Chapter 18

1.3K 56 0
                                    

Chapter 18

Leave



Agad kong hinila si Sereia papasok ng gate namin, iniwan ko doon si Darius kahit medyo labag iyon sa kalooban ko. Hindi pa kasi ako makapag-isip ng matino.

Napahawak nalang ako sa puso ko nang maramdaman na bumilis ang tibok niyon. Alam kong dahil kay Darius. Kaya lang, hindi ko alam kung nasasaktan ba ang puso ko or natutuwa.

Ni-lock ko ang pinto ng bahay namin, baka kasi mamaya ay habulin ako ni Darius hanggang dito. Ayokong mangyari iyon.

Napatingin ako kay Sereia na ngayon ay nakakunot na ang noo saakin, alam kong nagtataka na siya sa ginawa ko.

Kin'wento ko naman sakanya lahat ng nangyari, kasama na doon ang nangyari saamin ni Darius. Nag-tataka siya ngayon dahil ang sinabi ko, kakausapin ko si Darius ng matino.

Pero hindi ko nagawa. Nang makita ko siya kanina ay wala sa wisyo ang isip ko kaya agad ko siyang sinampal.

Sa tuwing naalala ko sila noong babae, hindi ko man sila nakita ay narinig ko naman sila. At sobrang kakaiba noong narinig ko sa kabilang linya.

Sabi ko sa sarili ko, kakausapin ko si Darius kapag tuluyan ng naayos ang lahat. Kaya lang ay nagpakita siya agad saakin, wala akong nagawa, iyon ang naramdaman ko.

I'm fucking jealous, sana ay aware siya sa nararamdaman ko. Ang dami ko ng mga iniiisip na bagay bagay, ayokong madagdag sa isipan ko si Darius at ang babae niya.

Sumilip ako sa bintana at nakita si Darius na nandoon padin sa tapat ng gate, mukhang hinihintay pa din akong lumabas.

Kahit anong pigil ko sa sarili ko, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sakanya. I had no idea kung ilang oras na siyang nag-hihintay saakin sa tapat ng bahay namin.

He waited for me, at nang makita niya ako ay sinuklian ko siya ng isang malutong na sampal. Alam kong masakit iyon para sakanya, pero nang makita ko kasi ang mukha niya kanina ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Andoon pa din siya, hinihintay niya ako. Makulimlim na sa labas, at ibig sabihin ay may posibilidad na umulan. Sana naman ay umalis na siya maya maya pa.

Nakarinig ako ng tikhim kaya naman napatingin ako kay Seria. Naka-taas ang isang kilay niya saakin.

"Akala ko ba ay kakausapin mo siya? Scam ka pala, e." sabi nito sabay iling na para bang disappointed siya saakin.

Huminga ako ng malalim, kung sana ay ganoon ang unang naisip ko kanina ay baka nga kinausap ko siya ng matino. Kaso hindi, bigla ko kasing naalala ang lahat.

Alam kong mababaw lang itong selos na nararamdaman ko, kung tutuusin nga ay wala akong karapatang makaramdam ng ganito.

Nililigawan pa lang niya ako, malayang malaya pa siyang magkaroon ng babae. Who knows, baka mamaya ay sinusulit nalang niya ang pagiging single days niya.

Hindi ako makatingin kay Sereia, batid kong maging siya ay inaabangan ang isasagot ko.

"Ryia, you should talk to him. Don't be immature. You know, communication is always the key. Kaya maraming relasyong nagkaka-siraan dahil hindi muna nila dinadaan sa matinong usapin." advice niya saakin.

Tama naman siya, alam kong nagkamali ako sa ginawa ni Darius saakin at agad ko naman iyong pinag-sisihan. Kaya nga ngayon ay wala na akong mukhang maihaharap sakanya.

Tumango ako sakanya. "I-I know, kakausapin ko naman dapat talaga siya. Kaso ay hindi pa ako handa ngayon." sagot ko sakanya.

Narinig ko siyang marahas na bumuntong hininga. "Ryia, kapatid kita, pero ang tanga mo sa part na 'yan. Ayan na siya, e, bakit mo pa sasayangin ang pagkaka-taon? Kailan mo siya kakausapin, kapag wala na siya?"

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon