“Nandito na tayo” saktong pipindutin ni Joey ang doorbell sa may gate ng bahay nang pigilan siya ni Sophia.
“Sandali! H’wag kang magpadalos-dalos. Baka mapahiya na naman tayo.” Saway sa kanya ni Sophia.
Halos matawa si Joey sa itsura ni Sophia. Takot na takot ito at hindi alam ang gagawin. Pero alam din naman ni Joey na sabik na itong makilala ang tunay niyang ama.
“Bakit ba kinakabahan ka? Di ba gusto mo siyang makita?” tanong nito kay Sophia. Inakbayan niya si Sophia at sinubukang patatagin ang loob. “Kung saka-sakali man na isa sa kanila ang ama mo at itaboy ka. Sasamahan kita hanggang sa huli.” Pangako sa kanya ni Joey
Sa puntong iyon ay nakahinga ng maluwag si Sophia, para bang nakakuha siya ng lakas noon kay Joey. Tiningnan niya si Joey na kalmadong kalmado, walang bakas ng pangamba. Para bang hinipan ng hangin ang pag-aalinlangan niya. Tama naman si Joey kung saka-sakaling itakwil siya ng kanyang ama ay may kasama naman siya at hindi gaanong nakakahiya. Tatawa na lang siya sa oras na mangyari iyon.
Tuluyan nang pinindot ni Joey ang doorbell ng dalawang sunod na beses at naghintay. Matagal tagal din bago buksan ng kasambahay ang gate ng malaking bahay. Bumungad sa kanila ang isang babae na naka-uniporme ng pangkasambahay.
“Sino po sila?” bati nito kay Joey at Sophia
Inabot ni Joey ang kamay niya sa kasambahay at nagpakilala.
“Ako po si Mr. Joey..” muntik nang masabi ni Joey ang kanyang apelyido, buti na lamang at nakapagpreno ito. “Joey po. Hinahanap po namin si Mr. Antonio Chua-Lim at may bagay lang po kaming nais malaman.”
“Sandaling sumilip ang kasambahay at tiningnan si Sophia. Nagpa-alam ito sandali at sinabing ipapa-alam muna niya sa kanyang amo na may bisita siya dahil wala naman yatang inaasahang darating noong araw na iyon.
Ang simpleng pagtingin na iyon ng kasambahay ay lalong nagpakabog ng dibdib ni Sophia. Hinawakan niya ang kamay ni Joey at pinisil iyon ng maiigi. Naramdaman ni Joey ang panginginig sa kamay ni Sophia kaya’t hinawakan niya iyon ng kanyang dalawang kamay.
“H’wag kang matakot. Nandito ako, aalalayan kita.” Sabay ngiti ni Joey na nagpagaan muli ng kalooban ni Sophia.
Makaraan ang ilang sandali ay bumalik ang kasambahay at agad pinapasok sila Sophia.
“Tuloy po kayo Sir. Nasa sala po si Sir at naghihintay.” Anito sa dalawa.
Pautay-utay ang ginawang paglalakad ni Sophia. Kinakabahan siya na baka ang makakaharap niya ngayon ay ang ama na niya. Bakot ba kung kailan pa siya tumanda ay saka niya naisipang hanapin ang kanyang ama. Si Joey lang naman ang nakapagpursigi sa kanya na makita ang kanyang ama.
Hindi gaanong kalakihan ang bahay. 2-storey house na may pagka-modern ang design na pansin na pansin mo ang mga Chinese decorations sa paligid. May fortune plant sa may hardin pati na rin ang money making plant na kung saan pinaniniwalaan na sa bawat bungang mahuhulog ay magkakaroon ka ng pera. Halatang tsino ang may-ari ng bahay. Bumungad pa sa kanila ang isang malaking bagwa mirror na nakasabit sa pintuan. Sa loob ay may figurine ng isang kabayo at palaka na may nakaipit na barya sa bibig niya na kulay green.
Napansin nila ang isang lalaki na anasa 60-65 anyos na na nakaupo sa sala set. Dahan-dahan itong Tumayo para batiin sila.
“Kamusta po kayo.” Magiliw na bati ni Joey sa matanda.
Si Sophia naman ay hindi nagsalita. Tumango lamang siya para batiin ang matanda. Nginitian siya nito pabalik na lalong nagpakaba sa kanya.
“I am not expecting a company today, Mr...”
BINABASA MO ANG
The Last Stop (Completed)
RomanceSi Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabingwit ng asawa. Pero paano kung sa biyahe niya ay isang binatang higit na mas bata sa kanya ang makasabay niya?