Chapter 16
Time
The New Year's Eve went passed smoothly. Wala naman mas'yadong nangyari ng mga gabing iyon. Medyo malungkot ako dahil hindi ko kasama si Darius.
May sounds so clingy and cheesy, pero itong mga nagdaang days ay hindi na ako sanay na hindi ko kasama si Darius.
We often text and call each other pero masasabi kong iba pa din talaga kapag personal mong nakakausap ang taong mahalaga sa'yo.
Gusto ko na nga dapat siyang sagutin dahil hindi ko na alam kung anong label naming dalawa. Nililigawan pa lang naman niya, wala pa akong sinasabing talagang sinasagot ko na siya
May kaunting salo salo lang ang naganap dito sa bahay namin. May mga handang pagkain kasi sila Mama at iba't ibang mga prutas.
They enjoyed it, I enjoyed as well kahit na medyo nangungulila ako kay Darius. Saktong bagong taon na ngayon pero hindi pa siya tumatawag saakin.
Nabalitaan ko kay Harold na may natanggap pala ng promotion si Darius, kaya naman todo trabaho siya para lang tuluyan iyong matanggap. Oo nga naman, big oppurutnity na iyon at hindi na dapat palagpasin pa.
Samantalang ako, may mga natatanggap na ako na mga emails saakin sa iba't ibang agencies. I guess, mukhang mas'werte yata ako ngayong bagong taon. May mga oppurtunity na ang lumalapit saakin.
On the way na ako ngayon sa office kung saan ako unang pupunta. S'yempre ay nag-background check muna ako kasama ang mga pinsan ko, para masigurado na talagang legit company sila.
Guess what? Unang punta ko pa lang doon ay agad akong nakaramdam ng kakaiba, iyong tipo na feeling mo ay mapag-kakatiwalaan talaga ang kompanyang iyon.
Mababait ang mga staffs, winelcome nila ako dito sa loob at iginiya pa nila saakin kung saan ang office ng pinakang-boss nila.
Nakangiti lang ako hanggang sa makapasok. Isang matandang ginang ang bumungad saakin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya hindi ko maiwasang ma-intimida sa paraan ng tingin niya saakin.
I know it's normal na tignan niya ako mula ulo hanggang paa. Malamang ay para suriin kung papasok ba ako sa imo-model nilang product. Para din malaman kung pasok ba ang katawan ko sakanila.
Iginiya niya saakin ang upuan sa katapat ng table niya, kaya naman mabait akong umupo roon. I was wearing an white shorts and a black top. Maayos na itong suot ko, para makita nila na makinis talaga ang balat ko.
"Tama nga sila. Maganda ka nga, sexy din ang katawan mo. For your age, sobrang perfect ng body fit mo." sabi ng ginang, hindi ko pa alam kung anong pangalan niya.
Kanina kasi, akala ko ay iyong mismong nag-email saakin ang kakausap saakin, iyon pala ay may iba pang boss bukod sakanya.
I smiled. "Salamat po. Uhm, Mrs...?"
"Mrs. Guerero," sagot niya saakin.
Tumango na lamang ako dahil hindi naman pamilyar saakin ang apelyidong iyon. Tumahimik sandali ang paligid. Ngayon ko lang napansin ang mga products na nasa table niya.
It's a cologne product.
"So, are you accepting us? I mean, alam kong hindi lang kami ang company na gustong kumuha sa'yo." sabi ni Mrs. Guerero pagkatapos ng ilang iterviews na ginawa niya saakin
Napa-isip naman ako doon. I observed earlier habang kinakausap at tinatanong niya ako about sa mga background ko. Mukhang mapag-kakatiwalaan naman. Why not I gave it a try?
Tumango na lamang ako sakanya. Titignan ko pa siguro. Though, hindi pa talaga ako sigurado kaya naman binigyan niya ako ng calling card nila at sinabing tawagan sila kapag nakapag-desisyon na ako.
BINABASA MO ANG
To Catch a Dream (CNS#2)
RomanceCasa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things he disliked most of all was the artistic women. But, what if you bump with a woman you do not know...