

Pagkatapos ng walang imikan, minaneho niya na din ulit ang sasakyan. Ewan ko kung bakit sandali siyang natahimik, hindi ko alam ang ginawa niya.

Hanggang sa nakarating na kami sa presinto, ito ang presinto na pinuntahan ko noon kung saan nagta-trabaho si Darius kaya naman dito ako pumunta.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon