Marami akong nais pasalamatan sa pagkakabuo ng istorya ng The Last Stop. Una na diyan si @PullstringtoStop aka @AsiasTweetyBird na matiyagang tumulong sa akin para mabuo ito. Pangalawa ang mga Reginians na kahit na minsan ay nakukulitan na ako sa paulit-ulit na comment na "Update" at "Bitin" sobrang nakakataba pa rin ng puso ang pagsuportang pinakita nila. Isa lang ang masasabi ko, adik silang lahat kay Regine. Ang mga kumento niyo online na palagi kong binabasa kahit na hindi ako nakatag o nakamention. Ang mga constructive criticism niyo na palagi kong binibigyang halaga. Salamat po.
Ang istorya po ng The Last Stop ay hindi lamang tungkol sa isang kumplikadong love affair ng dalawang tao na malayo ang agwat sa edad. Pinakita rin dito ang side ng mga taong tumatanda ng mag-isa at kung ano ang takot na nararamdaman nila. Hindi ito fanfiction lamang ng nag-iisang Regine Velasquez. Kwento ito ng maraming tao na napaglipasan na ng panahon na nagsasabing, walang matanda sa pag-ibig. Pantay-pantay tayong lahat. Masasaktan ka kung patuloy mong iisipin ang opinyon ng mga nakapaligid sa iyo. Hindi ko sinasabing maging makasarili ka, ang sinasabi ko lang ay hindi masamang isipin ang sarili paminsan minsan.
Muli MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!!!!!
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
Storie d'amoreSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?