KABANATA 5
Tinigilan na rin siyang kulitin ni Gino tungkol kay Miah nang sabihin niyang wala talaga siyang masasabing kahit ano rito. Sinabi niya na school mate lang sila at hindi sila close. Iyon naman talaga ang totoo.Talagang mapilit lamang ang kulugong si Gino.
Naghihintay na lamang ang buong klase para sa afternoon class na first subject. Base sa schedule ni Red ay hanggang alas dos lamang ang ang sechedule nila ngayon hapon. Isang subject na lang naman kasi ang natitira.
Nag alas dos na ng hapon at halos mag mura ang ibang classmate ni Red dahil hindi man lang sumipot ang professor nila sa huling subject na iyon. Hindi naman siya naboring dahil kakwentuhan naman niya sina Gino at Tiffany na una niyang naging kaibigan ngayong unang pasukan.
Nalaman niyang taga Sariaya pala si Tiffany at ito ang nag valedictorian sa batch nito. Galing ito sa St. Joseph’s Academy sa Sariaya. Habang si Gino naman ay taga dito lamang sa Candelaria at sa Lady Mediatrix Institute nag graduate. Parehas catholic school ang pinasukan nina Gino at Tiffany pero magkaibang school. At gaya niya, honorable mention lang din si Gino. Pero mas humanga siya kay Tiffany. Halata namang matalino nga ito dahil sa kilos at pananalita nito.
Hindi nahati sa dalawa ang klase nila. Bale fourty plus ang bilang nila at tally ang babae at lalaki.
Sila na lang dalawa ni Tiffany ang magkasama dahil dumeretso pa si Gino sa pinsan nitong taga Engineering department.
“Red,”
Pukaw sa kanya ni Tiffany. “Hm?”
“Noong tinanong ka ni Gino kung type mo ba si Miah at sabi mo hindi, kung ganoon, sino ang type mo?” deretsong tanong nito sa kanya. Sasagot na sana siya nang may mahagip ang paningin niyang pamilyar na tao.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang kabuoan ng mukha nito. Buong akala niya hindi na niya ito makikita pero laking akala niya nang makita niya si Daniella na naglalakad habang may ginagawa sa cellphone nito.
Pakiramdam niya huminto ang oras at paligid niya.Parang ito lamang ang nakikita niya. Bahagya pang hinahangin ang magandang mahabang buhok nito. Parang nag slow motion pa ang paglalakad nito.
Natulala siya.Mas gumanda ito ngayon. Napansin niyang tumangkad at pumayat ito pero bumagay dito.Napamaang siya.
“Daniella…” Mahina niyang sabi nang malapit na ito sa kanya. Mukhang narinig naman nito kaya umangat ang tingin nito sa kanya. Biglang umaliwalas ang mukha nito nang makilala siya.
“Red!” masigla nitong tawag sa kanya.
“H-hi.”Bati niya kay Daniella. Hindi mapawi ang ngiti sa mga labi niya.
“Dito ka rin pala nag-aaral.”Masaya nitong sabi.
“Y-yeah.Ikaw rin? Ano’ng course mo?” natutuwa siyang malaman na dito rin ito nag a-aral. Hindi man sila magkatulad ng course ay ayos lamang sa kanya. Ang mahalaga school mate sila at makikita na niya itong muli. Alam ng Dios kung gaano siya patay na patay kay Daniella.
“BS Nursing. Business Ad ang kinukuha mo?”
Paano nito nalaman? Ay malamang, business department ang building nila. Pero ano naman kayang ginagawa ni Daniella sa building nila?
Tumango-tango siya.“Y-yeah.Napasyal ka pala dito.”
“Oh, yeah. Hinahanap ko kasi 'yong bestfriend ko. Baka nakauwi na 'yon.”
Hindi niya alam na may best friend ito bukod sa mga kaklase nila dati. Isa ba sa mga kaklase niya ngayon?
“Oh, I see. By the way, this is Tiffany. My new classmate.” Pakilala niya kay Daniella na si Tiffany na kanina pang tahimik sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...