Nilapitan siya ni Joey dahil hindi na siya nagpatuloy sa paglalakad. Hindi alam ni Sophia pero kabadong-kabado siya. Hinawakan niya ang braso niya na parang pinipigilan niyang gumalaw, baka kasi tumalikod pa siya at tumakbo papunta kay Joseph.
"Bakit nasa labas ka?" tanong ni Sophia kay Joey.
"Ah, nainip ako. Ang tagal mo kasi kaya nagpahangin ako." Dahilan ni Joey
"Tara pumasok na tayo sa loob." Yaya ni Sophia kay Joey.
Nag-isip si Joey kung babalik pa ba sila sa loob. Sa huli ay naisip niyang yayain na lamang si Sophia sa ibang lugar.
"H'wag na tayo diyan, maraming tao sa loob." Hinatak niya si Sophia papunta sa parking lot.
Napansin ni Sophia na kaunti lamang ang sasakyang nakaparada sa labas. Hindi niya tuloy maiwasang magduda kung marami ba talagang tao sa loob.
"Bakit kakaunti ang sasakyan dito kung maraming tao?" tanong ni Sophia kay Joey
"Siguro nagtaxi at nag-commute lang sila kagaya mo." Palusot ni Joey
Hindi na nagtanong muli si Sophia. Binuksan na ni Joey ang pintuan at pumasok na siya sa loob. Matapos iyon ay mabilis na umikot si Joey papunta sa driver's seat at agad pinatakbo ang kotse. Habang tumatakbo iyon ay nakatingin sa kawalan ni Sophia. Nanatili pa rin siyang nakahawak sa kanyang braso at pinipigilan ang sarili.
*Ito na ang naging desisyon mo. Paalam na Joseph* wika niya sa kanyang sarili. Matapos iyon ay pumatak ang luha na agad niyang pinunasan at baka makita pa iyon ni Joey.
............
"Wala! Mukhang hindi na dadating si Sophia." Inis na sabi ni Diosa. "Nasayang lang ang gown ko na pang bridesmaid pa talaga."
Si Joseph naman ay nasa labas at naghihintay. Hindi niya mapigilan ang panginginig sa takot na wala na nga sa kanya si Sophia.
"Dadating siya. Dadating siya." Paulit ulit na sabi ni Joseph na parang may sira sa ulo. Kinokondisyon niya ang isipan na dadating pa talaga si Sophia.
......................
Si Sophia naman ay parang wala sa kanyang sarili. Hindi na niya napapansin kung gaano na ba katagal tumatakbo ang kotse. Maya-maya pa ay hininto na ni Joey ang sasakyan.
"Nandito na tayo!" wika ni Joey. Pero narinig ni Sophia ang basag na boses nito. Nang lingunin niya ito ay kanina pa pala ito umiiyak.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Sophia kay Joey.
Ngumuso si Joey at tinuro ang pangalan ng restaurant na bababaan nila. "Bristol". Nagngangawa si Sophia at niyakap si Joey. "Hindi. Hindi ko kayang saktan ka." Wika ni Sophia
"Kaya pinapakawalan na kita. Alam kong mahal mo siya."
"Pero mahal din kita."
"At mahal ko siya. Siya ang nag-iisang anak ko at hindi ko magagawang ako pa ang aagaw ng kaligayahan niya." Wika ni Joey
"Paano ka?" tanong ni Sophia dito
"Sanay na akong mag-isa. Nakatagal ako ng ilang taon na walang kasama, makakatagal pa ako ng ilang taon pa."Paliwanag ni Joey. "Nalaman ko kay Cecilia na may plano si Joseph na pakasalan ka ngayong gabi. Pinapakawalan na kita. H'wag mong paghintayin ang anak ko." Patuloy lang sa pag-iyak ang dalawa
"Sanay? Lagi na lang iyan ang sinasabi natin." Ani Sophia
"Sophia, ito na ang Last Stop mo. Bumaba ka na at hinihintay ka na ni Joseph."
Muling yumakap si Sophia kay Joey. Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpa-alam.
"Salamat!"
Nagmamadaling bumaba si Sophia sa kotse. Sinalubong siya ni Joseph na kanina pa naghihintay sa loob. Bumaba rin panandalian si Joey para tingnan ang anak na ngayon ay mahigpit ang pagkakayakap kay Sophia.
"Salamat Papa." Mahinang sabi ni Joseph pero naiintindihan ni Joey iyon.
Nangiti si Joey. Tama si Ramon. Hindi mababayaran ang ngiti sa mukha ng iyong anak. Kahit na sabihin na talo ka sa bandang huli. Ang Ama, handa niyang ibigay lahat sa kanyang anak kahit na wala nang maiwan sa kanya. Ilang sandali pa ay pumasok na si Joey sa loob ng kotse at pina-andar ang sasakyan.
Si Joseph at si Sophia naman ay pumasok sa loob ng Bristol. Sinaboy ni Diosa ang bulaklak na nasa basket na parang tapos na ang kasal.
"Mabuhay ang diwata." Wika ni Diosa sa kaibigan na puting puti ang suot.
"Mamaya pa iyan, hindi pa nga nagsisimula eh."saway ni Mamu kay Diosa.
Nilapitan si Sophia ng isang babae at nilagyan siya ng belo. Kahit na sibil na kasalan lamang iyon ay gusto nilang magmukhang espesyal.
"Adrienne!" gulat na sabi ni Sophia
"Ano, nagulat ka di ba? Siyempre wedding na ito, imposible namang wala pa ako dito." Wika ni Adrienne sa kaibigan sabay niyakap niya ito.
"Na-miss kita." Ani Sophia
"Mamaya na 'yan ikakasal ka muna." Wika ni Diosa
"Sandali, wala pa ang best man ko." Eksaktong sabi ni Joseph ng mga salitang iyon ay may nagsalita sa likuran nila.
"Late na ba ako?" tanong ni Gil sa mga tao sa loob.
"Gil! Paano mo nalaman?" tanong nito sa kapatid
"Si Joseph eh, pinilit akong umuwi noong isang araw, kaya nandito ako ngayon." Nilapitan nito ang kabarkada at binigyan ng brofist "Alagaan mo ang ate ko. Kapag umuwi 'yan sa amin at umiyak ng dahil sa iyo, gugulpihin kita." Inakbayan niya si Joseph at tinulak na sa harapan malapit sa huwes.
"Maglakad ka muna sa labas Sophia ako ang flower girl, magsasaboy ako ng bulaklak." Ani Diosa
Hindi na nagreklamo si Sophia at ginawa na lamang ang nais sabihin ni Diosa. Nagmukhang parang isang maliit na kasalan ang gabing iyon. Hindi iyon ang pinakamagarbong kasalan ngunit iyon ang pinaka-espesyal. Punong puno ng tawanan at halakhak na tila masaya ang lahat ng naroon at walang nangyaring masasakit na aalala.
Hindi pa natatapos ang kainan ay binuhat na agad ni Joseph si Sophia at nagpa-alam. "Paano ba iyan, iuuwi ko na ang misis ko nang makarami." Biro ni Joseph sabay hinalikan si Sophia ng madiin sa labi.
Sinakay niya iyon sa kanyang kotse kung saan may mga latang nakatali sa likod. Isang makalumang istilo ng kasal ngunit punong puno ng pagmamahal.
Habang nasa loob sila ng kotse ay tiningnan ni Sophia si Joseph.
"Akala ko mawawala ka na panghabambuhay sa akin. Muntik na akong magsisi." Kwento niya sa asawa
"Akala mo lang iyon. Pero ako alam kong darating ka."
"I love you Joseph Valle."
"And I love you more Sophia Valle."
-End-
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?