Ika-34 na Kabanata

4.2K 81 16
                                    

Tuloy lamang sa pag-iyak si Sophia habang tinatapik-tapik ng kanyang Ina.  Masakit para kay Mamu na makitang nasasaktan ang kanyang anak pero wala siyang magagawa.  Natatakot siyang magpayo dito at baka sa huli ay lalo lamang masaktan si Sophia.

“Anak!  Kung ano man ang problema mo ngayon ikaw lang naman ang makakasolusyon diyan.  Sabi mo pinili mo na si Joey, dapat maging masaya ka na.  Pero kung hindi ka pa rin masaya, baka na sa iba ang kaligayahan mo.  H’wag mong parusahan ang sarili mo.” Payo dito ni Mamu.

Nanatiling nakayakap si Sophia kay Mamu habang nag-iisip.  Hindi na siya dapat naiipit pa noong una kung sinabi niya lamang kay Joseph na h’wag nang umasa.  Pero bakit nga ba hindi niya sinabihan si Joseph?  Dahil ba kahit siya ay umaasa pa na magkaroon sila ng relasyon?

...........

“Ma!” sigaw ni Joseph.  Para siyang basang sisiw sa gulo ng kanyang suot at ang dilim ng kanyang pagmumukha. “Ma!” paulit-ulit niya na sigaw.

Nabulabog ang buong bahay sa sigaw ni Joseph.  Nataranta ang mga kasambahay, kahit kasi nag-aaway sila noon ng kaniyang Mama, pinipilit niyang maging mahinahon pa rin.  Madalas sa hindi mas pinipili niya na lang ang lumayo.  Pero iba ang sitwasyon ngayon, si Sophia ang nawala sa kanya at nais niyang malaman kung gaano katagal na itong nililihim ng mga tao sa kanya.

Nagmamadaling nagsuot ng roba si  Cecilia nang marinig ang nagwawalang si Joseph.  “Lumabas siya ng kwarto at bumaba. “Ijo!  Kailan ka pa dumating?” gulat na gulat na sabi ni Cecilia, wala itong kaalam-alam na darating ito ngayong araw.

“Alam mo ba!” sigaw nito sa kanyang Mama.

Sa unang pagkakataon ay nakadama ng takot si Cecilia sa anak niya.  Hindi niya pa nakita na ganito kagalit si Joseph.

“Ang alin?”tanong ni Cecilia

“Oh Bullshit Mama!  Don’t tell me wala kang alam.  Ikaw lang naman ang mahilig mag-manipulate sa buhay namin.  Did you push her away?  Sinabihan mo ba na hindi kami pwede sa isa’t isa kaya pumunta siya kay Papa?” nanggigigil na sabi ni Joseph

“Wala akong ginawa.  Kahit itanong mo pa sa Papa mo.  After mong umalis, madalang na lamang kaming magkita ni Sophia.  One time nagkita kami sa isang restaurant and nalaman ko na siya na pala ang girlfriend ng Papa mo.  Kahit siya nagulat din.  Ang Papa mo ang tanungin mo.” Paliwanag ni Cecilia sa anak

Kinuyos nito ang palad at naglakad ng pabalik balik na parang hindi mapakali.  Sinuntok niya ang pader ng bahay nila.  Lumapit ang kanyang Mama at pinigilan siya.

“Itigil mo ito, Joseph.” Pakiusap niya sa anak

Napayakap si Joseph sa ina at nag-iiyak.

“Niloko niya ako Ma!  Bata pa ako lagi niya nang inaagaw ang kaligayahan ko, hanggang ngayon.  Pinamukha niya sa akin na maayos na kami, bakit?  Para hindi ako magalit sa kasalanang ginawa niya?  Hindi siya marunong lumaban ng patas.” Sumbong nito sa Ina.

Walang maisagot si Cecilia sa hinaing ng anak.  Kung tutuusin ay may kasalanan din siya sa nangyayari ngayon.  Kung hindi niya sana pinagtulakang papaalis ng ibang bansa si Joseph ay hindi ito mangyayari.

.........

Kinaumagahan ay ipapakansela sana ni Joey ang kanyang mga appointments para na rin makipag-usap sa anak pero ilang beses niya na itong tinatawagan ngunit ayaw nitong sagutin ang telepono.  Napabuntung hininga na lamang siya, siguro ay dapat niyang kausapin ng personal ang anak para magkaunawaan din sila.

“Cindy!” tawag nito sa isa sa mga tauhan niya.

Agad namang lumapit ang babaing tinawag niya. “Po?” magalang na tugon nito

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon