Hindi agad naisip ni Sophia na pwedeng itanong sa kanya ni Joey ang bagay na iyon. Ayaw niya namang ilahad ang buhay pag-ibig niya sa isang taong bago pa lamang niya kakilala kaya’t hindi niya ito sinagot.
“Ganito kasi iyon...” Sasagot sana si Diosa ngunit natigilan siya ng naramdaman niya ang malakas na tapak ni Sophia sa paa niya para pigilan siya sa pagkukwento. “Aray!” daing nito
Nagulat naman si Joey sa pagdaing na iyon ni Diosa. “May problema ba?” tanong nito dahil halata niyang nasaktan talaga si Diosa.
“Hindi wala. Sabi naman sa iyo nagkasakit ‘yan noong bata pa siya. Hanggang ngayon nararamdaman niya pa rin yung after effects.” Palusot ni Sophia.
“Ahh. Papano niyo nga pala nakilala ang may-ari niyang building na iyan?” tanong muli ni Joey kila Pia.
“Hindi naman talaga kakilala. Kakilala ng kakilala namin. Second hand information na ‘yung nakuha namin about sa may-ari niyan. Pero naniwala naman kami kasi reliable ang source namin.” Wika ni Sophia na parang kumpiyansang kumpiyansa sa sinasabi niya.
“Sino naman ‘yang reliable source na iyan?” halatang gustong gustong malaman ni Joey kung saan nakuha nila Sophia ang impormasyon tungkol sa kanya. Bakit ba parang siguradong sigurado ito na masama siyang tao? Para bang hindi siya makakapayag na manatiling ganoon ang pagtingin ni Pia sa kanya.
Dahil sa pagiging mausisa ni Joey sa bagay na iyon ay nagsimula nang magtaka si Sophia at Diosa. Bakit ba lumalabas naparang mahalagang malaman ni Joey kung kanino nila nakuha ang impormasyon?
“Teka nga, bakit ba parang affected na affected ka sa sinabi namin?”pansin ni Diosa sa bagay na iyon.
Muntik na tuloy mabulunan si Joey sa tanong na iyon ni Diosa. Buti na lang at sanay siya sa mga ganoong sitwasyon at agad nakagawa ng dahilan.
“Kasi nga kilala ko ang may-ari ng building na iyan at hindi naman siya ganoong kasama gaya ng sinasabi niyo.” Pilit ipinaintindi ni Joey ang kanyang gustong ipahiwatig sa dalawa, pero mukhang mahirap kumbinsihin ang mga ito sa kanilang pinaniniwalaan.
“Hindi ka naman namin masisi kung bakit kinakampihan mo siya. Kasi nga pinapasuweldo ka niya. Ibahin na nga lang natin ang usapan natin at baka masira lang ang araw nating lahat.” Sambit ni Sophia sa kasama. Nagpatuloy siya sa pagkain habang si Joey naman ay takang-taka pa rin. Gusto na sanang aminin sa mga ito na siya ang may-ari ng building ngunit natatakot siya na baka lumayo sa kanya si Pia sa oras na malaman niya ang bagay na iyon dahil sa paniniwala nito na masama siyang tao.
“Pero kasi..” magsasalita pa sanan si Joey tungkol sa bagay na iyon ngunit pinigilan na siya ni Sophia.
“Hep! Tama na.” Saway sa kanya ni Sophia.
Natahimik silang tatlo matapos ang usapan na iyon. Nabasag na lamang ang katahimikan na iyon nang magsalita si Sophia.
“Alam niyo, dapat siguro sundin ko na lang ‘yung sinabi sa akin ni Mamu. Malay ko ba, baka kaya na akong tanggapin ng Chekwa na iyon.” Nakatingin sa kawalan si Sophia habang nagsasalita. Hindi naman sa ayaw niyang hanapin ang kanyang tunay na ama. Sa totoo lang ay gustong gusto niyang makita ito ‘yun nga lang natatakot siya na ma-reject at itatwa.
“Alam mo tama naman kasi si Mamu na hanapin mo ang tunay na Tatay mo. H’wag mong sabihin na hindi ka naku-curious kung anong itsura niya. Teka nga, wala bang naitabing picture si Mamu ng Papa mo?” tanong ni Diosa sa kanya habang tinutusok tusok ng kutsara ang baso na puno ng halo-halo.
Umiling si Sophia. “Ang alam ko sinunog ni Mamu ang lahat ng picture nila matapos kaming iwanan.”
“Tunay na ama?” tanong ni Joey sa kanya. Malabo sa kanya ang dating ng bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?