Epilogue

5.4K 128 16
                                    

Mabigat ang loob ni Joey sa nangyari.  Wala siyang pinagsisisihan sa kanyang naging desisyon pero hindi niya maiwasan ang hindi masaktan. Pero tuloy ang buhay, hindi niya kailangang magmukmok sa bagay na tapos nang mangyari.

Balik siya sa dating gawi.  Isusubsob na lamang niya ang sarili sa trabaho at hindi niya mapapansin na lumilipas na ang araw.  Maya-maya pa ay pumasok si Cindy sa loob ng opisina ni Joey at inabot ang file na hinihingi ni Joey.  Hindi maiwasan ni Cindy na maawa sa itsura ng kanyang boss.  Anupat hindi napigilan ni Cindy na hawakan si Joey sa kanyang kamay.

“Bakit naman kasi laging malayo ang tingin niyo Sir?  Kung imumulat niyo lang ang mga mata niyo, maraming nagpapahalaga sa inyo sa malapit lamang.” Ani Cindy sabay nangiti si Joey sa sinabi ni Cindy.

                                                                                   #

Ilang taon ang lumipas at si Joseph na ang namamahala sa negosyo ng ama.  Doon na rin nagtatrabaho si Gil at nagdesisyong h'wag nang umalis ng bansa.  Ang ama niya naman ay nagretiro na at lumipat sa probinsya kasama ang bagong asawa nito na si Cindy.

“Bakit ba parang hindi ka mapakali?” tanong ni Gil sa kaibigan.  “Naisara na naman natin ang deal.”

“H’wag mo nga akong tinatanong ng kung anu-ano.” Naglakad sila papunta sa elevator at hinintay iyong bumukas.  Pagkabukas ay pumasok silang dalawa. “Ikaw?  Kailan mo ba balak pakasalan si Adrienne?” tanong ni Joseph sa kaibigan.

“Bago matapos ang taon na ‘to.” Sabay nangiti si Gil na parang kinikilig.

“Idadahilan mo pa ang negosyo namin kung bakit hindi ka umalis eh si Adrienne lang naman ang dahilan mo.” Bumukas ang elevator at nagmamadaling lumabas si Joseph.

“Bakit ba nagmamadali ka?  Aalis pa tayo at magse-celebrate.  Malaking kontrata ang naisara natin.” Yaya ni Gil dito

“Hindi na pare.  Ikaw na lang.  Nasa ospital na si Misis at manganganak na raw.” Wika ni Joseph sabay nagmamadaling tinakbo ang kanyang kotse

“Sandali sasama ako!” tinakbo rin ni Gil ang kotse niya at atat na sinundan si Joseph

..............

Si Mamu na at si Robert ang namamahala sa coffee shop.  Ayaw na raw ni Diosang pamahalaan iyon at may bago na siyang nahanap na trabaho.  Si Diosa ay isa nang butihing chat-gay.  Siya naman ngayon ang nagpapayo sa mga taong nadedepress at baka maka-jackpot siya dito gaya ni Sophia

“I can understand you sir.  Do you wanna get married?” tanong niya sa kachat nito

...........

Si Anton at si Cecilia ay  nanatiling magkaibigan.  Hindi na nila napagpatuloy ang dati nilang pagmamahalan at nakuntento na lamang kung anong meron sila.  Madalas pa rin siyang bumalik sa panaderya ni Anton at bumili ng pandesal.

.............

“Nasa nursery na po ang kambal niyo.” Wika ng nurse kay Joseph

“Pwede bang masilip?” tanong ni Joseph na halatang sabik na sabik makita ang mga anak.

Kinatok ng nurse ang nagbabantay sa may nursery at hinatak ang kurtina.  Dalawang malulusog na kambal ang may nakalagay na Baby Valle.

“Pare, kamukha ko ang isa.”

“Gago!  Kamukha ko pareho.”

Habang nagtatalo sila ay hinawi sila ni Mamu at Cecilia na gusto ring makita ang kanilang mga apo.

“Kamukha ko!” malakas na sabi ni Cecilia

“Balae, tingnan mo,  Ilong palang akong ako na.” Pagtatalo ng dalawa sabay nag-irapan.

...................

“Hindi ko na yata kakayaning manganak ulit.” Wika ni Sophia kay Joseph.

“Okay na siguro iyon, may kambal na tayo.” SIyang siya na sabi ni Joseph

Maya-maya pa ay pinasok ng nurse ang kambal sa loob at tig-isang binuhat ni Joseph at ni Sophia.

“Mahal!  Salamat.  Binuo mo ang pangarap kong pamilya.” Wika ni Joseph kay Sophia

“Binuo mo rin naman ako.” Hinalikan nito ang anak at naiyak si Sophia.

“Ang saya-saya ko.” Wika ni Joseph kay Sophia.

“Ang cute ng kambal.”  Tiningnan ni Sophia si Joseph na nangingilid na ang luha. “Pa!  Gusto ko pa ng isa.” Ani Sophia kay Joseph.

“Isa lang?” 

“Isa lang sa una, kapag nasarapan, marami na.” Biro ni Sophia kay Joseph. 

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon