Ika-25 Kabanata: Bakas ni Mr. Valle

3.7K 75 8
                                        

Nilapitan ng sekretarya si Cecilia na nakaupo at naghihintay.  Magalang siyang binati nito at sinabing maari na siyang pumasok at kausapin si Mr. Valle.

“Ma’am, okay na po.  Hinihintay na po kayo ni Sir sa kanyang opisina.  Pasensya na po sa paghihintay.” Nanghingi na rin ng paumanhin ang sekretarya at alam nito ang ugali ni Mrs. Valle.

“Okay lang iyon Ija, alam ko namang standard procedure para sa inyo ang alamin kung may bukas na schedule o wala.  Pero sana next time, magkaroon kayo ng exemption.  Dati niya naman akong asawa at wala pa namang bago, unless nag-aapply ka to be his new victim.” Biro ni Cecilia na medyo may pagkasarkastiko ang dating.

“Naku, hindi ho Ma’am” hiyang hiyang wika ng sekretarya.

“Biro lang Ija, masyado ka namang seryoso.  At oo nga pala, h’wag mo na akong tinatawag na Ma’am.  Ang Ma’am at Sir ay ginagamit lamang para sa matatandang tao.  Kung ang boss niyo ay tuwang tuwa na tawagin siyang Sir, hindi ko siya masisisi.  Mukha na kasi siyang Senior Citizen sa sobrang pagbababad sa loob ng opisina niya.” Nginitian ni Cecilia ang sekretarya na halos hindi makatingin sa kanya sabay tumalikod at dumiretso na sa loob ng opisina ni Joey.

Pagpasok niya sa loob ng opisina ay aktong lalapit at bebeso si Joey para bumati sa dating asawa ngunit sumenyas ang kamay nito na h’wag na lamang at bumalik na lamang sa kanyang upuan.    Inayos ni Joey ang kanyang sarili na parang napahiya at bumalik sa kanyang upuan.

“Manuel, next time na hahanap ka ng mga tauhan mo, i-check mo ang educational background.  Mukhang sa pipitsuging Universities ka na naman kumukuha.” Mataray na sabi nito sa dating asawa.

“Hindi ka pa nakakaupo pero ang dami mo agad nasabi.  Ano naman ang dahilan kung bakit napasugod ang magaling kong asawa sa aking opisina?” tanong nito kay Cecilia.

Umupo si Cecilia sa upuan sa harap ng mesa kahit hindi pa siya iniimbitahang umupo ni Joey.
“Ex-wife, Manuel.  Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa, nabalitaan ko na binenta mo ang resthouse natin sa may Tagaytay without even consulting me.  Ano bang nangyayari sa iyo?”sita nito sa dating asawa.

“Natin?  Hinati na natin ang mga conjugal properties natin and if my memory serves me right mas malaking di hamak ang nakuha mo compare sa mga kaparte ko.  Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng resthouse sa Tagaytay gayong may Hotel Valle na doon.  Dagdag gastos lang at wala na akong oras na i-maintain ang bahay na iyon.” Sagot sa kanya ni Mr. Valle.

“Wala ng oras? Oh please! Not the usual excuse from Mr. Valle.  Wala ka na bang maisip na ibang dahilan?”  Sasagot sana si Joey pero pinigilan muli siya ni Cecilia. “Nevermind.  Kung sa sariling mong anak eh wala kang amor at oras, sa bahay pa kaya.  Hindi na ba ako nasanay.”

“Ikaw ang naglayo sa akin kay Joseph.  Ikaw na lang ang palaging nagdedesisyon sa kanya.  Nilason mo ang isip niya at pinalabas na ako ang mali.” Galit na sabi ni Joey nanggigigil ito at napatayo sa kanyang upuan.

Si Cecilia naman ay parang walang pakialam na nagagalit si Joey, mukhang nag-eenjoy pa nga siya sa nakikitang nawawala sa control ang asawa.

“C’mon Manuel, bata pa si Joseph ay wala ka ng oras para sa kanya.  Gusto mong bumawi sa kanya ngayong matanda na siya?  Don’t bother, may sarili ng utak ang anak mo at hindi ka na kailangan.  Kasalanan ko ba kung ako ang pinili niyang makasama at hindi ang ama niyang walang oras?”

“May sarili ng utak ang anak mo pero ikaw pa rin ang nagdedesisyon.  Pinapunta mo siya sa ibang bansa na hindi ako kinokonsulta.  Gusto kong ipasok siya sa kumpanya para magkaroon kami ng pagkakataon na dalawa pero hindi mo binigay iyon.  H’wag mong sabihing hindi mo pinlano ang bagay na iyon?” kastigo nito sa asawa, malalim ang hinga nito na hinahabol at namumula na rin sa galit ang mukha.

The Last Stop (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon