Chapter 4

1.8K 93 2
                                    

Chapter 4

Remember


Sa sobrang galit ko, iniwan ko si Darius doon at nagpunta nalang sa tindahan ng mga bags. Ganito kasi ako lagi kapag nagagalit, lagi akong napapagastos ng wala sa oras.

May budget pa naman ako. Mura lang naman ang nabili kong bag. S'yempre ay siniguro ko munang may matitira akong pera bago ako bumili ng bumili ng kahit ano.

Pagkatapos kong bumili ng bag, bumili naman ako ng mga sapatos. Lagi kong tinitignan kung may matitira pa akong pera and happily, kahit paano ay may natitira pa akong pera.

Naiinis lang kasi ako sakanya. Ang kapal ng mukha niya para landiin ako. Hindi purke't umalis ang asawa niya lalandiin na niya ako. Pinatunayan niya lang saakin na isa talaga siyang playboy. Walang modo. Magkaka-anak na at lahat.

Ilang paper bags na yata ang dala ko ngayon, halos hindi ko na nga iyon mabuhat gamit ang dalawang kamay dahil sa sobrang dami.

Bigla akong nagutom kaya napatingin ako sa milktea shop. Mura lang naman doon, kaya pa naman siguro ng pera ko. Hindi na ako nag-dalawang isip at pumasok na ako doon.

Mapayapa na ang pakiramdam ko dahil hindi ko nakikita sila Darius. Pero panandalian lang pala iyon. Nakita ko silang papasok dito kaya naman agad akong tumungo at nag-abala na may ginagawa.

Pesteng buhay nga naman. Gusto ko lang naman maging payapa at ayoko silang makita, pero trip talaga ako ng tadhana. Mukhang kahit saan ako magpunta, pagkikitain at pagkikitain talaga kami.

Todo alalay naman si Darius kaya hindi ko maiwasang mapairap. Pwe. Walang kaalam alam si Axilla na nilalandi ako ng asawa or boyfriend niya. Paano kaya kung sabihin ko iyon sakanya? Malamang ay maghihiwalay ang mga ito.

Nakita ko silang nasa counter na at umoorder na yata. Ewan ko ba sa sarili ko. Kahit sinabi kong ayaw ko silang makita, pero heto ako at wagas kung makatingin sakanila.

Nanatili akong nakatungo dito na parang tanga. Wala akong pakealam kung anong tingin ng ibang tao saakin. Pakealam naman nila sa buhay ko? Mind their own business.

Nang mukhang mag-hahanap na yata sila ng table, mas lalo akong yumuko at natatakot na makita nila ako. Ewan ko ba kung bakit ako natatakot, na sa totoo lang ay wala naman dapat akong ikatakot.

Mabuti at hindi sila dumaan sa may side ko dahil agad silang nakakuha ng table nila. Nakatalikod sila sa gawi ko kaya naman umangat na ang ulo ko. Mabuti naman at mukhang malabo na nila akong makita.

Inubos ko lang ang milktea ko at tumayo na para lumabas. Pero sadyang trip ako ng tadhana dahil akmang lalabas na ako sa pinto nang bigla akong natalisod.

Nahihiya akong tumayo agad at sinabi sa sariling wala naman sigurong nakakita saakin. Isa pa ay sandali lang naman iyon. I'm sure na wala naman silang pake kung natalisod man ako.

Wala sa sariling napatingin ako sa likod, only to find out na lahat ng tao ay nakatingin saakin, including Darius and Axilla. Bigla akong nilukob ng kaba, lalo na nang nakarinig ako ng munting tawanan mula sa kabilang table.

Hindi ko sila pinansin at sa halip ay dali daling tumakbo palabas doon. What a shameful day today. Sobrang nakakahiya iyon. Inakala kong walang nakapasin pero halos silang lahat pala ay nakatingin saakin, isama pa si Darius.

Maaga pa naman ngayon. Kahit gusto kong umuwi na ay parang ayoko pa dahil alam kong pagkauwi ko roon, mukhang matatagalan nanaman ako makalabas, kaya naman hangga't maaari ay gusto ko ng lubusin ito.

Dala dala ko ang mga paper bags sa may braso ko. Nang makakita ng upuan doon ay nilapag ko muna iyon doon. Umupo ako at napahinga ng malalim. Baka kapag kumilos pa ako, kung ano nanaman ang mangyari saakin.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon