Pinaharurot ni Joey ang sasakyan na para bang may kailangang habulin. Gusto lamang kasi ni Joey na matapos na ang araw na ito at malaman ni Sophia kung sino talaga ang ama niya. Mas maigi na malaman niya agad para kung saka-sakali ay maaga rin siya maka-recover sa sakit.
“May hinahabol ba tayo? Bakit nagmamadali yata tayo?” tanong ni Sophia kay Joey.
Tiningnan lamang siya ni Joey at nginitian na kina-nerbyos ni Sophia. Mabilis kasi ang takbo nila at baka mabangga pa sila kung hindi ito titingin sa daan. Halos umaangat ang puwitan ni Sophia kapag may dadaanan silang sasakyan. Mamamatay yata siya sa kaba.
“Joey, gusto kong makita ang ama ko pero kung mamatay lang ako para makita siya h’wag na. Iuwi mo na lang ako sa amin.” Takot na takot na wika ni Sophia
Pero hindi siya pinakinggan ni Joey. Patuloy pa rin pinatakbo ng matulin ni Joey ang sasakyan hanggang sa makalabas na sila ng North Luzon Expressway.
“Saan ba tayo pupunta? Labas na ng Maynila ito.” May pag-aalalang tanong ni Sophia.
“Pampangga.” Maikling sagot nito
“Bibili ba tayo ng tocino? May malapit na bilihin sa bahay kapampangan din iyon.”
Natawa si Joey kay Sophia. Bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nang maramdaman niyang malapit na sila sa destinasyon nila ay medyo binagalan na niya ang pagpapatakbo. Ilang liko at tanong pa sa mga lokal na tao doon ay nakita rin nila ang hinahanap nila. Bandang hapon na nang makarating sila, at wala pa silang tanghalian.
“Nandito na tayo.” Itinigil ni Joey ang sasakyan sa harap ng isang bahay na may mataas na bakod. Dalawa ang gate nito, isa para sa mga sasakyan at isa naman na mas maliit na gate. May guard house sa labas na malapit sa may maliit na gate pero mukhang walang lamang tao iyon.
Bumaba silang dalawa ng sasakyan. Lumapit si Joey para tingnan ang loob ng guardhouse para makita kung may tao pero walang tao doon. Lumapit na rin si Sophia kay Joey.
“Wala, nagpagod lang yata tayo. Walang tao.”inis na sabi ni Sophia
Mula sa kanyang likod ay may nagsalitang mababang boses na parang galing sa ilalim ng lupa.
“Sinong hinahanap niyo.” Tanong ni Manong Security guard na ikinagulat ni Sophia
“Ay! Maligno.” Gulat na sabi ni Sophia na mukhang hindi nagustuhan ng guard dahil maitim ito at malaki ang mata. Mukhang hindi ito ang unang araw na natawag itong maligno. “Kuya, nagulat lang ako.” Paumanhin ni Sophia sa lalaki
Dumiretso sa guardhouse ang lalaki. Binuksan ang pakete ng sigarilyo na mukhang kabibili nya lamang. Kumuha ng isang stick at nagsindi.
“Ano bang kailangan ninyo?” masungit na tanong nito.
Hindi na sumagot si Sophia dahil baka lalo pang mawala sa mood si Manong guard. Si Joey na lamang ang nakipag-usap at tinanong kung naroon ba ang amo niya.
“Manong, nandyan ba si Mrs. Chua-Lim?” tanong ni Joey habang nagsisigarilyo si Manong. Kahit na hindi niya gusto ang amoy ng sigarilyo at halos masuka siya ay tiniis niya iyon.
Nagtaka naman si Sophia kung bakit ang asawa ang hinahanap ni Joey gayong ang pakay nila ay ang Ama niya.
“Ano ngang kailangan ninyo? Ang hirap niyo namang kausap.” Nainis na sabi ng guard
Napakunot ng noo si Sophia sa inasal ng guard. Muntik na niyang sagutin ito pero tumahimik na lamang siya nang makitang kalmado pa rin si Joey.
“May kailangan lang kaming itanong sa kanya.” Magiliw na tanong ni Joey.
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
Storie d'amoreSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?
