Ika-33 Kabanata: Ang Nagbabalik, E.J.V.

3.6K 83 18
                                    

Kasalukuyang idinaraos ang kaarawan ni Joey sa isa sa mga branches ng Hotel.  Naroon ang ilang mga partners niya sa business at ilang malalapit na kaibigan.  Pero isa lang naman ang hinihintay ni Joey na dumating sa pagdiriwang na iyon, si Sophia lamang at wala ng iba.

Walang theme ang birthday celebration pero naghuhumiyaw sa pagka-elegante ang selebrasyong ito.  Ang banquet ay naka-organisa para sa walumpung bisita.  Ang menung isini-serve ay mula sa classical French/Scottish cuisine at ang atmosphere ng grand dining room ay napapalibutan ng mga art deco ng mga pinagpipitagang alagad ng sining.  Para bang kailangang nakasuot ng tie ang papasok na lalaki samantalang ang babae naman ay kailangang magsuot ng mamahaling damit  kung gusto nilang makapasok sa loob.

Tiningnan ni Joey ang kanyang Chopard na relo na para bang naiinip sa pagdating ni Sophia.   Sapilitan kasi ang ginawa niyang pagpilit kay Sophia.  Nahihiya daw kasi ang dalaga na pumunta sa isang eleganteng selebrasyon dahil parang hindi naman siya bagay doon.  Pero sa huli ay napapayag pa rin ni Joey si Sophia.  Patuloy ang paglinga-linga ni Joey at baka nandoon na si Sophia.  Sinubukan niya nang patawagan si Sophia sa kanyang sekretarya pero hindi raw nito sinasagot ang kanyang mga tawag.

.........

Naipit sa trapik si Joseph.  Kung kailan pa naman nagmamadali na siyang pumunta sa birthday celebration ng kanyang ama.  Nitong mga nakaraan taon kasi ay naging maganda ang relasyon nilang mag-ama.  Kahit ba sabihin na malayo sila sa isa’t isa, ang pag-uusap nila ay naging madalas at parang naplantsa ang sigalot sa pagitan nila.  Gusto naman sanang bumawi ni Joseph at isorpresa ang kanyang ama.

Sa loob na rin ng kotse nagbihis si Joseph.  Nakahanda na ang kanyang susuotin.  Iniutos niya kasi kay Ramirez ang pagkuha noon.  Hinubad niya ang kanyang pantalon at pang-itaas.  Wala naman makakakita sa kanya sa labas na nagbibihis siya dahil tinted naman ang kotse.

Ilang sandali pa ay matagumpay siyang nagbihis.  Nang malapit na ang hotel ay bumaba na lamang siya at naglakad.  Inutusan niya na lamang si Ramirez na i-park ang kotse at makakauwi na ito ngayong gabi.  Siya na lamang ang magda-drive pag-uwi.

Agad siyang dumiretso sa grand dining area.  Puno ng guest ang venue, may mangilan-ngilan siyang kakilala pero karamihan doon ay wala siyang ideya kung sino ang mga ito.  Maya-maya pa ay nakita niya ang kanyang ama na nasa isang sulok.  Nangiti siya sa kasimplehan ng ama.  Ganito na palagi ang kanyang Papa, kahit na sabihing kaarawan niya ito ay simple pa rin ang dating at palaging nasa sulok.  Kung ang Mama niya ang may birthday, sigurado siyang nasa gitna ito ng venue at nagtatalumpati.

Lumakad siya papalapit sa kanyang ama.  Nang malapit na siya ay nakita niya ang reaksyon ng kanyang Papa na gulat na gulat.  Inaasahan naman talaga ni Joseph na magugulat ito pero hindi niya maintindihan kung bakit parang kakaiba ang pagkagulat nito.  Parang hindi ito nasisiyahan na makita siya.

“Pa!  Happy birthday!” niyakap nito ang ama nang mahigpit.

“What are you doing here?” tanong nito sa anak.

Napakunot naman ng noo si Joseph.  Para bang ayaw siyang makita ng kanyang ama. “Why?  Is there something wrong?” tanong nito.

“No, wala naman.  But we need to talk.  Dapat nagsabi ka na pupunta ka dito.” Alalang sabi no Joey.  Kung kanina ay gusto na niyang dumating si Sophia, ngayon naman ay parang ayaw niya pa itong dumating.

“Surprise nga, di ba?” nagsimula nang mainis si Joseph sa kinikilos ng ama.

“May kailangan ka kasing malaman.   Sumunod ka muna sa akin at mag-uusap tayo.” Inanyayahan ni Joey ang anak na mag-usap muna sandali para masabi rin nito ang tungkol sa kanila ni Sophia.

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon