Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl

6K 148 11
                                    

Nagdalawang isip siya kung bubuksan ba niya ang chat interface ni Joseph. Naka-green na iyon, palatandaan na online ang binata. Inisip niya na trabaho lamang ito at customary para sa kanila ang i-prioritize ang bagong kliyente. Una sa lahat, wala naman itong alam na si Sophia siya, sa online world isa siyang balingkinitan na mistisang Pilipina na nasa edad 20-25.

Nagsimulang magtype is Sophia para batiin ang bago niyang kliyente gamit ang username niyang Mysty.

Mysty: Good day, Mr. Valle. My name is Mysty and I will be your companion for the day.

Nagulat si Sophia sa bilis ng reply ni Joseph.

Joseph Valle: Hello there! I am starting to think that no one wants to talk to me here. LOL

*Sino namang gustong makipag-usap sa maniac?* wika ni Sophia sa sarili niya

Mysty: That's not true Mr. Valle, there will always be people willing to listen.

Joseph Valle: You sound too formal, You can call me Joseph, Mr. Valle is my Dad.

*Mr. Maniac, gusto mo* Patuloy si Sophia sa pakikipag-usap sa sarili para bang labag sa kanyang loob ang lahat ng tina-type niya sa chat box. Wala lang siyang magawa dahil trabaho iyon.

Mysty: Joseph then, how are you Joseph?

Joseph Valle: Fine!

*Fine naman pala, lumayas ka na dito.* Nang biglang naka-receive siya ng bagong message kay Joseph.

Joseph Valle: Actually, no. Hahaha

Natigilan si Sophia sa nabasa. Madalas niyang makuha ang ganitong message sa mga kliyente niya. Ang mga taong sasabihing hindi sila ayos pero tatawa sa bandang huli ng message nila, sila yung mga taong nakaka-experience ng matinding depression.

Mysty: Do you wanna talk about it? I'm here to listen.

Joseph Valle: Can we just talk about something else? I do not feel at ease talking about my problems with somebody who is a total stranger to me.

*Diyos ko, eh bakit umaano ka pa dito?*

Mysty: That is absolutely fine Joseph. So What do you wanna talk about?

Joseph Valle: Can I ask you something?

Mysty: You can ask me anything.

Joseph Valle: You look like a Filipina. Are you a Filipina?

Mysty: Yes I am.

Joseph Valle: Buti naman, makakapagtagalog na ako. Pwede bang Tagalog na lang?

*Sabi na nga ba, limited ang vocabulary ng maniac na ito. Paglaruan ko muna, sandali.*

Mysty: Oh no! Unfortunately, we are required to speak the English language.

Joseph Valle: Ganoon? Hindi naman malalaman ng Boss mo, di ba?

Mysty: English please.

*Paduguin natin ang ilong mo para umalis ka na dito.*

Joseph Valle: Wait, Kakausapin ko boss mo.

Mysty: Don't! Okay Taglish.

Joseph Valle: Are you making me look like a gago? A while ago sabi mo English, ngayon Taglish?

Mysty: No! Kasi naman you're too serious. Bawal dito yan. Nandito tayo para mawala ang mga worries natin. Binibiro lang kita, para naman maging at home ka.

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon