Maganda ang gising ni Sophia. Matagal na panahon na rin nang naramdaman niya na kuntento siya. Para ba siyang nabuo at ang isang mahalagang parte ng kanyang buhay ay naibalik sa kanya. Tila handa na niyang harapin kahit ano man ang mangyari sa kanya. Tiningnan niya ang kanyang alarm clock na nauna pa siyang magising kaysa sa pagtunog nito. Pinatay niya iyon at hinatak ang kurtina, binuksan niya ang bintana at hinayaan pumasok ng hangin. Kailan ba niya huling na-appreciate ang ganda ng umaga? Hindi na yata niya matandaan.
Lumabas siya ng kwarto at nakitang nagkakape na si Mamu at si Robert. Maaga itong pumupunta kila Diosa dahil sa trabaho nila. Para bang maayos ngayon ang lahat. Kahit na sabihing wala pa rin siyang matinong trabaho nakakagaang isipin na maayos at may pinagkakaabalahan ang kanyang Mamu, si Gil naman ay nasa magandang kalagayan at malapit nang umuwi.
Binuksan niya ang lalagyan ng pinggan at kumuha ng tasa, nilagyan niya ng kape at ng mainit na tubig at sinabayan sa pagkakape sila Mamu.
“Mamu, sana ganito na lang tayo palagi. Parang ang sarap mabuhay.” Masayang sabi ni Sophia. Napakagaan talaga ng kanyang pakiramdam na para siyang dinuduyan ng hangin.
“Ikaw lang eh, kung matagal mo nang hinanap ang ama mo, e di matagal ka nang sumaya.” Sagot naman ni Mamu
Matapos iyon ay napatingin si Mamu sa orasan at nakitang mahuhuli na sila. Nakakahiya naman kay Diosa kung iisa lamang ito na magbubukas ng coffee shop.
“Naku Robert, tara na. Doon ka na magkape. Marami nang nag-aabang na parokyano sa oras na ito. “ yaya nito kay Robert. “Maiwan ka muna namin nak.”
Tumango na lamang si Sophia para magpa-alam kay Mamu. Matapos iyon ay kinuha niya ang kanyang laptop at nag-update ng kanyang status sa FB.
Finally, I am complete.
Habang nagba-browse siya ay napansin niyang muli ang chat interface na ginagamit niya dati. Hindi pa nga pala niya ina-uninstall iyon. Bumalik sa kanya ang mga araw na doon siya nagtatrabaho, pero bakit ba ang palaging eksena na namumutawi ay ang mga usapan nila ni Joseph. Sinara niya ang laptop, ayaw na niyang maramdaman iyon. Meron na siyang iba ngayon at si Joey iyon. Si Joey na pinatunayan na mahal siya at kaya niyang mahalin.
Habang iniisip niya iyon ay narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya iyon at ang mensahe ay nanggaling kay Joey.
“Beautiful morning my Dear! See you later sa Sambo Kojin.”
Naalala ni Sophia na kailangan niya nga palang makilala ang Papa ni Joseph. Dapat sana ay kinakabahan siya pero para bang kapag nandyan si Joey ay handa niyang harapin ang lahat at alam niyang poprotektahan siya nito. Inalis na lamang niya sa kanyang isipan ang pag-aalala. Binuksan niya ang TV at inaliw ang sarili.
.................
Sa coffee shop naman ay nagkakaroon ng isang masinsinang usapan si Mamu at si Diosa. Naikwento kasi kagabi ni Sophia kay Mamu na sila na ni Joey at masayang masaya si Mamu para sa kanya. Kaya naman aligagang pumasok sa coffee shop si Mamu at ikwento kay Diosa ang nasagap niyang balita. Gusto niya sanang itext ito pero mas gusto niyang makita ang reaksyon nito kapag sinabi niya.
“Sinagot na ni Sophia si Joey? Bakit?” nainis na sabi ni Diosa
“Bakit ba parang hindi ka masaya sa balita ko? Nagmadali pa naman akong pumasok sa coffee shop para ibalita sa iyo. Di ba noong isang araw lang ikaw pa ang tumutulak sa kanya, e bakit parang ngayon eh tutol ka?” usisa ni Mamu
“Kasi nga may hindi siya alam kay Joey.”
“Ano naman? Halos lahat naman yata naikwento na ni Joey kay Sophia.”
![](https://img.wattpad.com/cover/29756841-288-k566783.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?