Pareho silang natahimik sa tinatanong ni Joseph. Gusto sanang sabihin ni Sophia ang totoong dahilan kung bakit sila nagtatalo ng kanyang Ina pero nagdadalawang isip siya. Ayaw naman ni Sophia na sa bibig niya pa mismo manggaling ang kwento ng buhay ng Mama niya.
"Ano? Wala bang sasagot sa tanong ko sa inyo? Kanina lang seryosong seryoso ang usapan niyo pero ngayon wala sa inyo ang makapagsalita," mataas ang boses ni Joseph, nais niya talagang malaman ang usapan ng dalawa.
"Ahh! Cecilia exit muna ako. May pag-uusapan yata kayo ng anak mo." Hindi nakatingin si Sophia kay Joseph, dirediretso lang ito sa paglabas at iniwan ang mag-ina dahil alam niyang usapang pamilya na iyon.
Makaraang maka-alis ni Sophia ay niyaya ni Cecilia ang anak para umupo sa sofa at makapag-usap ng mahinahon.
"Magagalit ka ba kung sasabihin kong hindi ang Papa mo ang unang lalaking minahal ko?" tanong nito sa anak, mababa ang boses nito at walang planong makipag-away hindi gaya ng mga nakaraan nilang diskusyon.
Naninibago tuloy si Joseph sa pakikipag-usap ng kanyang Mama dahil nasanay na ito na mataas ito at hindi siya maintindihan.
"No. Actually I won't be surprised. Mas nagugulat pa ako na ganito tayo nag-uusap ngayon."Ngayon lang yata sila nakapag-usap ng ganito kahinahon. Usapang mag-ina, nasasabi ng Mama niya ang gusto niyang sabihin at nasasabi niya ang gusto niya.
"Alam mo naman siguro na pinilit akong ipakasal ng pamilya namin sa Papa mo, pero bago pa noon mayroon akong kasintahan. I have someone dear to me na nangakong hihintayin ako kahit gaano pa ako katagal mawala." Nangilid ang luha ni Cecilia at unti-unting pumatak. "Naghihintay pa rin siya hanggang ngayon."
"Mom, that is so sweet! If it'll make you happy, then go for it. Puntahan natin siya."
Akala ni Cecilia ay hindi ikakatuwa iyon ng anak niya, tama nga sila marami ngang maling akala.
"Pero natatakot ako."
Niyakap ni Joseph ang kanyang Ina.
"Don't be. Nandito kami nila Sophia, sasamahan ka namin. Gusto ko siyang makita." Parang mas excited pa nga si Joseph na makita ang sinasabi ng kanyang Mama.
"H'wag na lang siguro. Baka hindi rin siya matuwa na makita ako."
Halos matawa si Joseph sa mukha ng kanyang Ina. Nakilala niya ito na sobrang tapang at walang inuurungan ngunit ngayon ay tila isa siyang bata na kabadong kabado sa maaring mangyari.
"Ma! Ngayon ka pa ba aatras? Kung yung mga sagutan natin hindi mo inatrasan. Sino ba ito at takot na takot ka?" Lalo tuloy siyang na-curious kung sino ang taong ito at kaya niyang pakabahin ang kanyang Mama ng ganoon na lang.
"Pero kasi.." magdadahilan pa sana si Cecilia ngunit hinatak na siya ni Joseph at pinahanda agad ang sasakyan kay Ramirez.
Sumakay na rin sila Diosa at Sophia sa kotse. Tatabi sana si Sophia kay Diosa sa harapan ngunit pinapunta siya sa likod ni Cecilia.
"Sophia, dito ka sa likod. Ideya mo ang bagay na ito kaya tulungan mo ako."
Nag-apir ng palihim si Diosa at Sophia. Para kasing magandang senyales iyon na unti-unting paglambot ng puso ni Cecilia sa kaniya.
Pagsakay nila sa kotse ay agad ng pinaandar ni Ramirez ang sasakyan. Hindi na ito kailangang sabihan ng daan dahil siguradong alam na alam na nito ang papunta sa panaderya at araw araw silang naliligaw doon. Nanatiling nakahawak ang kamay ni Cecilia kay Sophia at Joseph sa buong byahe.
Mayamaya pa ay matiwasay nilang narating ang lugar na iyon. May mga mangilan ngilan pa ring bumibili ng tinapay. Sila Sophia naman ay nanatili sa loob ng kotse, parang wala ni isang gustong bumaba sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?