Chapter 11

1.4K 69 3
                                    

Chapter 11

Like



Pumunta akong banyo para punasan ang damit kong nasukahan ni Darius pero hindi pa din iyon sapat. Kadiri naman kasi siya, sa dinami dami ng p'wede niyang masukahan ay sa damit ko pa talaga.

Pumasok ako sa kwarto ni Darius. Dalawa kasi ang kwarto dito, iyong isa ay parang guess room tapos ang mas malaki na kwarto naman ay ang kanyang kwarto kaya doon na ako pumasok.

Lumuhod ako sa tapat ng cabinet niya para tumingin kung may t-shirt manlang ba siya d'yan. Alangan naman kasing umuwi ako ng may suka sa damit. Nakakadiri naman 'yon.

May nakita akong t-shirt ni Darius dito kaya iyon ang kinuha ko. Sinukat ko 'yon, nang magkasya naman ay iyon nalang ang napili kong isuot. Though, medyo malaki siya at mukhang over sized saakin ang damit niya.

Lumabas na ako sa kanyang kwarto. Inilagay ko sa isang paper bag ang madumi kong damit, mamaya pag-uwi ay lalabhan ko nalang ito.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ay halos manlaki ang mata ko nang makita si Darius na ilang dangkal nalang ay mahuhulog na siya sa sofa!

Tumakbo na kaagad ako papalapit sakanya at bago pa siya mahulog sa sofa ay nasalo ko na agad ang katawan niya. No, hindi ko pala siya tuluyang nasalo. Parehas kasi kaming nasa lapag na ngayon.

Nakaupo ako ngayon sa sahig, samantalang si Darius ay nasa hita ko at nakahiga ang kanyang katawan sa sahig. Napahawak nalang ako sa sentido ko, ang hirap niyang alagaan.

Napasinghap nalang ako. Humihilik na ngayon si Darius. Natatakot akong tanggalin ang ulo niya sa hita ko dahil baka mamaya ay magising siya.

Napailing nalang ako habang nakatingin sakanya. Pinunasan ko kalaunan ang bibig niya para malinisan ko iyon. Nakakainis naman kasi, para akong nag-aalaga ngayon ng isang bata.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Kung may contact ako sa kaibigan niyang si Harold ay baka siya na ang tinawagan ko para alagaan si Darius. Ang hirap niya kasing alagaan, tapos mas mabigat pa siya kaysa saakin.

Napatingin ako sa relo ko, pina-iisipan kung uuwi ba or or mananatili para alagaan si Darius. Pakiramdam ko, kapag umalis ako dito ay agad din ako babalik dahil magi-guilty lang ako kapag naiisip si Darius na mag-isa dito sa condo niya.

Kumuha ako ng unan, dahan dahan kong inangat ang ulo niya at sinuguradong hindi siya magigising. Pagkatapos, nilapag ko ang unan sa sahig, nilapag ko din ang kanyang ulo doon.

As long as gusto kong maihiga si Darius sa sofa, hindi ko naman siya kayang buhatin at nasisiguro kong kailangan ko pa ng tulong ng isang lalaki. Siguro ay hahayaan ko nalang siya na matulog d'yan sa sahig.

Hindi nakatakas ang paningin ko sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Agad naman akong umiwas doon. Oo nga pala, isang saplot nalang ang natira sakanyang katawan.

Pumasok ulit ako sakanyang kwarto at kumuha ng comforter doon. Nang makakuha ay agad ko iyong binato sa katawan ni Darius, para kahit paano ay matakpan ang katawan niya.

May napansin ako sa katawan ni Darius, ngayon ko lang nalaman na may tattoo pala siya sakanyang bandang dibdib. Mukhang dragon yata ang design, basta ay hindi ko maipaliwanag.

Pumunta ako sa kusina at ako nalang ang uminom ng kape na itinimpla ko para sana sakanya. Wala, e, bigla akong nakaramdam ng antok kaya naman kailangan kong mag-kape para manatiling gising.

Muli kong sinilip si Darius na nasa sala. Maayos naman ang kalagayan niya doon, himbing na himbing pa din ang kanyang tulog. Talagang kapag nagising siya mamaya or kinabukasan ay agad ko siyang sasapakin.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon