Tumama sa ulo ni Joseph ang hawak na frying pan ni Sophia na kanina lamang ay nasa sink. Solidong solido ang pagkakatama noon na gumawa ng tunog na parang dalawang bakal na naghampasan."Aray!" Napaupo si Joseph sa sakit ng pagkakatamang iyon.
"Maniac ka. Hindi pa sapat sa'yo ang kapatid ko." Wika ni Sophia habang hinahabol ang paghinga, animoy tumakbo siya ng ilang kilometro.
"Hindi nga ako bakla. Barkada ko na ang kapatid mo noong 1st year college pa lang kami." Paliwanag nito habang kakamot kamot sa ulo.
"Yun lang kasi ang sasabihin mo, may kung ano-ano ka pang ka-manyakan na nalalaman. Hindi naman kita masisisi kung maakit ka sa akin."
"May-edad ka na, pero choosy ka pa! Siguro hanggang ngayon virgin ka pa rin. Baka magsara yang butas mo."
Inambaan muli siya ni Sophia ng frying pan.
"Anong akala mo dito? Butas sa tenga na kapag matagal ng walang hikaw nagsasara?"
Binalik niya sa sink ang hawak hawak na frying pan. Lumapit siya sa mesa upang kunin ang isang upuan at umupo. Biglang nagseryoso ang boses ni Sophia.
"Pasensya na ha! Medyo protective lang kasi ako sa bunso namin. Matagal hinintay yan nila Mama, akala nila hindi na ako masusundan. Miracle baby na nga iyan, perimenopause na kasi si Mama noon. Pansin mo medyo kulang kulang si Gil."
Bumalik din sa kanyang upuan si Joseph para makipag-usap kay Sophia.
"Eh ikaw, wala ka bang balak magka-anak?" tukso niya dito.
"Mag-aasawa muna bago ako mag-anak." Sabay tawa nito
"Magboyfriend ka muna bago ka mag-asawa." Natawa na rin si Joseph.
"Maghahanap muna ng lalake bago magka-boyfriend. Yun ay kung meron pang magkakagusto sa akin." Sabay tapik nito sa hita ni Joseph habang wagas ang pagtawa.
Nahinto ng tawa si Joseph at tumingin ng seryoso kay Sophia.
"Meron pa yan. Mamansin ka kasi, h'wag yung dinadalaw ka na sa bahay eh sinusungitan mo pa."
Napahinto rin sa pagtawa si Sophia. Nailang siya sa sinabi ng binata. Tumayo siyang bigla at akmang aalis ng hawakan ni Joseph ang kamay niya.
'Dito ka muna, hindi ako makatulog. Samahan mo muna ako."
Napalunok si Sophia sa mga titig ng binata sa kanya. Sa tingin niya ay matutunaw siya anumang oras. Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas ang nakababatang kapatid nito. Nahuli silang magkahawak ng kamay.
Agad silang nagbitiw ng kamay at baka kung ano pa ang isipin nito. Pupungas-pungas na naglakad si Gil patungo sa ref para kumuha ng tubig. Para namang Nakahinga ng maluwag si Sophia dahil mukhang hindi iyon napansin ni Gil.
"Kayo ha, may holding hands pa kayong nalalaman." Muntik nang mapamura si Sophia ng sabihin iyon ni Gil.
"Iiwanan kasi ako, eh nag-uusap pa kami." Agad nagdahilan si Joseph, baka isipin pa nitong pinopormahan nito ang kapatid niya. Sagradong batas iyon sa magkakaibigan, bawal makipagrelasyon sa kapatid ng kaibigan o sa ex ng kaibigan.
"May condom ka ba diyan?" tukso nito kay Joseph.
Isang malakas na batok ang natanggap ni Gil sa kanyang ate Sophia.
"Ang dumi ng isip mo ha. Gumaganti ka, ano?"
"Hoy Joseph, virgin pa ang ate ko ha!" tuloy tuloy lang ito sa pang-aalaska sa kanyang ate, sa wakas ay nakaganti na rin siya dito.
"So Tama pala ako! Virgin ka pa nga!"
Nanlaki ang mata ni Sophia, hindi siya makapaniwalang wala lang sa mga kabataan ngayon kung pag-usapan ang virginity ng isang babae. Sa harap pa niya mismo sinasabi ang mga bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
Roman d'amourSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?