Chapter 8
Numb
Pagkatapos akong maiwang tulala doon, agad naman akong natauhan. Hindi lang ako makapaniwalang babatiin niya ako ngayong kaarawan ko, pakiramdam ko tuloy ay parang nag-diwang ang puso ko.
Pinilig ko ang ulo ko. Ganoon na ba talaga kalalim ang pagkagusto ko sakanya? Binati niya lang ako sa kaarawan ko, sobrang tuwang tuwa na agad ng puso ko. Hindi ko na alam kung simpleng pagkagusto pa ba itong nararamdaman ko.
Tumakbo ako sa elevator na pinasukan ni Darius at pasara na iyon. Pero bago pa man tuluyang sumara, naharang ko na agad ang kamay ko sa pagitan niyon.
Mukhang nagulat siya sa presensya ko, parang hindi niya inaasahang hahabulin ko siya. Well, hindi ko naman siya hinahabol, talagang sumakay lang ako dito sa elevator para makabalik na sa room namin.
Oo nga pala, baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Pero, mukhang alam naman na ni Allesia na siguro ay kinakausap ko na ngayon si Darius kaya hindi na siguro iyon mag-aalala.
Nang nasa loob na ako, sobrang awkward ng paligid. Samahan pa na hindi kami nagsasalitang dalawa. Parang biglang may dumaang anghel nga dito sa loob.
"What floor?" tanong niya kalaunan saakin.
Napatingin ako sakanya, ang mga kamay niya ay nasa button. "5th floor," sagot ko sakanya sabay iwas ng tingin.
Tumango naman siya at wala ng sinabi pa. Nakatingin lang ako sa harapan, minsan ay sumusulyap pa ako sa salamin sa tapat namin para tignan kung anong reaksyon ni Darius, pero wala.
Nanatili lang siyang nakatingin sa harapan. Sa tindig pa lang nito ay matatakot ka na talaga. Pasimple ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa, sobrang diretso ng tayo niya na animong isa siyang bodyguard.
Napatili ako sa gulat nang may marinig akong parang may kumalabog, pagkatapos no'n ay bigla nalang dumilim ang buong paligid. Wala ng ilaw sa elevator, nag-bukas kurap iyon kanina pero ngayon ay tuluyan ng nawala.
Napahawak nalang ako sa handle na nasa likod ko. Meanwhile, si Darius naman ay nanatili lang kalmado at parang wala lang sakanya ang nangyari.
May tinitignan siya sa mga buttons yata doon, at kalaunan ay may narinig akong parang may tinawagan siya.
"Hello? This is Mr. Salford. There's something wrong on the elevator, we're trapped here." narinig kong sabi ni Darius sa kausap niya.
"Sorry, sir. The maintenance is on the way. Can you wait for 1 hour?" may accent ng english ang boses ng kanyang kausap.
Narinig kong bumuntong hininga si Darius. "1 hour… sure." sabi nito at binaba na ang nasa kabilang linya.
Nanatili namang tikom ang bibig ko. Ayoko nalang mag-salita. Pagkatapos ng tawag ni Darius, naging tahimik na ulit ang paligid at walang nagsalita saaming dalawa.
"1 hour pa daw. Wala ka namang phobia sa mga masisikip na lugar?" alala niyang tanong saakin.
Umiling ako sakanya, hindi ko nga alam kung kita ba niya ako dahil sobrang dilim ng paligid.
"Wala naman, ayos lang." sagot ko sakanya at hindi ko na nalaman kung anong naging reaksyon niya.
Pakiramdam ko ay aabutin na kami ng hanggang pasko habang nasa loob ng elevator. Mahigit ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ding dumadating na maintenance.
Mabuti nalang at hindi mas'yado malamig dito sa loob, dahil kapag nagkataon ay baka mahimatay na ako sa sobrang tagal tapos kung ang pakiramdam ko pa ay nasa freezer ako.
BINABASA MO ANG
To Catch a Dream (CNS#2)
RomanceCasa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things he disliked most of all was the artistic women. But, what if you bump with a woman you do not know...
