“Sino sa inyo si Antonio Chua-Lim?”nagulat ang mga taong kanina lamang ay nag-uusap dahil bakas sa mukha ni Sophia ang pagkaseryoso.
Lumapit si Joey sa kanya at binulungan si Sophia “Pia, hindi dapat sa ganitong paraan. Hindi tayo nakakasigurado sa narinig natin.” Hinarap ni Joey ang mga Chinese na nag-uusap at yumuko, tanda na humihingi ito ng paumanhin sa inasal ni Sophia. “Pasensya na po, nabigla lang ang kasama ko. May hinahanap ho kasi kaming kapangalan ni Mr. Chua-Lim at nagulat lang siya.” Paliwanag ni Joey
“Pero narinig ko.” Pagpupumilit ni Sophia, wala na siyang pakialam kung nagmumukha siyang kahiya-hiya.
“Narinig ko rin Sophia, pero hindi ito ang tamang paraan para gawin ang mga bagay na ito.” Inakbayan niya si Sophia at niyaya na sa labas. Bago pa ito lumabas ay tumayo ang isang lalaki. Matanda na ito at maputi na ang mga buhok, puno na ng kulubot ang mukha at parang naglalaro ang edad niya sa 70-80 years old.
“Ako si Antonio Chua-Lim” ngumiti ito pabalik kay Sophia at kumaway.
Parang nahimasmasan si Sophia nang makita na masyado ng matanda ang lalaking iyon at imposibleng maging iyon ang hinahanap niyang ama. Yumuko siya at nagpaumanhin dahil sa inasal niya at nagtatakbo palabas ng Ice Cream Parlor ng dahil sa hiya.
Hinabol siya ni Joey sa labas, nakita niya na papalayo na si Sophia at tila walang balak Huminto sa paglakad. Tumakbo siya para maabutan si Sophia.
“Sophia, stop. Mukhang hindi naman sila na-offend sa ginawa mo. Kung ayaw mo na sa lugar na ito, sumakay ka na lang at iuuwi na kita.” Aniya kay Sophia
Huminto sa paglalakad si Sophia at tinakpan ang mukha niya. Hiyang-hiya siya sa ginawa niya kanina. Bakit nga ba hindi niya napigilan ang kanyang emosyon nang marinig niya ang pangalan na iyon? Sa totoo naman ay wala siyang alam tungkol sa ama niya kung hindi ang pangalan nito pero bakit ganoon na lamang ang naramdaman niyang pagkasabik nang marinig ang pangalan ng kanyang ama.
Inakbayan siya ni Joey. Gusto sana siyang yakapin ni Joey ngunit sa tingin niya ay wala pa siyang karapatan para ikulong sa bisig niya ang dalaga. Nagulat na lamang si Joey nang kusang sinubsob ni Sophia ang mukha niya sa dibdib ni Joey.
“Nakakahiya ako. Para akong tanga kanina.”hiyang-hiya na sabi nito.
“Ano ka ba? Hindi ka naman nila pwedeng husgahan sa naging action mo kanina dahil hindi nila alam ang buong kwento. Saka okay lang iyon, sabi ko nga sa iyo parang hindi naman sila na-offend.” Paliwanag sa kanya ni Joey
“Hindi iyon. Nakakahiya na nadamay ka pa sa magaspang na ugali ko. Bakit kasi hindi ko napigilan.”
Hinampas siya ng mahina sa noo ni Joey.
“Wala namang kaso iyon at naiintindihan kita. Pero sa susunod h’wag kang biglang sisigaw kapag nakarinig ka ng pangalan na Antonio Chua-Lim.” Biro niya dito sabay natawa siya.
Natawa na rin si Sophia at pinunasan ang kanyang luha. Buti na lamang at nandoon si Joey kung hindi ay mas lalong lumabas siyang kahiya-hiya. “Salamat.” Maikling sabi niya dito.
“You’re Welcome. Now kung tapos ka na sa pagyakap sa akin ay p’wede na tayong sumakay sa sasakyan at umalis na tayo.”
“Feeling mo naman gustong-gusto kong yumakap sa iyo.” Sabay tulak ni Sophia kay Joey
“Ah, ikaw ang nagsabi niyan.” Tukso ni Joey sa kanya
Ngumuso si Sophia na parang nagtatampo. “Feeling close ka na ha.”
Nilapitan ni Joey si Sophia at niyaya nang bumalik sa sasakyan. Hinawakan niya ito sa kamay at hinatak si Sophia “Biro lang iyon. Kaya h’wag ka nang ngumuso diyan at baka halikan kita.”
![](https://img.wattpad.com/cover/29756841-288-k566783.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?