"Saan mo nabili ang pandesal na ito?" mataas ang boses ni Cecilia, nagtinginan tuloy ang ibang mga kasama niya na nandoon sa loob.
Ikinagulat iyon ni Sophia, hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon ng Mama ni Joseph. Ang buong akala niya ay matutuwa ito ngunit sa pinapakita nito ay parang galit pa ito.
"Doon sa palagi niyong binibilhan," alinlangang sagot ni Sophia. Hindi niya alam pero parang kinabahan siya sa naging reaksyon ni Cecilia. Pakiramdam niya ay mahalaga ang bagay na iyon.
Kitang-kita ni Sophia ang pagkagulat sa mukha ni Cecilia makaraan niyang sagutin ang tanong nito. Tinalikuran niya si Sophia at Joseph at aktong iiwan ang mga kasamahan niya sa pagdarasal.
"Ma! Is there something wrong?" tanong dito ni Joseph
"Wala, masama lang ang pakiramdam ko. Hindi muna siguro ako makakasama sa pagdarasal," makaraaang sabihin iyon ni Cecilia ay nagdiretso ito sa kwarto sa itaas at nagkulong.
Pati si Joseph ay nagtaka na rin sa inasal ng kanyang Ina. Dati kasi, kahit may lindol pa o signal no. 4 na bagyo ay tuloy lang ito sa pagdadasal. Hindi niya tuloy maiwasang usisain si Sophia sa nalalaman.
"Nagwalk-out na naman si Mama, but this time hindi dahil sa iyo kundi dahil sa pandesal? Ano bang meron 'yang pandesal na iyan?" tanong ni Joseph kay Sophia.
"Ba! Malay. Kalasa naman ito ng ibang pandesal. Ito tikman mo." Inabutan niya ng pandesal si Joseph at tinikman iyon.
"Oo nga, wala namang pinagkaiba," ani Joseph.
"Wooshooo! If I know ngayon ka lang nakatikim ng pandesal," tukso nito kay Joseph.
...............
Matapos ang pagdadasal kung saan muntik nang makatulog si Sophia ay nag-alisan na ang ibang mga kasama nila. Si Joseph na lamang ang humarap sa mga ito dahil hindi talaga lumabas ang Mama ni Joseph.
Nang makaalis nang lahat ay ihahatid na sana ni Joseph si Sophia ngunit biglang lumitaw ang Mama ni Joseph at sinabing kung maari ay kakausapin niya sandali si Sophia. Agad namang sumunod si Sophia sa garden kung saan silang dalawa lamang ni Cecili ang nag-uusap.
"Pasensya na sa dala ko kanina, akala ko kasi matutuwa ka," paumanhin ni Sophia kay Cecilia.
"Enough sa ka-plastikan mo Sophia. Alam ko na ginawa mo iyon kanina para ipahiya mo ako. Well, nagtagumpay ka na, sana masaya ka na," galit na sabi ni Cecilia.
"Wala akong masamang intensiyon sa pagbigay sa iyo ng pandesal. Siraulo ka ba? Kung gusto kitang ipahiya, hinalikan ko ng bongang bonga ang anak mo sa harapan ng mga nagdadasal kanina, hindi 'yung bibigyan kita ng pandesal."
"H'wag ka ngang magpa-inosente dito. Hanggang saan ang alam mo? Kinulit mo ba ang panadero para i-kwento sa iyo ang buong buhay ko? Plano mo bang ikalat ang buhay ko?" kinuha nito ang upuan na bakal sa may garden at umupo. Minuwestra niya ang kamay at tinuro ang isang upuan na parang inuutusan si Sophia na umupo.
"Hindi! Hindi ako uupo," galit na sabi ni Sophia. "Kung ang lahat ng nasa bahay na ito ay sunud-sunuran lang sa iyo, ibahin mo ako. Wala akong ginagawang masama kanina. Naglalakad kami pauwi ni Diosa nang makita namin ang kotse mo. Nakita namin si Ramirez na bumibili ng pandesal at dinala iyon sa loob ng kotse. Akala ko matutuwa ka kapag dinalhan kita ng isang balot na pandesal, pero hindi pala. At isa pa humingi na ako ng paumanhin kanina kung hindi mo nagustuhan ang dala ko, ano pa bang problema mo? Dire-diretso lamang sa pagsasalita si Sophia at hindi na nakasingit si Cecilia.
"The nerve na pagtaasan mo ako ng boses sa sariling pamamahay ko. Wala kang urbanidad!" Napatayo sa kanyang upuan si Cecilia sa galit.
"Hindi porket bahay mo ito ay tama na palagi ang posisyon mo, kaya ka iniiwan ng mga nagmamahal sa iyo, dahil sa ugali mo!"
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?