Chapter 17
Slap
Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano pang dapat isipin. Para bang gusto nalang sumabog ng utak ko.
Dumagdag pa si Darius sa mga problema ko. Ngayon tuloy ay hindi na mawala sa isip ko ang tawag na iyon. Ang babaeng sumagot sa tawag ko.
Babae, may kasama siyang babae at lasing si Darius. Nakarinig ako ng ungol pagkatapos no'n. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung ano na ang nangyari pagkatapos no'n.
Kanina pa ako iyak ng iyak, mas lalo lang pinapalala no'n sa tuwing naaalala ko na mag-isa ako ngayon sa dalampasigan. Gusto ko nalang isigaw ang lahat ng nararamdaman ko.
Tinapon ko na ang phone ko at alam kong hindi na iyon makakabalik saakin. Mabuti na din 'yon para walang maka-abala saakin, for sure naman na kanina pa ako tinatawagan saakin.
Nanatili lang akong nasa dalampasigan at nakatingin sa itaas, inaaninag ang madadaming bituing nasa langit.
Ilang beses akong nagpaka-wala ng buntong hininga. I want to ask Mama, kung totoo ba talaga iyon dahil hindi naman ako p'wedeng magpaniwala nalang sa sabi sabi.
Pero sa tuwing naaalala ko ang mukha ni Sereia habang kinekwento saakin ang lahat, may kakaiba sa mga mata niya, doon mo nalalaman na sinsero talaga siya sakanyang sinasabi.
If that's true, ibig sabihin ay ang kinilala kong Mama ang may gawa kung bakit hindi ko nakapiling ang tunay kong magulang, kung bakit hindi ko nakilala ang tunay kong Papa.
Napapikit nalang ako ng mariin sa huli. How will I know the truth? A part of me is a little bit scared. Natatakot ako na talagang totoo iyong sinabi saakin ni Sereia.
Kung sakaling totoo man, dapat ba akong magalit kay Mama? Kasi kinuha niya lang naman ako para mag-higanti.
Kung talagang iyon lang ang motibo niya, bakit sa loob ng ilang taon ay hindi niya ako tinuring na parang hindi niya ako anak. Is this the part of her pretending?
Naalala ko tuloy kung paano ko nagawang palayasin ang tunay kong Ina. Wala akong ka-alam alam na siya pala ang tunay kong Ina.
Pinilig ko ang ulo ko. Bakit kung makapag-isip ako ng ganoon, para pinatunayan ko na din na talagang totoo ang sinasabi ni Sereia, which I'm still doubting about it.
Naniniwala ako na nagpapanggap lamang na kasambahay si Sereia. Nakikita ko na iyon sa kilos niya noon pa lang, kaya lang ay hindi ko iyon pinansin dahil ang akala ko ay wala lang.
Kaya din pala halos wala siyang pakealam kahit naririnig na niyang pag-salitaan siya ng masama ni Mama.
Naramdaman ko namang may umupo sa katabi ko kaya agad akong natigilan. I stilled. Sino itong tumabi saakin? Imposibleng si Darius dahil hindi niya alam na nandito ako.
Nang lumingon ako ay ganoon nalang ang gulat ko nang makita si Raizel na nakatabi saakin ng upo sa buhangin, nakatingin lang din siya sa kalangitan at nakangiti.
Tumikhim ako para mapansin niya ako, bigla namang bumaba ang tingin niya saakin. Hindi ko nakitaan ng gulat ang kanyang mukha, parang inaasahan na talagang ako ito.
"Raizel? Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong saakin.
He chuckled. "Coincidence, I think? Nakita kita kanina lang, likod mo pa lang ay alam kong ikaw na. Kaya naman, umupo ako sa tabi mo." sagot niya.
Kumunot ang noo ko, hindi ko inaasahan na sa dami ng taong p'wede akong makita ay si Raizel pa talaga. Well, mas magugulat ako kung si Darius ang nasa tabi ko.
BINABASA MO ANG
To Catch a Dream (CNS#2)
RomanceCasa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things he disliked most of all was the artistic women. But, what if you bump with a woman you do not know...