Ikalabing-isang Kabanata: Imbestigador

4.4K 113 21
                                    

Nataranta si Sophia sa pagbuko sa kanya ng kapatid at sa pag-amin ni Joseph sa kanyang nararamdaman, ni sa hinagap ay hindi niya akalaing aamin ito ng basta basta na lamang at sa harap pa ng kapatid niya. Agad siyang naghanap ng pwedeng ipalusot para makatakas sa ipit na sitwasyon.

"Ah! Kasi si Diosa, may bagong bestfriend. Hindi man lang ako puntahan, nagseselos tuloy ako," palusot nito.

Hindi yata makapaniwala si Joseph sa narinig. Nilapitan niya si Sophia at inagaw ang phone para maka-usap si Diosa.

"Hello?" bati ni Joseph sa taong nasa kabilang linya. "Si Diosa ba ito?" dugtong pa niya.

"Oo si Diosa ito. Nakakaloka yang babaeng yan ha, halos mamatid na yung litid ko kakasigaw na ilagay ako sa speaker phone pero hindi ako marinig."

Agad nilagay ni Joseph si Diosa sa speaker phone para na rin makasama sa usapan. Nilagay niya ang phone sa mesa at kinausap si Diosa.

"Diosa, totoo ba ang sinasabi ni Sophia na may bago ka raw bestfriend kaya niya nasabing nagseselos siya?" tanong ni Joseph na parang imbestigador.

"Hindi ano. Gaga ba yang babaeng yan? Bakit niya ako pagseselosan, haler. Lalaki din ang gusto ko. Nagseselos yan dahil sa iyo."

Parang nakatama ng jackpot sa lotto si Joseph sa ngiti n'ya. Muntik pa siyang mapatalon at mapasigaw sa tuwa.

"I knew it! Nagseselos ka nga at ako ang dahilan. Mahal mo rin ako?"

At kung akala ni Sophia ay tapos na sa pagsasalita si Diosa ay nagkakamali siya.

"Umamin ka na girl, kung hindi lalasingin ko yan, lalagyan ko ng vetsin ang alak niyan at alam mo na. Ang tanda mo na teh, tigilan mo nga yang patweetums na yan."

Tiningnan siya ng matagal ni Joseph na parang naghihintay ng sasabihin niya. Hindi mawala sa mukha ni Joseph ang mga ngiti samantalang si Sophia naman ay pawis na pawis na. Hinablot ni Sophia ang phone na nasa mesa at agad pinatay.

"Kahit patayin mo pa yan, narinig ko na ang lahat." Tukso sa kanya ni Joseph. "Gusto ko na lang marinig mismo sa iyo na mahal mo ako."patuloy pa niya.

"Wala akong aaminin Joseph. Tigilan mo ako." Halos sing pula na ng kamatis ang mukha ni Sophia, kung magtatagal pa iyon ay baka magkulay ube na siya.

"Kung hindi ka aamin, hahalikan kita hanggang sa sabihin mong mahal mo ako," aktong lalapit si Joseph kay Sophia ng bigla siyang batukan ni Gil.

"Aray ko! Masakit ha! Tumigil ka diyan Gil, h'wag kang makialam dito. At isa pa igalang mo ako, magiging kuya mo na ako," sermon nito sa barkada.

"Gago! H'wag mo kayang pilitin si Ate, maghirap ka naman munang manligaw hindi yong narinig mo lang na nagseselos sa iyo, nag-assume ka na na mahal ka. At isa pa, kailan mo pa naramdamang mahal mo si ate?" Si Gil naman ngayon ang naging imbestigador.

"Matagal na," mahina at nahihiyang sagot nito.

"Kailan nga!" mataas na ang boses ni Gil, nainis sa hindi maliwanag na sagot ng kaibigan.

"Noong dinala niya yung ROTC uniform mo," sagot nito.

"Gago ka! Hindi pa tayo magkakilala noon ha. Sabihin mo nga, kaya ka lang ba nakipagkaibigan sa akin ay dahil kay ate?" kastigo nito sa kaibigan sabay may kasama pang hampas sa dibdib.

"Hindi ano! Parang! Ewan," napakagulong sumagot ni Joseph. Nag-iingat siya na hindi ma-offend si Gil sa sagot niya.

"Sige na, sige na. Hindi na kita pipiliting sumagot, pero h'wag mo ring piliting sumagot si ate," ani Gil sa kaibigan.

"Pero may sasabihin siya eh. Sabihin mo na kasi Sophia," pilit pa rin nito.

"Wala akong sasabihin. Umuwi ka na kaya sa inyo at sumama ka kay Mysty," ani Sophia.

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon