Ika-36 na Kabanata

3.7K 80 18
                                    

“Magpopropose ako sa kanya sa Friday, nakatakda kaming magkita sa Restaurant Le Dali.  Yayayain ko siya ng kasal.  Kung mas maaga kaming maikakasal, mas madaling makakabangon si Joseph.” wika ni Joey habang malalim ang iniisip. “Tama naman ang gagawin ko hindi ba?  Bata pa si Joseph at marami pang darating na pagkakataon sa kanya, ako wala na.” Tanong nito kay Ramon na parang naghahanap ng kakampi sa gagawin.

Hindi sumagot si Ramon, desisyon ito ni Joey at wala siyang intensyon na makialam.  Pero tiningnan niya ang kanyang amo, kahit paapano ay tama ang sinabi nito sa kanya kanina na mas maswerte pa siya.  Pwede mong makuha ang lahat ng pera sa buong mundo pero hindi nito ibibigay ang kaligayahan ng puso mo.

“Ikaw ano ang gagawin mo, Ramon?” tanong nito sa kasama.

Hindi agad nakasagot si Ramon, mahirap ang tanong na iyon dahil hindi pa niya naranasan ang sitwasyon ni Joey.

“Parang hindi yata ako ang dapat niyong hingnan ng payo.”  Sabay natawa si Ramon, pero sa huli ay nagsalita na rin siya nang makita niya na seryoso ang amo na marinig ang kanyang opinion.  “Iisa lang po ang TV sa bahay.  May pagkakataon na nagkakasabay ang championship ng Basketball at ang paborito nilang palabas na Cartoon.  Kahit sa una nagpupumilit ako at kinokondisyon ang utak nila na maganda ang basketball at magugustuhan din nila, sa huli ay nililipat ko na rin sa gusto nilang panoorin.  Nakakahinayang na hindi ka makasagot sa kwentuhan ng mga kumpare mo kinabukasan pero ang ngiti sa mukha ng mga bata habang pinapanood ang palabas na gusto nila, sobra sobra na para sa akin.” Kwento nito habang malayo ang tingin at inaalala ang mga anak niya.

“Ibig mo bang sabihin kailangan kong magparaya sa anak ko?” tanong nito kay Ramon

“Ang kalagayan niyo naman ho ay hindi isang simpleng palabas sa tv.  Nasa inyo pa rin ang huling desisyon.  Pero sir, Tatay po tayo.” Malalim ang sagot ni Ramon na iyon.

..........

Nasa paborito niyang mesa si Sophia sa coffee shop ni Diosa habang nasa harapan niya si Diosa at halatang hindi maganda ang mood.  Kinuwento niya dito ang lahat ng nangyari sa kanila ni Joseph.  Hindi napigilan ni Diosa ang sarili at sinabunutan ng malakas si Sophia.

“Gaga ka!  Alam kong gaga ka!  Pero hindi ko alam na ganito ka kagaga.” Galit na sabi ni  Diosa habang abot-abot pa rin ang buhok ni Sophia.

“Aray ko! Gaga na kung gaga.  Aminado ako doon.” Wika nito

“Anong akala mo sa ginawa niyo?  Bato-bato pik?  Nagjackstone kayo magdamag?  Tapos kinabukasan pumunta ka pa kay Joey para aminin ang lahat at parang wala lang nangyari?”  Katakot-takot na sigaw, mura at sermon ang pinakawalan ni Diosa.

Lumapit si Mamu para ibigay ang kape sa dalawa.  “Sige saktan mo, lumpuhin mo.” Ani Mamu matapos iyon ay tumalikod na.  Hindi pa rin kasi sila gaanong nag-uusap ni Mamu matapos nang ginawa niya.

“Hindi niyo ako naiintindihan.” Pumatak ang luha ni Sophia, dirediretso ang pag-agos noon papunta sa kanyang baba at saka nalaglag sa mesa.

“Pwes, ipaliwanag mo.” Galit pa rin si Diosa pero hindi na katulad kanina.  Malambot pa rin ang puso niya sa kaibigan lalo na sa tuwing iiyak ito.  “Gusto kitang maintindihan kaya ipaliwanag mo.”

“Sa tingin mo ba talaga, wala lang sa akin ang sex na iyon?  Binigay ko ang buong buo ko kay Joseph, pero kailangan kong umarteng wala akong pakialam dahil ayaw ko siyang paasahin.  Gusto kong magmukhang isang simpleng  l*bog lang iyon dahil ilang beses ko na siyang nasaktan.  Ayaw ko siyang paasahin dahil hindi ko kayang iwanan si Joey.  Binuo niya ang pagkatao ko at alam ko ang takot niya. Ang mag-isang tumatanda habang walang kasama sa buhay.  Ganoon na ganoon ang pakiramdam ko.” Sandaling huminto si Sophia para habulin ang kanyang hininga, hindi na siya gaanong makapagsalita ng maayos.  “Noong araw na pinuntahan ko si Joey at sinabi sa kanyang lahat, sinabi ko sa kanya na h’wag niya akong pandidirihan pero sa likod ng isipan ko gusto kong kaladkarin niya ako palabas ng building, gusto kong sampalin niya ako at sabihin niya na nakakadiri ka.  Gusto kong marinig na sabihin na ayaw ko na sa iyo Sophia, dahil hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya.  Hindi ko siya kayang saktan dahil natuto ko na rin siyang mahalin.”

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon