Ikalabindalawang Kabanata: Sa Ngalan Ng Ina

4.4K 129 52
                                    

Seryosong tiningnan ni Sophia si Diosa. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang sinasaloob nito tungkol kay Adrienne.

"Bakla, itigil mo na yan. Nakita mo ba ang lagay nila? Ang bata pa ng kapatid niya," ani Sophia.

"H'wag mong sabihing naaawa ka doon sa babae. Kahapon lang kung makapagkwento ka sa akin e high pitch ka pa, akala ko nga bibirit ka." Tinago ni Diosa ang phone sa kanyang bag. Alam niya ang hirap na pinagdaanan ni Sophia para itaguyod ang pamilya niya pagkatapos silang iwan ng kanyang ama.

"Hindi naman sa naaawa. Sa tingin ko nga mas matapang pa si Adrienne sa akin. Pero..."

"Pero kasi, nakikita mo ang sarili mo sa kanya, at ayaw mong maranasan ng iba ang hirap na dinanas mo. Naku! gaga, kilalang-kilala na kita," may pagka-inis ang tono ng boses ni Diosa, pero wala siyang magagawa. Naintindihan naman niya ang gustong sabihin ng kaibigan. "So, Ano? Isama niyo na ako sa malaking kasinungalingan na ito kay Joseph."

"Bakla! Matagal ka nang kasama. H'wag kang magmalinis."

Nabawasan ang tanong sa isipan ni Sophia, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Kung pupwede lamang ay gusto niyang tulungan si Adrienne pero hindi nito alam kung sa paanong paraan.

..............

Isang Linggo rin ang lumipas at naging normal naman ang pamumuhay nila. Madalas ay kukulitin siya ni Joseph ngunit sadya lang sigurong ganoon ang mga kabataan. Mas naging maayos din ang pakikitungo nila ni Adrienne sa isa't isa.

Dumating ang araw ng outreach ng Mama ni Joseph at gaya ng pinangako ni Sophia ay sumama sila nila Gil at Diosa, naroon din si Mysty na nasanay na silang tawaging Adrienne.

Mabigat ang loob ni Sophia gayundin si Adrienne na makikita ng mga batang inabandona ng magulang. Kahit anong hirap kasi ang naranasan nilang dalawa ay hinding hindi nila gagawin iyon. Inakbayan ni Sophia si Adrienne na alam niyang nangingilid ang luha.

"Bawal maging emotional, nandito tayo para pasayahin sila," sabay ngiti ni Sophia sa kanya

Mayamaya pa ay dumating na ang Mama ni Joseph. Kasunod nito si Joseph na lulan ng ibang sasakyan. Posturang postura ang Mama ni Joseph na para bang hindi sa isang outreach ang pupuntahan. Nakasuot ito ng puting puting blusa na matatakot kang mamantsahan ng putik. May malaking sombrero ito na parang takot na takot na masilayan ng araw kasama pa ang malaking shades na suot. Bukod pa doon ay pinapayungan pa ito ng isang lalaki na naka-uniform.

Agad ipinakilala ni Joseph ang kanyang Mama sa mga ito.

"Si Mama nga pala. Ma, this is Gil my friend, Sophia, Diosa, and Adrienne."

"Cecilia Garchitorena-Valle." Pakilala nito sa buo nitong pangalan. Matapos noon ay bumaling ito kay Diosa "Diosa? You really shouldn't use that name Ijo. That's blasphemy. Ano ba'ng real name mo?" kahit na ganoon ang sinabi ng Mama ni Joseph ay nanatili itong nakangiti pero alam mong seryoso ang sinabi nito.

"Norman po talaga ang pangalan ko," wika ni Diosa na parang nilamon ng kahihiyan sa harap ng Mama ni Joseph.

Napansin naman iyon ni Sophia kaya't iniba na lamang ang topic. Magiliw siyang bumati sa Mama ni Joseph. "Kamusta po kayo."

"I'm good Ija. Thank you for sparing a small amount of your time for these children. Mga less fortunate kids but that doesn't mean na hindi sila mahal ni God. Kaya nga tayo nandito para sa kanila and oo nga pala, h'wag mo na akong pinopopo. Hindi naman yata nagkakalayo ang edad natin."

Habang nagkuk'wentuhan sila ay biglang may yumakap na bata sa Mama ni Joseph at halos magsisigaw ito sa gulat.

"Ay!" gulat na sabi nito. Tinawag nito ang lalaking may hawak ng payong na nasa tabi niya. "Ramirez, pakitabi mo muna ang mga bata ha."

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon