Halos hindi mapakali sa kanyang upuan si Sophia. Di niya mawari kung masama ba ang tiyan niya o masikip ang dibdib niya. Para bang may masama siyang nakain at kailangang ilabas ng kanyang sistema. Sumilip siya kay Diosa na parang nanghihingi ng tulong sa kaibigan.
"Sinong kakausapin mo? Parents mo?" tanong ni Gil dito
"Parents?" Natawa ito sa sinabi ng kaibigan. "No, I have an online friend na palagi kong kinakausap," patuloy pa niya.
Sa sinabi pa lamang ni Joseph ay alam na ni Sophia na siya ang sinasabing "online friend" ni Joseph.
"Ah! Ano, wala kaming wifi. Sayang naman. Kung meron lang eh di, okay lang," palusot ni Sophia
"May pocket wifi ako."
"Ay! Mare, may naka-schedule na brown-out sa lugar niyo. Magdamag daw, magstart ng 8:00pm hanggang 8:00 ng umaga." Sabay nag-apir sila Diosa at Sophia na parang tuwang tuwa pero agad din silang bumawi ng nakitang nakatingin si Joseph sa kanila.
"Buti na lang 2 hours ang tinatagal ng battery ng laptop ko at may dala akong powerbank."
At tuluyang na ngang nawala ang ngiti sa mukha ni Sophia at Diosa. Parang ang natitira na lang nilang pag-asa ay may dumating na delubyo mamayang gabi para hindi mangyari ang pakikipag-usap nito kay Sophia.
"Bakit makikigamit ka pa ng kuryente kung may powerbank ka naman pala?" nagtatakang tanong ni Sophia
"Baka magdamag kaming magkwentuhan. Linggo naman bukas, libre magpuyat."
Muntik nang mapa-antanda si Sophia sa sinabi ni Joseph. Ready na siyang tawagin ang lahat ng santo pakinggan lang ang dalangin niya ngayon.
"Saan ba ang powder room dito? Kanina pa ako naiihi." Totoo namang kanina pa naiihi si Sophia. Sa direksyon pa lang ng usapan nila, sino ba ang hindi maiihi. Isa pa gusto niyang tanggalin ang sarili sa lugar na iyon. Sana sa pagbalik niya ay iba na ang pinag-uusapan nila, gaya ng kung anong lasa ng pagkain nila kahit pa wala iyong k'wenta.
"Diyan sa may kaliwa." Turo ni Joseph
"Samahan kita mare. Naiihi na rin ako." Tarantang taranta ang dalawa sa pagtayo. Muntik pa silang maiba ng direksyon ng dahil sa pagkalito.
Mayamaya pa nang si Diosa at Sophia na lamang ang magkasama ay nailabas niya ang kanina pa niya nararamdaman.
"Diyos ko, anong gagawin ko? Aaminin ko na ba sa kanya na ang balingkinitang babae sa internet ay ako?" Litong lito si Sophia sa kanyang susunod na gagawin. Wala siyang pake kung may kasama silang ibang babae sa loob ng Comfort Room. Nagyakapan ang dalawa na parang may isang trahedyang naganap.
"Isa lang ang solusyon diyan, mare."
Agad napabitiw si Sophia kay Diosa. Tila nagulat siya sa sinabi ng kaibigan.
"Ano? Sabihin mo dali!"
"Akitin mo siya para hindi na kayo magka-usap online. Pagurin mo siya ng magdamag."
"Gaga! Bakit ba nandito ka sa CR ng pambabae?" tanong nito sa kaibigan.
Sinabunutan ni Diosa ang kaibigan at baka marinig sila ng babae na nandoon na kanina pa masama ang tingin sa kanya.
"Babae ako gaga!"
Dumaan sa gitna nila ang babae at nabangga si Diosa at si Sophia.
"Aray! Dahan-dahan naman. Virgin pa ako!" reklamo ni Sophia.
Tiningnan siya ng masama ng babae at inirapan.
"Bakla yang kasama mo, pangbabae ito!" galit na sabi ng babae
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomansaSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?
