Tahimik ang naging hapunan. Ayaw munang magsalita ni Sophia na parang naninimbang sa Mama ni Joseph. Batid niya ang pagkadisgusto nito sa kanya at ayaw naman niyang bigyan ito ng iba pang dahilan para lalo itong ayawan siya.
"Nabalitaan ko na nagkakamabutihan na kayo ng aking anak," magiliw na sabi ni Cecilia
"Ha!" halatang nagulat si Sophia sa sinabi ni Cecilia. "Hindi pa naman, medyo marami pang dapat ayusin. Una sa lahat eh may girlfriend...."
Hindi na siya pinatapos sa pagsasalita ni Cecilia at agad na itong nagsalita.
"Oo nga, ang alam ko rin may girlfriend siya. Nagulat na lang ako nang marinig ko na kayo na pala. To think na kaibigan mo pa si Adrienne. But anyway, hindi ko naman sinasabi na hindi ka nag-iisip noong oras na nakipagrelasyon ka kay Joseph." Tuloy lang sa pagsasalita si Cecilia, mababa ang boses nito pero hindi nito nakakalimutang ngumiti.
"Wala pa naman po kaming relasyon ni Joseph," pigil na pigil ang pagsasalita ni Sophia ayaw niyang mabastos si Cecilia.
"Again with the Po. Wala pa, meaning may balak kayo. Ang akala ko pa naman ay nagkakaintindihan tayo nang sumang-ayon ka sa sinabi ko na ang mga kagaya ni Joseph ay hindi pa kayang magdesisyon sa sarili nila at puro damdamin ang pinapa-iral nila. Pero hindi na bale, hahayaan na lamang kitang magdesisyon sa mga bagay bagay. Siguro naman sa edad mo ay alam mo na ang tama at mali, ang mga bagay na nakaka-asiwa sa paningin ng tao o ang bagay na hindi katanggap tanggap."
"Ma! That's enough. Pinapunta ko si Sophia dito para makilala niyo at hindi para maliitin niyo," galit na sabi ni Joseph.
"Wala akong intensiyon na ganoon Joseph!" kunwari ay nagulat si Cecilia sa sinabi ng anak. "Hindi ko siya iniinsulto. I'm sure naiintindihan naman ni Sophia ang sinasabi ko dahil malawak na ang pag-iisip niya. Di ba Sophia?" Tumingin si Joseph at Cecilia kay Sophia at hinihintay nito ang sagot niya.
"Oo naman. May isip naman ako para magdesisyon sa sarili ko, at h'wag pakinggan ang mga sinasabi ng iba." Sinuklian na rin ni Sophia ng sarkastikong sagot ang kwentuhan nila ni Cecilia.
Pigil ang pagtawa ni Joseph sa sinabi ni Sophia na para bang sa unang pagkakataon ay may nakabara sa Mama niya. Palagi niya na lang kasing sinasalubong ng galit ang Mama niya, hindi niya inakala na mas nakakatawa pala kung ganoon siya sasagot sa Mama niya.
Humiwa si Cecilia ng karne at umarteng hirap na hirap siyang hiwain iyon.
"Hay, medyo matigas na ang karne ang hirap hiwain. Ang karne talaga kapag matanda na, kulang na sa katas at hindi na masarap ang lasa," wika ni Cecilia na tila pinakikitungkulan si Sophia.
Humiwa rin si Sophia ng karne at nakitang malambot lang iyon.
"Wala namang problema sa karne ko, makatas pa at malambot. Nasa pangangalaga lang siguro iyan. Parang sa tao, kung aabusuhin mo ang sarili mo kahit bata ka pa, manunuyo ka talaga,"depensa ni Sophia
Ang sagutan ila ay parang naging laro ng Go, puro atake ang ginagawa ni Cecilia at puro depensa naman ang ginagawa ni Sophia. Ngunit alam ni Sophia na hindi siya mananalo kung puro depensa lang ang gagawin niya.
"Sophia relihiyosa ka bang tao? Pwede kitang isama sa Handmaids of The Lord, hindi ka na rin naman kasi pwede sa Singles For Christ at baka mailang ka pa. Alam mo na, kadalasan ang sumasali doon mga 20-30 years old medyo nalipasan ka na yata.' At tumawa ulit si Cecilia, halata mong unti unti nang nawawala ito sa control.
"Nagsisimba naman ako kapag Linggo. Sa tingin ko hindi kailangan ulit ulitin ang dasal sa Panginoon. Kapag narinig niya na minsan iyon at totoo kang nananampalataya, maniniwala ka na ibibigay niya iyon. Hindi na kailangan hilingin ulit at hindi naman bingi si Lord. Maiintindihan niya naman siguro na may mga bagay pa tayong dapat asikasuhin gaya ng asawa at anak natin at baka iwanan nila tayo,"sagot ni Sophia. Alam ni Sophia ang ginawang pag-iwan ng Ama ni Joseph sa Mama nito. Mukha yatang hindi nagustuhan ng Mama ni Joseph ang sinabi ni Sophia at napatayo.

BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?