Ikawalong Kabanata: Sa Likod Ng Ngiti Ni Joseph Valle

4.9K 114 41
                                    

"May kapansanan ka ba? Bakit ganyan kang magsalita?" takang takang tanong ni Joseph sa babae na nasa kabilang linya.

"Hindi, ganyan talaga ang boses ko," pinaliit pa ng husto ni Sophia ang kanyang boses para baguhin iyon at hindi mahalata ni Joseph.

"Ah! Ang liit ng boses mo, parang yung mga nanggagamot," wika ni Joseph.

"Anong akala mo sa akin dwende." Nawala sa loob ni Sophia na baguhin ang kanyang boses. Huli na nang naalala niyang kailangan niya palang ibahin iyon nang hindi makilala ni Joseph.

"Sandali, parang pamilyar ang boses mo."

Napakunot ng noo si Joseph na parang may inaalala. Matapos iyon ay tinawag niya si Gil.

"May ipapakausap ako sa iyo ha? Friend ko, para kasing pamilyar ang boses mo." Kwento nito kay Mysty na nasa kabilang linya.

Inabot ni Joseph ang headset kay Gil. Kahit labag sa loob ni Gil na gawin yun at abala siya sa paglalaro ng online game eh ginawa na rin niya. Hindi naman siguro magtatagal ang usapan na iyon.

"Bud, pakinggan mo. Kaboses ng ate mo,"wika ni Joseph kay Gil

"Hello?" ani Gil sa babaeng nasa kabilang linya.

Agad nabosesan ni Sophia ang kapatid. Inisip niyang pwede niyang gawing kakampi ito para makumbinsi si Joseph na hindi siya si Sophia.

"Hoy Virgilio! Isang sigaw mo ng Ate diyan at kakalahatiin ko ang monthly allowance mo at bibigyan kita ng curfew. Tatakutin ko lahat ng lalandiin mong babae at magiging single ka forever!" May halong pagbabanta ang boses niyang iyon, pero wala na siyang mapagpilian, desidido siyang panatilihing lihim ang kanyang pagkatao kay Joseph.

Matapos marinig ni Gil ang sinabi ni Sophia ay wala siyang magawa kundi ang matulala. Hindi niya maisip kung paano nangyaring magkausap ngayon ang dalawa. Gusto sana niyang sabihin na si ate niya ang kausap ni Joseph pero ayaw niya rin namang mangalahati ang allowance niya.

"Sira! Ang layo ng boses kay ate!" palusot nito.

"Sigurado ka? Para talagang kaboses ng ate mo," pilit pa nito

"Hindi si ate 'yan."

"Hindi ko sinasabing ang ate mo ito, ang sabi ko kaboses. Magkaiba iyon," paliwanag nito sa kaibigan sabay nangiti.

Matapos iyon ay sinuot muli ni Joseph ang headset. Binuhat niya ang laptop at lumabas na lamang ng kwarto. Maingat siya na baka marinig ni Gil ang usapan nilang dalawa. Umupo siya sa sofa kung saan matatanaw ang dalawang pintuan ng kwarto.

"Hello? Sorry kanina, para kasing may kaboses ka," paumanhin niya dito.

"Okay lang. Bakit mo ba naisip na marinig ang boses ko?" tanong ni Sophia na medyo kumportable na kumpara kanina.

"Ang bagal kasing mag-usap kapag nasa chat lang. Eh gusto ko sanang makipagusap ng seryoso ngayon."

"So yung mga nakaraang usapan pala, chinichika mo lang ako. Umbagin kaya kita dyan."

"Ayaw mo noon, ready na akong mag-open sa iyo."

Kung kanina ay hindi magawang umupo ni Sophia dahil sa kaba, ngayon ay nakaupo na siya sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang unan at nilagay sa may bars ng kanyang kama at sumandal. Itinaas niya rin ang kanyang mga paa sa kama.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ni Sophia kay Joseph

"Wala, magtatanong lang ako." Sandaling huminto sa pagsasalita si Joseph wari'y iniisip ang susunod na sasabihin. "Kamusta ang Mama mo?"

"Si Mama? Lukaret, hindi nalalayo sa mga pasyente sa mental hospital. Eh yung Mama mo?" Hindi alam ni Sophia kung bakit natanong iyon ni Joseph. At dahil sa tinatanong na lang din naman ni Joseph ang kanyang Ina, maganda na rin siguro na tanungin niya ito tungkol sa kanyang Mama.

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon