Chapter 3

2K 95 24
                                    

Chapter 3

Interested



Nakatitig lang ako sakanya habang nagmamaneho siya. Inihatid niya nga ako gaya ng sabi niya. Wala din naman akong nagawa dahil ayoko ng pahabain pa ang usapan namin, may iba kasi akong nararamdaman at hindi din ako makatingin sakanya.

Tahimik lang ang byahe namin. Kung wala pang tugtog sa stereo, ewan ko nalang kung daanan na kami ng anghel dito sa sobrang tahimik. I didn't want to talk to him. After all what I've said to him, pakiramdam ko ay ang kapal kapal ng mukha ko.

Sinabi ko lang sakanya kung saang village kami at sinabing hanggang sa gate nalang niya ako ihatid. S'yempre ay hindi ko sinabi sakanyang baka makita ako nila Mama kaya ayokong paabutin siya hanggang sa tapat ng bahay namin.

Mabuti na din iyong hindi niya ako kinakausap at hindi rin naman siya nagsasalita. Minsan pa nga ay naabutan ko siyang sumusulyap ng sandali saakin bago muling tinutuon ang mata sa daan.

Kalaunan ay nakarating na kami sa gate ng village namin. Agad agad naman akong bumaba at hindi ko inaasahang bababa din si Darius.

Darius… iyon ang pangalan niya. Hindi ko pa siya natatawag na sa ganoong pangalan dahil narinig ko lang naman iyon sa kasama niya, pero sigurado akong iyon ang pangalan niya.

What a beautiful name… pero kung tatanungin mo ang ugali niya? Ekis. Playboy. Mapanakit. Akala mo kung sino, walang pakealam sa mga babae.

Ang ganda na sana ng pangalan niya, may meaning kasi iyon at alam kong maganda ang meaning niyon. Ang kaso nga lang, hindi sumama ang ugali sa ganda ng pangalan niya at sa ganda ng mukha niya.

Inaamin kong g'wapo naman talaga siya. Kanina, habang nagmamameho siya at hindi nakatingin saakin, nagkaroon ako ng chance para titigan ang mukha niya kahit medyo side view iyon. Side view pa lang pero sobrang ganda na ng mukha niya doon.

Kung tutuusin, akala mo nga ay isa siyang anghel. Well, medyo badboy looks nga lang siya pero iyong badboy na medyo may pagka-anghel. Ganoon ang unang tingin ko sakanya, pero badboy lang pala talaga at walang anghel.

"Salamat sa paghahatid," sabi ko sakanya nang makababa sa kotse niya.

Tumango namam siya at tinignan ang gate ng village namin. "Welcome. Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid sa loob? Mainit, baka mangitim ka kapag lalakarin mo pa." parang concerned na tanong niya saakin.

Wala sa sariling sinamaan ko siya ng tingin. Bakit nakakaramdam ako na parang may pake siya saakin? Kalaunan ay pinilig ko ang ulo ko. Pakiramdam ko talaga ay nilalandi niya ako.

Umiling ako. "Ayos lang. Ano pating pake mo?" sabi ko sabay taas ng isang kilay sakanya.

Napaawang ang labi niya sa sinabi ko pero kalaunan ay tinikom din iyon. Siguro ay nagtataka siya kung bakit parang tumaray yata ako sakanya, samantalang noong ibang araw lang ay halos maging desperada na ako sakanya.

Siya, bakit siya biglang bumait saakin? Alam ko na ang unang dahilan. Inaamin kong maganda naman ako, hindi na imposibleng ma-attract siya saakin kaya hindi na ako magtataka kung lalandiin niya man ako.

Pero sorry siya dahil hindi naman ako easy to get. Sige, kung talagang nilalandi niya ako, sasakyan ko nalang ang panglalandi niya saakin. Iyon naman ang gusto niya, hindi ba?

"Hindi ka naman galit?" parang sarkastikong tanong pa nito saakin.

Inirapan ko siya. "Hindi naman. Aalis na ako, baka mas lalo lang tumirik ang araw." mahinahon kong sabi sakanya.

Tumango naman siya at mukhang wala ng nagawa. Kung bakit kasi sakanya pa ako nagpahatid, iyan tuloy at lalakarin ko pa ang buong village namin makarating lang sa bahay.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon