Ika-29 na Kabanata: Lihim

3.2K 69 5
                                    

Nanatiling nakakubli si Diosa habang pinapakinggan ang usapan ni Joey at ang kausap nito sa kabilang linya na nagngangalang “Joseph”.  Simula pa lamang ay napansin na niya ang pagkakaparehas sa itsura ni Joey at ni Joseph, isama pa ang naging reaksyon nito noong nakapagsalita sila ng hindi maganda sa Papa ni Joseph.  Lumalabas na malaki ang tsansa na ang Papa ni Joseph at si Joey ay iisa.

Si Joey naman ay patuloy sa pakikipag-usap sa tao sa kabilang linya na parang hindi napapansin na may nakikinig sa kanya.

“Kung kailan ka pa nag-aaral sa ibang bansa saka mo pa ako nagawang tawagan.” Ani Joey na may halong pagtatampo

“Pa!  Tumawag ako kahapon sa bahay mo.  Si Manang ang sumagot, sabi may bago ka raw kinalolokohang babae.  Seryoso ba iyan?” may pagksabik na tanong nito sa ama.

Halos masamid si Joey sa sinabi ni Joseph.  Hindi niya alam na naikwento na pala ng kanilang katiwala ang tungkol sa bagay na iyon.

“Bahay natin, Joseph.” Sandali siyang huminto at napangiti.  “Medyo.  Ewan, kakaiba ang saya na binibigay sa akin ni Pia.” Kwento ni Joey

“Pia?  Ka-rhyme pa ng babaeng mahal ko.  Si Papa naman, namiss ko na naman tuloy.” Ani Joseph

“Wala ka namang nakukwento. I am totally clueless about your life, son.  Bumalik ka na lang kaya?” biro nito sa anak pero gusto nitong bumalik na talaga si Joseph.  Nais niyang makabawi man lamang sa pagkukulang sa anak.

“Pa!  You deserve to be happy.  Ang tagal mong sinubsob ang sarili mo sa negosyo.  Oras na rin siguro para sarili mo naman ang intindihin mo.  You have been a good provider lagi nga lang absent sa mga special occasion.” Sabay atwa nito sa kabilang linya.

“You have no idea kung gaano ko ayaw ma-miss ang birthday mo and even your graduation.  Pero kailangan kasi maraming umaasa sa kumpanya.” Paliwanag nito sa anak na parang nangungumpisal.  Bakit nga ba sa dami ng araw, ito pa ang panahong napili nilang mag-ama na mag-usap ng puso sa puso?

“Pa, tapos na iyon.  And I don’t really hate you dahil doon.  Tuwing pupunta ako sa Main Office para kausapin ka, igi-greet ako ng mga tauhan mo na parang napakabuting tao ng Papa ko.  Hindi ko man gaanong naramdaman ang pagiging mabuting ama niyo sa akin at least sa mga tauhan mo naging mabuti kang ama.  And I am proud na tinuturing kang ama ng napakaraming tao.”

Sa mga oras na iyon ay parang may bumara sa lalamunan ni Joey.  Hindi siya makapaniwalang naririnig ang magagandang salitang iyon mula sa kanyang anak.  Pakiramdam niya ay bawing bawi siya sa mga araw na wala sa kanyang piling ang kaniyang anak.  “Masyado mo akong pinapasaya, Emmanuel Josefino Valle.” Hindi mawala sa mukha ni Joey ang ngiti.

Si Diosa naman ay nagulat at napa-atras.  Hindi siya maaring magkamali sa narinig niyang pangalan.  Emmanuel Josefino Valle.  Iisa lang ang kilala nilang nagmamay-ari ng pangalan na iyon at sa itsura ni Joey ay hindi maitatangging si Joseph nga ang kausap nito sa kabilang linya.  Habang umaatras siya ay aksidente niyang natamaan ang basurahan at gumawa iyon ng malakas na ingay.  Dahilan upang makita siya ni Joey.

“Sige na, Joseph.  May gagawin pa ako.” Kahit na ayaw pang magpaalam ni Joey sa anak ay kailangan niya dahil nakita niya si Diosa at mukha narinig nito ang usapan nila.

Agad niyang nilapitan si Diosa at kinausap.  Kitang kita sa pagmumukha ni Diosa ang gulat.  Nangibabaw din ang pagkailang nito kay Joey matapos malaman na siya ang Papa ni Joseph.

“Kanina ka pa ba diyan?  May narinig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Joey sa kanya

Hindi sumagot si Diosa, yumuko lamang ito at halatang ninenerbyos dahil sa likot ng mga kamay niya.

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon