Chapter 24

1.2K 39 7
                                    

Chapter 24

Sorry



Pabalik balik ang tingin ko kay Darius at doon sa babaeng tumawag sakanya. Hindi siya pamilyar saakin, hindi ko kilala ang mukha niya.

Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang paa. I can say that she's beautiful. Halata mong half foreigner at half pilipino lamang ito.

Nang tinanong ko si Darius ay hindi niya ako sinagot, at sa halip ay nakatitig lang doon sa babaeng lumapit sakanya.

Nakita kong umigting ang panga ni Darius doon sa babae dahilan para mapakunot ang aking noo.

Tinignan ko naman ulit ang babae, nagtatagis ang kanyang bagang habang nakatingin kay Darius. Sana naman ay aware siyang may kasama si Darius, parang hindi niya pa yata ako napapansin.

"You! Dito lang pala kita mahahanap!" sigaw ng babae, dahilan para halos mapatingin na sa gawi namin ang ibang tao.

Sa totoo lang ay ako na ang nahihiya para sakanya, pinagtitinginan na kami ng mga tao at s'yempre ay damay ako doon.

Nakakunot lang ang noo ko doon sa babae. I wonder who is she, hindi ko pa siya nakikilala sa tanang buhay ko, at mukhang galit na galit siya kay Darius.

Iniisip ko na baka isa ito sa mga naging babae ni Darius before. Hindi naman na bago iyon saakin, nasabi niya nga saakin before na madaming babae ang humahabol sakanya dati.

But this girl... iba ang pakiramdam ko sakanya… hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

"Darius, who's that girl?" ulit kong tanong sakanya dahil hindi niya ako sinagot kanina.

Halos mapasimangot ako nang hindi niya manlang ako sinagot, ni hindi manlang niya din ako nilingon.

Doon lang bumaba saakin ang tingin ng babaeng iyon at pagkatapos ay narinig ko nalang itong tumawa ng malakas, but there's no humor on it.

Napaawang ang labi ko. Bakit pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako sa pamamagitan ng pag-tawa niya? Inirapan ko nalang siya.

"Who is she, Darius? Is she your new girl?" natatawang sabi no'ng babae kay Darius.

Napalunok ako at bumaba naman ang tingin kay Darius, hinihintay ang isasagot niya pero nag-hintay lang ako sa wala.

Sino ba naman kasi ang babaeng ito? Umpisa noong dumating siya ay parang nawala na sa sarili si Darius. Nag-aalala na ako sakanya.

Nakita kong lumunok ng malalim si Darius at ilang beses itong kumurap. Ako naman ay labis pa ding nagtataka, lalo na sa inaasta niya ngayon.

Kalaunan ay tumayo siya para higitin sa braso ang babeng iyon. Kitang kita ko na mahigpit ang pagkakakapit niya roon, dahilan para mapa-igik ang babae.

"Bitawan mo ako, Darius!" sigaw ng babae sakanya at pilit niyang inaalis ang kamay ni Darius sa braso niya.

Umigting ang panga ni Darius. "What are you doing here?" madilim ang boses na sinabi niya iyon.

Heto lang ako sa tapat nila, pabalik balik ang tingin sakanilang dalawa at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa mga namumuong konklusyon sa utak ko, sa kung sino ang babaeng iyon sa buhay ni Darius.

Pero sabi ko nga, ayoko munang gumawa ng konklusyon sa utak ko, mas gusto kong marinig ang sasabihin nilang dalawa para mas malinawagan ako.

"What am I doing here? Well, I'm here to tell you this in person. At kapag sinuswerte nga naman, kasama ko pa ang babae mo. I wonded kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niya ang totoo." sabay ngisi ng babae.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon