Chapter 19

1.2K 65 2
                                    

Chapter 19

Promises



1 week without Darius is like a torture to me. Isang linggo na simula noong umalis siya at lumipad papunta sa ibang bansa. I can't help but to miss him so much.

Sa ngayon ay tawagan at text nalang ang nagaganap saaming dalawa. Araw araw iyon nangyayari, halos wala nga siyang araw na pinalampas para lang magkausap kaming dalawa.

As long as gusto ko siyang puntahan roon, iniisip ko naman ang kapakanan niya. Of course, maaaring ma-distract siya dahil lagi akong nasa tabi niya.

Kaya naman ngayon ay nag-titiis ako na puro call at tawag lang. Take note, isang linggo pa lang na wala si Darius sa piling ko pero hindi ko na kaya. What more pa kung isang taon na.

Hindi ko lubos maisip na maaaring apat na taon na nandoon sa ibang bansa si Darius. Ibig sabihin, apat na taon kaming hindi magkikita.

Pero, kung para naman sa pangarap niya, wala akong karapatang tutulan siya. At isa pa, desisyon niya naman ang mananaig. Ayokong pigilan siya sa pangarap niya, hindi katulad noong ginawa saakin noon.

Sa ngayon, inaalala ko na lamang ang mga masasayang araw ko na kasama si Darius bago siya umalis.

Pinapunta niya ako sa bahay nila, may despedida daw doon na magaganap. Sumama naman ako, tuwang tuwa nga ang kanyang parents.

Ang gaan at ang sarap sa pakiramdam ng ganoon, iyong tipong tanggap na tanggap ka ng taong mahal mo.

Mahal? Isang beses na iyang pumasok sa isip ko. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung ano ang depinasyon ng salitang love.

Marami kasi, e. Pero isa lang ang naiisip ko, nararamdaman iyan ng puso mo. Kaya naman, para saakin, hindi ko lubos maisip na mahal ko na talaga si Darius.

Kinailangan ko pang manghingi ng signs kung talaga bang mahal ko si Darius. I even researched about it, pero sa huli ay wala akong matagpuang talagang tugma sa nararamdaman ko.

It felt so unreal. Noong una naming interaksyon ni Darius, hindi man naging maganda iyon pero kahit paano ay naiisip ko pa din.

Pagkatapos no'n, kinabukasan, nakita ko siya… hindi ko naman inaasahan na isang iglap lang ay kasama na siya sa mga pangarap ko.

Paano ko nga ba nalaman? Hindi ko din alam. Miski kasi ako ay naguguluhan na sa sarili kong nararamdaman. Nag-kibit balikat na lamang ako.

"Hindi mo naman talaga siya boyfriend, 'di ba?" halos mapatalon ako sa gulat nang may narinig akong nag-salita saaking likuran.

Nang lingunin kung sino ito, nakita ko si Demeter na nakangisi saakin at may hawak na champagne sa isa niyang kamay.

Nandito kami sa may Pool area nila, dito kasi ginanap ang despedida party ni Darius. Kakaunti lang ang imbitado, mga kaibigan niya lang at kasamahan sa trabaho, at s'yempre ay ako.

Nginitian ko lang si Demeter. Halos makalimutan ko kung ano ang tinanong niya. Well, baka nakakalimutan kong nagpapanggap nga lang pala kami ni Darius.

"Mas'yado bang halata para mapansin mo pa 'yon?" natatawang tanong ko sakanya sabay inom sa wine na hawak ko.

He chuckled. "See? Tama nga ang hinala ko. So, bakit kayo nag-papanggap?" tanong niya saakin.

Huminga ako ng malalim sabay tumingin kay Darius na kausap ang kanyang mga kaibigan sa isang table.

Dahil malayo siya ay imposibleng marinig niya ang usapan namin ni Demeter. Matagal akong hindi nakasagot, siguro dahil nag-iisip pa ako ng isasagot sakanya.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon