Chapter 13

1.4K 54 2
                                    

Chapter 13

Court



Hindi ko alam kung hinahabol ba ako ngayon ni Darius, ayoko din namang mag-pahabol sakanya. Tumakbo ako pabalik sa hotel na kinaroronan namin, gusto ko lang tumakas sakanya.

Bakit nga ba kasi ako tumakbo nalang palayo sakanya? Inaamin kong natatakot nga kasi ako, baka mamaya ay pinag-lalaruan lang din niya ako.

Hindi ko naman alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon, kaya hindi ko din alam kung totoo ba 'yang mga sinasabi niya. Kaya tumakbo nalang ako palayo, hindi ko kayang harapin siya.

Hingal na hingal ako nang makapasok na ako sa lobby. Tumalikod ako at tinignan kung sinundan niya ba ako, napahawak ako sa puso ko kalaunan. Mabuti naman at hindi ako sinundan hanggang dito.

Pumasok na ako sa loob ng elevator. Habang papasara, tumitingin pa din ako sa labas at hinahanap kung susundan ba ako ni Darius hanggang dito. Baka mamaya ay bigla nalang siyang sumulpot.

Hanggang sa sumara iyon, walang Dariua na humabol saakin. Napangiti nalang ako ng mapait. I think... he's really not serious on me. Ewan. Hindi purke't hindi niya ako hinabol, ay hindi na totoo ang mga sinabi niya saakin.

Nakarating na ako sa saktong floor at dali daling pumasok sa suite. Tulog na tulog pa din ang dalawa kong pinsan, I guess ay hindi nila napansin na umalis ako kanina. Mabuti naman 'yon.

Nahiga na ako sa kama. Napatingin nalang sa kisame. Kanina, bago ako humiga, binuksan ko ang pinto ng balcony para pumasok ang sariwang hangin. Though, may aircon naman pero mas gusto kong bukas ang pinto.

Natigilan ako nang makarinig ako ng parang may nags-strum ng gitara mula sa labas, at dahil bukas ang pinto ng balcony ay rinig na rinig ko ang tugtog na 'yon.

Akmang matutulog na sana ako, kaya lang ay mas pumangibabaw pa ang tunog ng gitarang 'yon. Napahawak nalang ako sa ulo ko, wala ba talaga kayong balak na patulugin ako? Kanina pa talaga.

Padaskol akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Lumapit ako sa balcony at sinilip kung sino ba 'yong tumutugtog ng ganitong oras. Hindi niya ba alam na maaaring madaming siyang maabala?

Nang sumilip ako sa pinto, hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko roon. Si Darius, nakaupo siya sa bench na naroon sa dalampasigan. Doon ko din siya huling nakita kanina.

May bitbit siyang gitara sa kanyang lap, at nagsisimula na iyong galawin ng kanyang daliri. Nakatalikod siya saakin kaya hindi niya ako kita. Nasa hindi kataasang floor kami kaya naman rinig na rinig ko ang ginagawa ni Darius.

Hindi ko inaakalang may talent pala siyang ganito. I guess, isa ito sa mga hidden talent niya. Nanatili akong nakatingin sa likod niya, nakatingin naman siya sa karagatan at mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"'Di ko na nadiligan
Ang binhi ng iyong pagmamahal
Ayoko nang sapilitang
Ibuhos ang lahat ng dinadamdam."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, lalo na nang marinig ko kung gaano ka-ganda ang boses ni Darius. Akala ko ay magaling lang siyang mag-gitara, iyon pala ay pati pag-kanta.

"Ang tangi kong hiling ay mahawakan
Ang iyong mga kamay at daliri
Habang dahan-dahang haplusin ng mga salita
Ang puso mong sabik mayakap 'pag nag-iisa."

Hindi ko alam kung kanina niya hinahandog ang kantang ito, pero nararamdaman kong tagos iyon sa puso. Kung sino man ang babaeng pinag-aalayan niya nito, napaka-swerte naman niya.

"Kaya tahan na, ooh
Sumandal ka, ooh
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng iyong labi, oh paraluman."

"Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak
'Di mababaon sa limot
Ang ligayang hatid ng iyong halimuyak."

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon