"Gusto? Gustong patayin," sabay tawa nito habang hinampas ng malakas ang kapatid na si Gil.
"Aray!" Nasaktan siya ngunit hindi na nagreklamo sa ate, nasanay na siya dito na nananakit sa tuwing makakaramdam ng kasiyahan. "Puro ka biro, paano ka seseryosohin n'yan. Sagutin mo kaya ako ng seryoso. Dadalawa lang tayo dito sa bahay, maglilihim ka pa ba sa akin?" may pagtatampong wika nito
Sa puntong iyon ay nagseryoso na rin si Sophia. Hindi niya alam kung bakit inuusisa siya ni Gil sa parteng iyon. Halatang matagal na siyang ipinagtutulakan ng kanyang kapatid na magkaroon ng karelasyon, pero siguradong hindi ikakatuwa nito na magkaroon siya ng relasyon sa hindi lang mas bata sa kanya kund isa pang malapit na kaibigan.
"Bunso! Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko sa iyo. Na-excite ako na makatanggap ng flowers, sino bang hindi? Diyos ko, naka-headband pa ako noong last akong makatanggap niyan. Pero kung gusto ko siya? Medyo malabo yata bunso." Yumakap si Sophia sa kapatid niya na parang naglalambing. Ingat na ingat siya sa mga salitang kanyang binibitawan.
"Eh sa tingin ko, may gusto 'yung gagong 'yun sa'yo. Ang weird ng mga kilos niya lately, at madalas ka pa niyang nababanggit."
"Hindi ko naman siya masisisi. Oh partida yan ha, hindi pa ako lumalabas ng bahay pero sumasabog ang sex appeal ni ate." Muli na namang nawala sa pagiging seryoso ang usapan nila.
"Hindi naman sa tututol ako, kung saka-sakaling meron nga, ang tagal kong hinintay na may ipapakilala ka sa akin. Kaya lang, pwede ka na niyang maging Nanay,"prangkang pagkasabi nito
"Gaga! yung mukhang ito, hindi pang Nanay, kadalasan sa mga Nanay, haggard. Ako yung sinusustentuhan ng mayamang negosyante sa mga pelikula. Parang sexy mistress." Sabay higa nito sa sofa at nagpose na parang pang FHM. "Nasa dugo na natin ang pagiging magaganda."
"Ate parang sayo, sa dugo lang lahat napunta. Sana pwedeng sa mukha naman mapunta." hinawakan nito ang mukha ng ate at tiningnang mabuti.
"Hoy Virgilio, hindi magiging ganyan ang mukha mo kung pangit ang ate. May edad na ako, OO. Pero ang body, wasabe level ang hotness, sobrang asim pa na parang hilaw na mangga, may sweetness na gaya ng pure honey na tinaktakan ng Ajinomoto."
Isang sarkastikong titig ang binigay ng kapatid. Hindi ito makapaniwala na ganoon ang pananaw ng ate niya sa kanyang katawan. Kailangan pa niya yatang ipa-alala dito na kwarenta na siya, pero baka mabatukan na naman siya kaya't binalewala na lang niya. Mayamaya pa ay naalala niya na nagyayaya nga pala si Joseph na kumain sa labas bukas.
"Nga pala, Niyayaya tayong kumain ni Joseph bukas. Isama mo raw si Ate Diosa. Nagbabawi sa pang-aaway sa iyo. Hapon naman saka Sabado. Sige na, Masarap ang libre. Malay mo baka madevirginized ka na."
"Gaga! Kakain lang sa restaurant, made-devirginized na. Ano bang pangalan ng restaurant na kakainan natin?" tanong ni Sophia
"Sogo," biro ni Gil
Natawa silang dalawa sa sagot na iyon ni Gil. Pero nawala ang ngiti ni Gil ng naisip niya na kung si Joseph at ang ate niya ang magkapartner, ang kapartner niya ay walang iba kung hindi si Diosa.
"Hindi ako sigurado kay Norman ha! Alam mo naman kung hindi iyon busy sa negosyo niya, sa mga ligang pambasketball naman 'yun abala. Pero sige tatanungin ko siya mamaya."
Tiningnan niya ng mabuti ang kanyang ate, nagka-edad na ito sa pag-aalaga sa kanya. Ayaw naman niyang tumanda na lang ito ng mag-isa pero ayaw rin niyang masaktan ito. Nasa-highschool siya nang pumanaw ang ama mo Gil at magmula noon ay ang ate na niya ang umako ng responsibilidad sa pamilya nila. Nang makahanap nga ng bagong mamahalin ang kanilang ina ay sila na lang dalawa ang magkasama. Pakiramdam niya, wala siyang karapatan at kakayahang pigilan ang kanyang ate kung saka-sakaling magmahal ito ng iba, kahit sabihin pa na mas bata iyon.

BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?