Naalala ni Sophia ang mga ngiti ni Joey, ilang beses niyang inisip na mukhang pamilyar ang mga ngiti niya. Totoo nga pala dahil ganoon ang mga ngiti ni Joseph. Pero binalewala niya iyon, para kasing imposible naman na maging related si Joseph at Joey. Una sa lahat simpleng tao si Joey, kahit na sabihin naman natin na medyo nakaka-angat ito sa buhay.
“Hindi kaya, Papa ni Joseph yan?” tanong ni Mamu
“Naku Mamu, imposible. Yung Papa ni Joseph sobrang busy at puro negosyo ang iniisip. Si Joey simple lang, nakita niyo naman kung paano siya manamit, di ba? Saka sanay siyang kumain kung saan-saan. I’m sure yung Papa ni Joseph hindi man lamang nakakatikim ng dinuguan.” Inilapag ni Sophia ang mga pinamili niya sa mesa at sinimulan niya iyong tanggalin sa plastic. “Hay Mamu, kailangan ko na talagang makikita ng bagong trabaho. Ayoko namang gastusin yung pera ni Gil at iniipon ko iyon. Gusto ko pagdating niya makita niya yung mga pinaghirapan niya.”
“O edi bumalik ka na lang sa trabaho mo d’yan sa kompyuter.”payo sa kanya ni Mamu. Lumapit si Mamu kay Sophia at tinulungan na rin sa pag-aayos ng napamili. Sandali itong natahimik at napag-isip. “Gusto mo ba talaga ng pagkakakitaan?”
Napatingin sa kanya si Sophia, kumunot ang noo niya na parang hindi gusto ang iniisip ng kanyang Mamu. “Ano na naman ang iniisip niyo, Mamu?”
Nilapitan siya ni Mamu at kinausap ng mahina. Ayaw niya namang ilakas ang boses niya at baka marinig pa siya ni Robert. “Hanapin mo ang Papa mo.”
“ANO!” Napasigaw si Sophia sa sinabi ng kanyang Mama. Hindi lahat ay nakaka-alam na iba ang ama niya at ni Gil. Buntis pa lang kasi noon si Mamu ay iniwan na siya ng tunay na ama ni Sophia. Buti na lamang at pinakasalan si Mamu ng ama ni Gil na siya na ring tinuring na Ama ni Sophia. “Mamu, ang ayaw magpakita, hindi makikita. At isa pa, si Papa na ang tinuring kong ama. Kung ayaw niya ba sa atin eh di ayaw ko rin sa kanya.”
“Gaga! Hindi sa ayaw ka ng Papa mo. Ayaw tayo ng pamilya niya, sa mga Chinese kasi inuuna ang mga pamilya at palaging nasusunod ang decision ng pinakamatandang lalaki. Unang anak na lalaki ang Papa mo kaya mabigat ang tungkulin niya. Mabuti sana kung naging lalaki ka, I’m sure paborito ka.”
Isang malalim na hinga ang pinakawalan ni Sophia. Nandito na naman sila sa topic ni Mamu na ayaw na ayaw niyang pag-usapan. Sa tuwing nababanggit kasi ang mga bagay na iyon ay kinikilabutan siya. Wala siyang ibang kilala kundi ang Papa ni Gil, kahit nga sa birth certificate nito ay iyon ang nakalagay. “Ma! Tama na. Ayokong pag-usapan ‘yan.” Inis na sabi nito. Binuksan nito ang huling supot na galing sa restaurant at inalok kay Mamu. “Kumain na lang kayo. Masarap ‘yan, galing ‘yan doon sa kinainan namin.”
“Iniiba mo na naman ang usapan eh. “ sandaling tumalikod si Mamu para kumuha ng pinggan at ayusin ang mga dalang pagkain ni Sophia. “Hindi ka makukumpleto kung hindi dahil sa Papa mo. Ano ba ‘yung mag-hello ka lang sa kanya. Kung ayaw niya pa rin sa’yo, e ‘di h’wag.” Wika ni Mamu habang sinasalin ang mga ulam sa mongkok.
“Mamu! Pagod na pagod na ako sa rejection. Na-reject na ang lovelife ko, ang trabaho ko, ayoko nang ma-take two ang pagreject nung nakabuntis sa inyo.” Hindi man lamang niya magawang tawagin iyong Ama. Para kay Sophia ang pagiging Ama ay nagampanan na ng Papa ni Gil.
“Hoy, hindi niya ako nabuntis. Nagpabuntis talaga ako. Gusto namin ang nangyari.” Tinikman ni Mamu ang dalang ulam ni Sophia. “Masarap, ito ha.”
“Ma, sabihin mo nga sa akin. Minahal mo ba yung chekwa na iyon o minanyak mo lang siya?” Mukha kasing hindi titigil ang kanyang Mamu sa pakikipag-usap tungkol sa kanyang tunay na ama akaya’t minabuti niya na lang din na makipag-usap dito.
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
Lãng mạnSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?