Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco

5.4K 145 41
                                    

Dali-daling nag-ayos si Sophia ng kanyang sarili. Parang na-conscious siyang bigla sa presence ng binata. Hindi naman siya dating ganoon. Bakit nga ba sa t'wing darating ang binata ay may kabang dulot sa kanya.

"Hindi, magso-sorry lang ako sa ate mo, eh naglalambing lang." Dahilan ni Joseph. Hindi siya makatingin ng diretso kay Gil o kay Sophia. Sa sobrang kaba ay kay Gil niya pa inaabot ang bulaklak.

"Bakit sa akin mo inaabot? Ako ba si Ate?" sabay nangiti ito at ginulo ang buhok ng kaibigan.

Lumapit ito kay Sophia at inabot ang bulaklak habang nanginginig nginig pa ang mga kamay. Hindi talaga siya makatingin ng diretso kay Sophia.

"Sorry! Nabigla lang ako kahapon."

Tinanggap ni Sophia ang mga bulaklak, natatawa siya sa itsura ni Joseph, halata niyang kinakabahan ang binata.

"Wala na 'yun. Parehas naman tayong nabigla." Inamoy niya ang mga bulaklak na bigay ni Joseph. Napakatagal na nang huling beses na nakatanggap siya ng ganitong mga bulaklak. Binuksan niya ang ref at kinuha ang isang lalagyan ng tubig. Tinapon niya ang malamig na tubig at muling pinuno ng tubig na galing sa gripo at doon nilagay ang mga bulaklak.

Si Gil ay nanatiling clueless sa mga nangyayari. Ramdam na ramdam niya ang pagiging extra sa tagpong iyon.

"Mind telling me what's going on?" tanong ni Gil na may pagkasarkastiko ang boses.

Habang nagsasalita si Gil ay dirediretso namang pumasok si Diosa na ikinatulala ng lahat. Tinext nga pala ni Sophia si Diosa kagabi at sinabing baka pumunta si Joseph base na rin sa napag-usapan nila.

"Nandito na ang nilalang na hindi lang Diosa ang pangalan, diosa pa rin ang kagandahan."Sigaw ni Diosa na parang nasa isang beau con.

Lumapit si Gil at bumeso kay Diosa.

"Hoy! Norman, may pintuan kami, baka naman gusto mong kumatok?" reklamo ni Sophia sa kanya.

Hindi naman siya pinansin ni Diosa dahil na rin siguro sa Norman ang tinawag niya dito. Nakatuon ang pansin ni Diosa sa mga bagong bulaklak na nasa lalagyan ng tubig.

"Ang ganda ng bulaklak. Pero bakit nasa pitsel? Diyos ko! Ang chaka, halatang hindi nakakatanggap ng bulaklak at walang vase." Iskandalosang pagkakasabi ni Diosa.

Sinabunutan siya ng palihim ni Sophia na ikinatuwa naman ni Joseph na nasa harap pa rin nila.

"Ay! Ito ba yung kinukwento mong friend ni Gil? Isang sigaw ng Bet ng Bayan nga diyan mare! Yung G# ha!" pabirong sabi ni Diosa

Nagulat si Joseph at hindi napigil ang ngiti sa narinig sa kaibigan ni Sophia.

"Ikinukwento niya ako? Ano namang sabi niya?" Halatang curious na curious si Joseph sa mga napag-uusapan nilang dalawa.

"Na maniac ka, delingkwente, hinawa mo ng pagka-maniac si Gil, inalok mo siya ng sex, mga ganoong bagay lang naman."

Parang napahiya naman si Joseph, iba kasi ang inaasahan niya na sasabihin ni Diosa. Wala pala ni isang positibong bagay ang napag-uusapan ng dalawa tungkol sa kanya. Naisip niya tuloy kung dapat ba siyang matuwa na napapansin siya ni Sophia o hindi.

"Si Diosa ang galing magbiro!" sabay muli nitong sinabunutan ang kaibigan. Umarte silang tatawa-tawa pero sa totoo lang ay nainis na sa kanya si Sophia sa pagiging prangka niya. "Huy, don't mind him, palabiro talaga yan."

"Him! Sure ka d'yan teh! Her ako HER!" may diin ang bawat salitang iyon ni Diosa.

Nabaling naman ang atensyon ni Joseph kay Gil na kanina pa tahimik. Hindi na kumportable ang pakiramdam niya lalo na at may bisitang iba si Sophia na hindi niya naman kakilala.

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon