Chapter 25
Please
Tumango nalang ako sakanya at wala ng sinabi pa. Ang akala ko naman kasi ay may iba pa siyang sasabihin, iyon nanaman pala.
Nakitaan ko pa ng gulat ang mga mata niya nang makitang hindi ako sumagot sakanya.
Parang natulala pa siya doon sandali, kaya hindi na niya namalayang natanggal ko na ang kanyang kamay sa pagkakaharang sa dinadaanan ko.
Bago pa man niya mapansin ay nasa loob na ako ng sasakyan. Nahihirapan man ay sumilip ako sa bintana para silipin siya doon.
Nakahawak siya sakanyang sentido at ginulo gulo ang kanyang buhok. Ilang beses akong napakurap doon pero kalaunan ay binalewala ko nalang.
Wala dapat akong pake sakanya. Kahit pa magpakawasak siya d'yan ay babalewalain ko lang siya. Sana lang ay ganoon ako hanggang dulo.
Tahimik ko lang minaneho ang sasakyan ko sa daan. Samantalang si Penelope naman sa tabi ko ay nanatiling tahimik lamang.
Hindi ko alam kung saan ako didiretso. Parang nakalimutan ko bigla ang gagawin ko, kung hindi lang ako sinabihan ni Penelope ay hindi ko pa maaalala.
Wala sa sarili ako habang naglalakad sa company na pinapasukan ko. Eto na kasi ang last stop ko, after nito ay uuwi na din agad ako.
Pagkatapos kong may asikasuhin doon sa company ay agad na akong umalis. Naiwan na doon si Penelope dahil may mga aasikasuhin pa daw siyang mga trabaho.
Bigla ko tuloy naisip na pumunta sa bar at isasama ko roon sila Allesia. Dahil nga madalas nalang kaming magkita, nais ko din kasi silang kwentuhan ng kung ano ano.
Kaya naman nang naka-park na ako dito sa park ay agad kong tinext sila Allesia, kasama na din sila Raizel para hindi naman sila mag-tampo.
Mabuti nalang ay agad nila akong sinagot na free naman sila this night. Well, sakto ding gabi na ngayon kaya naman naisipan ko dito sa bar.
Hindi ako iinom dahil lang sa iniisip ko si Darius. Hindi ba puwedeng sadyang wala lang akong magawa kaya ganoon?
Nang makita ang sasakyan nila Allesia ay agad na din akong bumaba. Nang makita nila ako ay agad nila akong niyakap.
"Hindi ka mag-iinvite kung wala kang importanteng ganap sa buhay mo. So, let's go na sa loob." sabi ni Allesia pagkatapos akong halikan sa pisngi.
Nakita ko din sa likod nila ay sila Kaden at Raizel. Tahimik lang silang dalawa na nakasunod saaming tatlo.
Nginitian ko si Raizel, pero sinuklian niya lang ako ng isang tipid na ngiti. Naalala ko tuloy ang huling usapan naming dalawa.
Ngayon, nag-bago na tuloy ang isip ko kung ike-kwento ko pa ba kila Allesia ang mga nangyayari sa buhay ko, knowing na nakikinig si Raizel.
Ang saakin lang, baka magalit nanaman siya saakin dahil nagpapakarupok nanaman ako. Pero sa tingin ko, wala naman akong ipinakitang pagpapakarupok sa mga ike-ikwento ko sakanila.
Nang makapasok sa bar ay agad silang umorder ng kung ano anong mga alak. Samantalang ako, cocktail muna ang ininom para pang-apetizer ko.
"So, chika na!" excited na sabi naman ni Allesia.
Napailing ako sakanya, nagdadalawang isip pa kung sasabihin ko ba talaga sakanilang lahat ang nangyari, lalo na kay Darius.
Pero sa tingin ko, ang issue about kay Darius ay nararapat na saakin nalang muna siguro.
At isa pa, hindi pa naman sigurado sila Darius tungkol roon. Pero kahit ganoon, hindi ko pa din maiwasang masaktan ng sobra sobra.
Sa huli ay umiling nalang ako at sinabi sakanilang inimbita ko lang sila para kahit paano ay mag-bonding ulit kaming lima.
BINABASA MO ANG
To Catch a Dream (CNS#2)
RomanceCasa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things he disliked most of all was the artistic women. But, what if you bump with a woman you do not know...