Chapter 28
Lanterns
Kaagad akong nakaramdam ng kakaiba sa tiyan ko, hindi dahil sa sinabi ko, kun'di dahil sa naging reaksyon niya sa sinabi ko.
God damn, hindi ko rin inaasahan na makakaya ko iyong sabihin. Which is a fact naman.
Yes, I really treasured this a lot. Kagaya ng pagmamahal ko sakanya. Walang halong biro doon, halong pagmamahal lang.
Ang chessy, 'di ba? But I'm just telling the truth. Bahala na siya kung hindi siya maniniwala.
Tinignan ko si Darius, may nakatagong ngisi ngayon sa labi niya. Malamang ay amaze ito sa mga nasabi ko.
Ako naman ay kaagad na dinapuan ng hiya, kahit wala namang nakakahiya sa sinabi ko. Nahihiya lang ako sa naging reaksyon niya.
Hinawakan ko ang diamond na nasa necklace ko. Muli ko tuloy naalala iyong mga araw na binigay ito saakin ni Darius.
Paano ko naman iyon makakalimutan? Pakiramdam ko ay sobrang special saakin ng araw na iyon.
Kaya naman kahit galit ako kay Darius noon, at kahit ang alam ko ay niloko niya, hindi ko naman naisip na itapon itong necklace.
Nanatili ang titig niya sa leeg ko, kung saan nakatingin malamang sa necklace ko. Mukhang pinipigilan niya ang sarili niyang mapangisi.
"I thought….hindi mo na suot 'yan, pero nagkakamali pala ako." he said then chuckled at himself.
I laughed. "Why would I do that? Like I've said, I treasured this a lot. Never pumasok sa isip ko na itapon ito basta basta." pag-amin ko sakanya ng totoo.
Lumiwanag naman ang mga mata niya at kalaunan ay bumuntong hininga. Lumapit ito saakin at masuyong hinawakan ang kwintas ko.
"Thank you…" he trailed off.
Napatawa nalang ako sakanya at kalaunan ay natigil ang usapan namin nang makita ko na luto na ang niluluto niya.
Pagkatapos no'n ay kaagad naman kaming kumain ng luto ni Darius. And while I was eating, hindi ko mapigilang mapangiti sakanya.
Iniisip ko ang naging reaksyon niya kanina, which somehow, I find it so cute. Ewan ko ba, para kasi siyang bata talagang umasta kanina.
Nang siguro'y mapansin na may nakatitig sakanya ay bigla naman siyang lumingon saakin.
Pero kahit ganoon ay hindi ako umiwas ng tingin sakanya, at sa halip ay nakipag-tagisan ng titig sakanya.
"Why are you staring at me like that?" naiilang na tanong nito saakin.
I sighed. "Are we okay now, Darius?" seryoso kong tanong sakanya.
Bahagya siyang natigilan sa pag-kain at nanatili ang tingin saakin. Uminom muna siya ng tubig at pinunasan ang kanyang bibig.
"Of course we are, why are you asking?" balik tanong nito saakin.
Umiling naman ako sakanya. "Wala lang, iI' just wondering... sa kabila ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw, I wonder if we're okay na." sabi ko.
Tumango tango siya. "Of course, Ryia. We are totally fine now. Pinatawad mo na ako sa mga nagawa ko sa'yo noon. But, I will take it slow." sabi niya.
Kumunot ang noo ko sakanya. "You will take it slow? What do you mean?" takang tanong ko sakanya.
Ngumisi siya saakin at dahan dahang nilapit ang upuan palapit pa saakin. Nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko.
I can smell his good breath now, hindi ko maiwasang mapapikit ng mariin, lalo na at sobrang lapit na ng mukha namin ngayon.
BINABASA MO ANG
To Catch a Dream (CNS#2)
RomansaCasa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things he disliked most of all was the artistic women. But, what if you bump with a woman you do not know...