Chapter 12

1.4K 58 9
                                    

Chapter 12

Christmas



Nang makarinig kami ng sunod sunod na katok ay agad kong tinulak si Darius mula sa pagkaka-kubabaw sa'kin. Nang makita siyang nasa sahig na, para akong nakahinga ng maluwag.

Sinapo ko ang dibdib ko, sobrang bilis ng tibok niyon. Alam kong ang dahilan no'n ay ang mga sinabi saakin ni Darius. I don't know kung maniniwala ako sa sinabi niya, knowing his history, playboy siya.

Nakatayo na si Darius mula sa pagkaka-upo sa sahig at pagkatapos ay binuksan nito ang pinto. Agad naman akong napabangon sa kama nang bumungad sa pinto ay si Demeter.

"Oops, wrong timing yata ako." dinig kong sabi ni Demeter at pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko sa kapatid.

Binatukan siya ni Darius. "Gago, wala kaming ginagawa. What brings you here ba?" bakas ang irita sa boses niya.

Mas'yado naman yata siyang defensive, wala naman sinasabi si Demeter na baka may ginagawa kaming dalawa. Napailing nalang ako at tumingin kay Demeter. Good  thing ay may suot pa akong saplot.

Mas lalong lumaki ang ngisi ni Demeter. "Sus, sorry na nga, e. Aalis nalang ako, ituloy niya na ang dapat niyong gagawin." he said and emphasize the word 'dapat'.

"Wala nga kaming gagawin. Ano ba kasing kailangan mo?" iritang tanong naman ni Darius.

Narinig kong natawa si Demeter, siguro ay natatawa na siya sa reaksyon ng kanyang kapatid. Miski naman kasi ako ay matutuwa kay Darius, pikon na pikon na kasi siya ngayon.

"Wala, aalis nalang ako. Usap tayo mamaya, ah!" sabi ni Demeter, kumaway pa ito saakin bago nagpaalam.

Narinig kong bumuga ng marahas na hininga si Darius at pagkalabas ng kanyang kapatid, padabog niyang sinarado ang pinto. Sinipa pa niya ito na parang inis na inis siya.

Pinanood ko lang siya hanggang pumasok na siya sa banyo, ako naman ay nanatili lang sa kama niya at nakaupo lamang roon.

I was waiting for him to get out sa banyo, pero naghintay ako ng ilang minuto ay hindi pa din siya lumalabas doon. Naiisip ko tuloy na baka naliligo siya, pero magpapaalam naman siguro siya kung maliligo siya.

Napatingin nalang ako sa kabuonan ng kwarto niya. Malawak iyon, lahat ng mga gamit sa loob ay puro mga pang-lalaki. Ang theme kasi ng kwarto niya is grey, white and black.

Malawak din ang kanyang kama, siguro ay kasya dito ang tatlo hanggang apat na mga tao. May dalawa ding sofa na naroon sa tabi ng kama niya, may lampashade din siya sa bedside table niya.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Hindi ko namalayan na halos kalahating oras ko na palang hinihintay si Darius na lumabas ng kanyang kwarto, pero hanggang ngayon ay wala pa din siya.

Hindi ko na nakayanan. Bumaba ako sa kama at lumapit sa pinto ng banyo niya. Nilapit ko naman ang tainga ko sa pinto, wala akong marinig na lagaslas ng shower, ibig sabihin ay hindi siya naliligo.

Kumatok na ako. "Darius? Anong nangyayari sa'yo?" hindi ko maiwasang mag-aalala sakanya.

Napanood ko na ito sa isang movie, iyong ang tagal ng tao sa banyo tapos pagkabukas mo ng pinto ay makikita siya doong naliligo na sa sariling dugo. Sana naman ay mali ang naiisip ko.

Kumatok pa ulit ako ng isang beses nang hindi niya ako sinagot. "Darius! Please tell me that you're alive!" sigaw ko sabay sunod sunod na kumatok.

Nakarinig ako ng ilang beses na bumuntong hininga, siguro ay kay Darius na iyon dahil ang pakirinig ko ay nasa loob nanggaling ang hiningang 'yon.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon